Chapter 20: Business Partner

62 2 0
                                    

One month na rin ang lumipas mula ng nakalabas ako sa hospital

dito ako inihatid ni Harvey sa mansion habang siya na ang bahala sa preperation ng kasal namin.

Pero pagkatapos niya ako ihatid dito sa mansion hindi na siya ule dumalaw pa
hindi siya tumatawag or magtxt man lang.

Ayan na naman siya nag-aalala  na naman ako hindi kaya eto ang dahilan para iwanan ako ni Harvey sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sakin.

Kahit kelan hindi ko siya sinisisi ang sakit na to ang may dahilan pero kahit ako hindi ko ito sinisisi its part of my life.

"kuya... kuya carl anong ginagawa mo dito?"

nakita ko siyang pumasok ng mansion.

"bunso hindi ba ako pwede umuwi sa bahay natin. bahay ko rin naman to." ngumiti siya, lumapit sakin at hinalikan ako sa noo.

"i mean bakit ka nga nandito it's a weekdays, weekend ka lang nauwi dito. My problema ba?" bigla siya nag-iba ng tingin.

May kinuha siya sa bag niya na sobre, na ikinaba ko.

"Here!" inabot niya sakin at kinakabahan akong kunin.

"ano to?..."

"Kagagaling ko lang ng Airport my hinatid ako doon, biglaan lang kaya hindi na nakapagpaalam." Hindi siya makatingin sakin.

"Bunso! im sorry alam kong hindi mo maintindihan pero mahal na mahal ka niya. Naintindihan ko kung anuman ang pinagdadaanan niya masakit para sa kanya ang pag-alis niya. Pero ito lang ang way niya para maghilom sa puso niya ang sakit na nararamdaman niya. Sa tuwing nakikita ka niyang nakangiti at nasasaktan nadudurog ang puso niya na wala siyang magawa." umiiyak na ako hindi ko na kaya iniwan niya ako.

"Mas pinili niya na iwan ako kesa na samahan ako, bakit naisip ba niya na hindi ako masasaktan sa ginawa niya. Sinabi niya sakin na hindi niya ako sasaktan, ni paluluhain hindi. bakit ngayon ginagawa niya, sana man lang nakipag-usap siya sakin baka sakali na maintindihan ko siya. Hindi yung ganito na wala man lang kamusta, naisip ba niya na nag-aalala ako nung mga nakalipas na araw na hindi na siya pumunta dito pagkatapos niya ako ihatid. Inisip ko baka busy lang siya sa company niya at sa restaurant at sa preparation ng kasal namin. Pati pala yun hindi na matutuloy. Ang daya daya niya!"  iyak ako ng iyak niyakap ako ni kuya

pero kumalas ako sa kanya at tumakbo sa kwarto ko.

"bunso, im sorry! alam ko nasasaktan ka ngayon pero darating ang oras na pasasalamat mo ako ginagawa ko to para sayo. mahal na mahal kita.!"

Nandito lang ako sa kwarto hindi ako lumalabas pati si kuya hindi ko kinausap nung nagpaalam siya na umalis.

Nakita ko ang sulat na nasa ibabaw ng side table ko.

kinuha ko yun at binuksan kinakabahan ako at tumulo na naman ang luha ko.

namamaga na ang mga mata ko kakaiyak pati sina mommy at daddy pumunta na rin dito kanina pero diko sila kinausap!

My Irish, sweety!

Mahal na mahal kita. I'm sorry for letting me go. Sobra akong nasasaktan sa tuwing nakikita kita ganyan. Kahit sabihin niyo na hindi niyo ako sinisisi pero sobrang sakit para sakin to ako pa rin ang dahilan kung bakit nagkaganyan kana naman. pakiramdam ko unti-unti akong sinasaksak. Nangako ako na hindi kita paluluhain, at sasaktan pero ako ang dahilan ng mga yan. Hindi kita maprotektahan kailangan may ibang tao pa na sumaklolo sayo dapat ako ang gumagawa nun hindi ikaw, lagi mo na lang sinasangkalan ang sarili mo. Nawawalan na ako ng kakayahan na gawin yun para sayo.
Kailangan ko lang lumayo ng konti para mabuo kong muli ang sarili ko. Sana hindi ito dahilan para manghina ka. Alam ko na malakas ka na maraming aalalay sayo sa pag-alis ko. At sana sa pagbabalik ko mahal mo pa rin ako at ako pa rin ang laman ng puso mo.
Sa pagbabalik ko buo na ako at karapat-dapat na ako sayo na handang humarap sayo at kayang harapin ang lahat ng sakit ng nararamdaman mo.
mahal na mahal kita Irish, mahal na mahal. Mag-iingat ka sana palagi. At sana huwag mo naman masyado gamitin yang pagka adrenelin rush mo. Ipangako mo na palagi kang masaya. I promise to you sa pagbabalik ko kung ano ang iniwan kong pangako sayo ibibigay ko!"

My girlfriend is a HacienderaWhere stories live. Discover now