Author's note: Shocks! From #376 in FANTASY naging #359 in FANTASY na si Sabrina. Isang achievement na ito para sa akin.
Salamat sa mga nagbabasa. I highly appreciated it.
Thank you!!!
This chapter is dedicated to Jessarena
____________________________________________
Nanahimik ang lahat ng nasa silid, tanging ang mga ingay ng yabag sa sahig ang naririnig, lahat sila'y inaabangan ang pagpasok ng master na sa tagal ng panahon ngayon lang makikita ng karamihan. Kakaibang kaba naman ang naramdaman ni Sabrina nang iluwa na ng pinto ang tinatawag nilang master.
"Magbigay pugay sa ating pinuno."
Dahan-dahan namang nagsitayo ang mga nilalang sa loob ng silid at iniyuko ang kanilang mga ulo, tanda ng pagbibigay pugay nila sa master. Ngunit sa 'di malamang dahilan nanatiling nakatitig at nakaupo lang si Sabrina sa kaniyang pwesto kung kaya't malaya niyang natititigan ang mukha ng nasabing pinuno.
Samantalang kakaiba rin ang naramdaman ni Astron nang magtama ang mga mata nila ni Sabrina. Kahit wala siya noong araw na pinagdesisyunan ang paglagak nito sa pangkat nila Almario kung saan ang class Z+, walang impormasyon ang 'di lingid sa kaalaman nito.
"Sab, ano bang ginagawa mo?!" inis na tanong naman ni Almario sa katabi nitong si Sabrina.
Ngunit tila ba bingi ang dalaga sa bulong-bulungan na umaalingaw-ngaw sa paligid nito.
"Jessa!"
"Mae!"
Natigilan naman ang lahat nang biglang mangisay sa sahig sina Jessa at Mae habang nagpapalit ng kulay ang mga mata ng kambal. Naging itim ang mga mata ni Jessa samantalang puti naman ang kay Mae.
"Ang dating nagkalayo
Muling ipinagtagpo
Tadhana'y nagdugtong
Supling niyang bugtong.Ang pagkikita'y simula
Upang maisakatuparan ang tagna
Sa pagputol ng hininga
Ng maaaring may sala."
'Yan ang mga sinabi ng dalagang nagtataglay ng puting mata, kung saan ang puting mata ay nagsisimbolo ng maganda at masayang hula.
Ngunit agad naman itong nadugtungan ng isang masama at nakakapangilabot na balitang hatid ng dalagang nagtataglay ng itim na mata.
"Paggising sa natutulog
Pagdanak ng dugo
Puso'y madudurog
Sa kamatayang nabuo."
"Aaahhhhhhhhhh!!!" sigaw ng dalawang dalaga dahil sa sakit na kanilang nadarama sa kanilang ulo.
Maya-maya lang ay nawalan sila ng malay, agad namang idinala ito ng dalawang maskuladong mortal sa infirmary ng nasabing hall.
Nagpatuloy naman sa paglakad si Astron patungo sa kaniyang upuan para makapagsimula na sa pagpupulong nito.
YOU ARE READING
Sabrina: The Unknown Kind
Fantasía(SABRINA TRILOGY #1) No one knows who she was. No one knows where did she belong. She has a name but temporary. She have something that others don't. She has a mind but not memories. Book Cover: AyskremBeybi Date Started: July 12, 2017 Date Fin...