Chapter 14 Forgotten Something

2.2K 151 21
                                    

Sabrina
~*~



Di nagtagal, humupa narin ang gulo o away sa pagitan nina Jomar at Carlo. Doon na rin lumabas ang lahat.

May gusto si Carlo kay Andrea, inamin niya. Pero si Jomar walang inaamin, ang sabi niya lang ay kaibigan lang naman raw ang turing niya kay Andrea at hindi niya alam na may gusto pala si Carlo dito.

Medyo nainis ako sa sinabi niyang 'yon. Kaibigan lang ang turing niya kay Andrea pero kung makaharot, wagas. Ano ba 'yon? Friendly gestures?

Si Gigi naman nanatili lang na tahimik, hindi niya man aminin, masyadong halata. Nasasaktan narin ako para sa kaniya. Alam kong may gusto siya kay Carlo, pero iniingatan niya ang friendship nila ni Andrea kahit pa alam niyang wala namang gusto si Andrea kay Carlo.

'Yong tungkol sa nakita ko kanina, hindi ko gaanong inisip 'yon. Kung konektado man ako sa babaeng 'yon, malalaman at malalaman ko din naman kapag naalala ko na lahat.

Darating din ang araw na babalik na lahat ng alaala ko. Darating ang araw na hindi na ako maguguluhan sa pagkatao ko.

Kung siya man ang nanay ko, makakaharap ko rin siya balang-araw.



~*~




"Saan ka galing?" seryosong tanong ni Zanik nang makarating ang kaniyang asawa.

"Diyan lang." sagot naman nito.


Hindi man nakaharap si Zanik sa kaniyang asawa, alam ng babae kung gaanong nagalit ito nang bigla siyang umalis nang hindi nagpapaalam. Alam niya rin naman na kung magpapaalam siya ay hindi rin siya nito papayagang umalis ng underland.

Bakit hindi nalang siya nito payagang umalis ng underland? Hindi rin naman niya makakausap ang ibang mga tao dahil tinanggalan siya ni Zanik ng kakayahang makisalamuha sa iba.

Makita niya lang ang kaniyang hinahanap, sapat na sa kaniya 'yon.


"Ano bang hinahanap mo?" galit ang tono ni Zanik habang nagsasalita.

"Wala."


Aalis na sana ang babae at tutungo sa silid nila pero muling nagsalita ang galit na si Zanik.


"Si Astron? Si Astron ba?"


Kasunod no'n ay binalot ng malakas na halakhak ni Zanik ang lugar.


"Si Astron? 'Yong kapatid kong 'yon? Hinahanap mo siya? Gusto mo siyang makita hanggang ngayon?"


Hindi sumasagot ang babae dahil alam niyang mas magagalit lang si Zanik kapag maririnig nito ang kaniyang isasagot. Ayaw niya namang magsinungaling dahil hindi niya kayang ikaila ang tunay na nilalaman ng kaniyang puso.

Oo, gusto niya ring makita si Astron pero bukod dito, nais niya ring makausap ang kaniyang anak.

Kahit pa asawa siya nito, kung sobrang galit si Zanik, kaya niyang gawin lahat. Kaya niyang saktan ang babae sa kahit anong paraang gusto niya. Kahit noon pa man, napagbubuhatan niya na ng kamay ang kaniyang asawa pati narin ang kaniyang anak na si Christine.

Hindi siya dapat mahalin. Pero dahil din naman kay Astron kaya napunta ang babaeng mahal niya sa kaniyang kapatid na si Zanik.

Nanatili siyang nakatikom.


"Mahal po pa ba siya?" seryosong tanong ni Zanik.


Imbes na sumagot ng oo o hindi, naglakad paalis ang kaniyang asawa't tuluyang nagtungo sa kanilang silid.

Alam niya sa kaniyang sarili ang sagot.

Oo.

Oo, mahal niya pa si Astron. Si Astron lang at wala ng iba.

Sabrina: The Unknown KindWhere stories live. Discover now