Sabrina
~*~
Natapos ang buong araw ng walang masyadong ganap. Pagkatapos namin mag usap ni Gianina ay agad akong umuwi dito sa dorm at in-arrange ang mga gamit na pinamili namin. Dapit hapon na ng matapos ako sa pag aayos. Pagkatapos ko sa lahat ng gawaing gagawin sa kwarto ko ay napagpasyahan ko na maligo muna pampa-relax din ng katawan.Habang naglilinis ako ng katawan at dinadama ang lagaslas ng tubig sa kahubdan ng aking katawan ay hindi sinasadyang maitapat ko yong likod ko sa salamin ng CR.
"Ano ito?"
Hinaplos ko ang markang nasa kaliwang bahagi ng balikat ko.
"Beautiful." yan ang tanging naiusal ko sa sobrang paghanga at pagkamangha sa aking marka.
Habang hinihimas ko ang marka na nasa likod ko ay nagulat ako ng bigla itong kuminang. Hinintay ko pa ulit ng ilang saglit pero hindi na ito muling kuminang. Kung kaya't ipinagpatuloy ko na lang ang aking paliligo at tsaka nagbihis. Sakto namang pagkalabas ko ng banyo ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Sino 'yan?" batid ko kung sino ang kumakatok ngunit hinayaan ko na lang umakto ng tama, 'di pa nila maaaring malaman.
"Sab it's me, Andrea. Can I come in?" sagot naman nito.
"Go ahead."
Bumukas na nga ang pinto at iniluwa no'n si Andrea.
"I just came in to say na maghahapunan na tayo. Sasabay kaba sa'min?" tanong niya at tumabi sa kama na pinag uupuan ko.
"Kompleto ba lahat?"
"Yep, ikaw na lang ang kulang." then she smiles sweetly.
"Busog pa ako Andrea, bukas na lang siguro. Magpapahinga na lang muna ako ngayon, nakakapagod rin mag ayos ng kwarto." and I gave her a smile.
"Okay, pero kung nagbago 'yong isip mo baba ka na lang ha." tumayo na siya at pumunta sa pintuan.
"Yeah, I will."
"Goodnight Sab, sleep tight and sweet dreams." akala ko umalis na siya nakadungaw pa pala 'yong ulo niya sa pintuan.
I chuckle, ang kulit talaga. "Yeah, you too."
Then, the door closed.
Ibinagsak ko 'yong katawan ko sa sa kama. I feel so exhausted, why is that?
Ang totoo talaga niyan ay nagugutom na ako pero ayaw ko pang makita 'yong bugnuting Almario na iyon. Baka highbloodin lang ako sa mukha niya na nakabusangot. Tsaka nakakahiya din pagkatapos kong umakto na parang bata bago ako mahimatay. Oo, aware ako sa mga nangyari and I hate it. Hindi ko rin maintindihan 'yong sarili ko kung ano ba 'yong nangyari sa'kin at bigla na lamang akong nakaramdam ng gano'n.
Ipinikit ko na lamang agad ang aking mga mata at tuluyang nagpalamon sa dilim.
~*~
Nakatayo ako ngayon sa labas ng isang mansyon, malaki at malawak ito. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero tila ba may mga sariling buhay ang aking mga paa.
Pumasok ako sa loob ng mansyon, hinayaan ang aking sarili na tangayin ng aking mga paa, at doon na dinala ako ng mga ito sa isang silid.
"Astron, nagbalik ka."
Dahil sa pagkabigla napaatras ako at 'di sinasadyang maisara ko ang pinto, sinubukan kong buksan muli bago pa ako mahuli ngunit 'di ko na ito mahawakan. Pilit ko iyong kinapa ngunit tumatagos na lang ang aking kamay sa seradura.
Humakbang na lang ako ng bahagya upang tingnan kung sino 'yong babaeng nagsalita kanina.
Nakatalikod siya sa gawi ko kaya't malaya kong natitingnan ang kaniyang mga galaw.
Nakaupo lang siya dito at tanging isang lampshade na nasa gilid ng kaniyang kama ang nagbibigay liwanag sa buong silid.
"Akala ko tuluyan mo na akong *huk* iniwan." umiiyak na pala ang babae.
Maya-maya lang ay lumitaw na sa madilim na bahagi ang isang lalaki ngunit malabo ang kaniyang mukha, di ko maaninag kung ano ang kaniyang itsura.
"Hinding-hindi mangyayari 'yon aking mahal, 'di na ako lilisan." anang lalaki atsaka tumabi ito sa babae.
"Ngunit, paano na ang mga nasasakupan mo? Paano na ang krisis sa Navel, kailangan ka nila doon ngayon." sabi nito at umusog palayo sa lalaki.
"Handa naman akong mag-intay sa iyong pagbabalik, alam kong babalikan mo ako rito at ang aking anak. Salamat dahil kahit nagkamali ako at... At..." di na naituloy ng babae ang kaniyang sinasabi ng bigla na lang itong humagulgol.
"Pangako ko sayo, 'pag natapos na ang krisis sa Navel na gawa ng asawa mong huwad kukunin kita dito. Tahan na." ani ng lalaki.
Lumapit ang lalaki at hinawakan ang baba ng babae, dahan-dahang nagkalapit ang kanilang mga mukha at sinakop nila ang labi ng bawat isa. 'Til it was an intimate one, they're savoring each other's touch until they became naked.
Hinawi ng lalaki ang mahabang buhok ng babae and he started to kiss her nape. Agad namang napadako ang aking tingin sa kaliwang balikat nito.
Marka?
Hugis mata. Tila nakamarka gamit ang kulay violet na tinta. Nakita ko na ito. Saan nga ba?
Tinitigan kung maigi ang marka baka sa pamamaraang 'yon maalala ko kung saan ko nga ba ito nakita. Nang bigla itong kuminang.
Teka? Marka na hugis mata na nakaimprinta gamit ang kulay lila na tinta.
Ang marka niya ay ang mark ko.
Ako ba siya? Siya ba ako?
YOU ARE READING
Sabrina: The Unknown Kind
Fantasia(SABRINA TRILOGY #1) No one knows who she was. No one knows where did she belong. She has a name but temporary. She have something that others don't. She has a mind but not memories. Book Cover: AyskremBeybi Date Started: July 12, 2017 Date Fin...