Chapter 34: This is it

124 2 4
                                    

Pagkatapos kumain ay agad nagtungo ng kanyang kwarto si Irish para magbihis.

tuwang tuwa siya sa wakas ay makakapunta na siyang muli sa rancho halos ilang buwan din ang nakalipas mula ng huli.

palabas na siya ng kwarto ay may nagtakip ng bibig niya nakaramdam siya ng pagkahilo at panlalabo ng mata.

"Ate sigurado kaba dito na saglit lang siya mawawalan ng malay? baka hindi na siya magising patay tayo neto." habang akay nila ay dinala ito sa kama.

siyang dating naman ni Carl.

"wag kang mag-alala magigising din siya mamaya. mahinang dosage lang naman ang nilagay ng doctor na kaibigan niya." sabat ng kuya niya at binuhat na si Irish.

sabay na silang tatlo na lumabas at nagtungo ng sala.

naghihintay na dun ang magmemake-up sa kanya.

nakaready na rin ang susuotin niya.

"Tart okey na ba sa ranch?" si Laarnie habang inaayos nito ang susuotin ni Irish.

"Yes! kakatawag ko lang kay Lance, etong si Harvey kanina pa ready, sobrang excited." walang- malay na inaayusan si Irish ng baklang make-up artist.

umupo na din sina Teri at Laarnie para ayusan sila.

"ano kaya ang magiging reaksyon ni Chrystal? excited na ako!" habang ngiti-ngiti na tumingin si Teri kay Irish.

"patay din tayo mamaya! pag nalaman niya ang ginawa natin!" si Laarnie na nakapikit habang nilalagyan siya ng make-up.

"ate pasasalamatan pa tayo pag gising niyan! saglit lang naman yan magalit! si Harvey ang mag ready panigurado na talak ang abot niya mamaya." -- Teri.

Ilang minuto din ang lumipas ay natapos na ang pagme make-up sa kanila. Pero si Irish ay hindi pa rin nagigising.

"Madam bibihisan na natin si Maam Irish bago pa siya magising! panigurado nito napakaganda niya."  --- make-up artist na umayos kay Irish

"Naku mga madam magbihis na rin po kayo." --- sabad ng isang make-up artist.

Nakapagbihis na ang dalawa at tinutulungan nila bihisan si Irish ng kanyang wedding gown.

"Hello girls! are you done? naiinip na si Harvey dun! ang lahat ng bisita nandun na din sa ranch." --- Carl..
kararating lang galing sa ranch.

"yes tart were done! buhatin mo na si Chrystal bago pa siya magkamalay, nasa sasakyan na ang lahat." lumapit si Laarnie kay Carl para humalik.
gumanti ng halik si Carl sa kasintahan.

Binuhat na rin niya ang kapatid para isakay sa wedding car.

"sus! ang bigat nitong si Chrystal, panu na lang sa honeymoon nila baka hindi siya mabuhat!" sabay batok sa kanya ni Laarnie.

"naku! Irvin Carl puro ka kalokohan bilisan mo na nga at maya-maya magigising na yan!" -- umiiling na buhat-buhat ang kapatid habang pangiti-ngiti sa kalokohan niya.

Nasa loob ng sasakyan sina Irish katabi si Teri habang si Carl ang siyang nagdadrive at katabi si Laarnie. Malapit na sila sa ranch.

"Bakit ba napakatagal nila Irish at Carl. baka nabisto sila." si Mrs Monteverde habang pabalik-balik ng lakad sa harap ng venue ng kasal.

"Honey! stop walking nahihilo ako sayo. maya-maya andiyan na sila. pati ako natataranta sayo." --- Mr Monteverde. Inawat niya ang asawa at pinalapit sa pwesto niya.

My girlfriend is a HacienderaWhere stories live. Discover now