Chapter 31: Part 2 - The past

53 3 0
                                    

kumalas na rin si cherry pinunasan na nito ang luha niya.

hinarap naman siya ni xie at hinapit siya nito at kinulong sa mga bisig niya.

umalis si cherry at pumasok sa loob hinayaan niya ang dalawa na magkasarilihan.

kahit masakit pa rin sa kanya dahil mahal niya ang lalaki. ngayong napatawad na siya ng kaibigan oras naman na tanggapin na rin niya na kahit kelan at hindi siya mamahalin ng lalake.

"irish... mahal na mahal kita, sana may pag-asa pa na tanggapin mo rin ako sa buhay mo." humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

hinayaan niya muna na yakapin siya nito. pinapakiramdaman niya ang sarili kung may natitira pa bang pagmamahal para sa lalaki.

parang naawa siya dito pero wala na siyang pagmamahal na nararamdaman dahil ngayon si Harvey na ang bumuo ng pagkatao niya kaibigan na lang ang pwede niya ibigay dito.

kumalas siya ng pagkakayakap dito.

"xie marami ng nagbago sa loob ng 5 taon. I'm sorry pero hanggang pagkakaibigan na lang ang maari kong ibigay sayo." yumuko ito.

"dahil ba sa kanya? kaya hindi mo na ako kayang mahalin. siya na ba ngayon? si Harvey ba ang dating boss mo?" may lungkot sa mga mata nito.

alam niya masakit para dito pero mas maganda na malaman niya at hindi na umaasa pa.

"oo siya! mahal na mahal ko siya dahil sa kanya kaya nakayanan ko ang lahat, dahil sa kanya natuto ako magpatawad at magtiwala muli. Xie magpapakasal na kami kaya ka niya kinausap din para magkaayos tayo bago kami mag settle down." nagulat ito sa sinabi niya hindi siya agad nakapagsalita.

hinawakan niya ang kamay nito na napakalamig napaupo ito at nanlambot.

"wala na pala talo na pala ako... masaya kaba sa kanya?" then she nodded and she smile at him.

nasapo niya ang mukha nito at narinig niya na humihikbi.

"sana dati pa ako bumalik sana ngayon akin ka pa! kasalanan ko ang lahat.. I'm sorry Irish pero sana hayaan mo na lang muna ako na mahalin ka kahit sa malayo." pinaharap siya nito sa kanya at pinahid ang luha na naglalandas sa pisngi nito.

"hahayaan ko na mahalin mo ako pero sana huwag matagal gusto ko maging masaya ka rin at mahanap mo na ang bubuo sa pagkatao mo at sana kapag nakita mo na siya ipakilala mo siya sakin ha!? promise me." niyakap na lang niya ito hindi niya alam paano niya pagagaanin ang loob ng lalaki.

at least lumuwag na sa dibdib niya ang  bigat na matagal na niyang dinadala ang mapatawad ng babaeng nasaktan at minamahal pa rin niya.

"bakit hindi sinabi ni harvey sakin na kayo? bakit dun ka nagtatrabaho sa restaurant na minsan kumain kami doon.... inawat siya ni irish sa daming tanong.

"wait isa-isa lang ang tanong... kaya hindi niya sinabi para hindi ka ma-ilang na kausapin ako. dun sa restaurant kung san mo ako nakita is part of my job,, extra job! after we graduated in business management hinandle ko ang family business namin pero kasi hindi dun ang puso ko. gusto ko talaga maging architect at tutol ang daddy ko si kuya naman kasi may sarili siyang  firm isa siyang engineer. so umalis ako dito sa mansion naghanap ako ng trabaho para tustusan ang pag-aaral ko una sobrang hirap pero nakaya ko. ang daming trabaho ang pinasukan ko. kahit na  gusto ako tulungan ni kuya hindi ako pumayag hanggang sa nag-apply ako sa restaurant  ni harvey." nakikinig lang sa kanya si Xie like the old time na hindi pa sila good listener talaga siya.

marami pa sila napagkwentuhan tungkol kay harvey. 

nagkakatawanan na sila ng dumating si cherry. nahinto ang tawanan nila.

My girlfriend is a HacienderaWhere stories live. Discover now