Isang linggo nakalipas mula ng pagkikita nila sa construction site,
Nakapag-usap na rin sina Irish at Kevin bago umalis pabalik ng NY si Irish lang daw ang babaeng kailanman hindi niya makukuha.
He's the greatest failure of his being playboy but otherwise masaya pa rin siya at nakilala niya si Irish at masaya na rin siya para kay Harvey.
Kung hindi nga lang niya kaibigan to aagawin niya si Irish sa kanya.
At dahil na rin nakahanap siya ng katapat sana sa pagbabalik niya mahanap na niya ang taong mamahalin siya bilang siya at makakasama habang buhay.
On going ang construction ng bagong restaurant nila Lance at Harvey.
Hindi pumayag si Irish ang magmanage nun habang si Harvey talaga ang nakabili hindi na nagpumilit pa at kapag mag-asawa na sila wala na siyang choice kundi ang maghandle nun.
Pero alam niya hindi niya mapipilit si Irish na magstay sa restaurant na yun andiyan naman si Lance nakahanap na din siya pansamanlata na manager na magtitingin sa Restaurant niya na kabusiness partner niyang si Irish habang on going ang construction.
At dahil na rin sa pagpupumilit nila Lance at Irvin ay nakapunta sila sa rest house ni Irish sa tagaytay isinama na rin ni Lance si Teri.
"Wow Bambam ang ganda dito sarap ng simoy ng hangin, bakit ngayon mo lang kasi kami dinala dito. Sayang wala si ate Annie wala tuloy ka bonding si Kuya Carl." habang sa bar table nagiinum si carl at nagmumukmok.
May bar dito sa loob na rest house niya pinagawa niya talaga yun for incase nga nandito ang mga kaibigan at kuya niya.
Para hindi na lalabas kung sakali man na malasing ito.
"Naku Teri wag mo na yan iparinig kay kuya baka mapa-aga ang uwi ni Laarnie," nandun sila sa sala at may inaayos sila kanya - kanya.
Yung dalawa naisipan mag-firing range habang tinitingnan lang sila ni Irvin mula dito sa loob.
Tumayo at lumapit si Irish sa kuya niya.
"Teri wait lang aah! puntahan ko lang si kuya." she nodded.
"Kuya bakit ba mag-isa ka dito? hindi ka pumunta dun, sabi mo gusto mo magfiring, may climbing din diyan kung gusto mo? may problema kaba kuya." habang nagulat ito sa pagtapik sa kanya sa balikat.
"Bunso andiyan ka pala, anong sabi mo?" bumuntong-hininga lang siya.
"Namimis mo siya no! don't worry mahal ka nun! wala pa bang balita na uuwi siya?" nag-aalala si Irish dahil ilang araw na, napapansin niya na parang may iniisip ang kuya niya.
"wala pa eh! ang sabi niya dapat nung last month pa kaya lang yung boss daw niya hindi pa raw siya pinapauwi may pinapatapos pa raw sa kanya. Lalake ang boss niya baka nagigipit yun at nahiya lang talaga na magpaalam na. Kahit na hindi na niya kailangan magtrabaho dun kaya ko siyang buhayin." tumagay pa siya pero inagaw na ni Irish.
"kuya enough bakit hindi mo siya sundan dun ako na ang bahala dito. here oh!" At may inabot na plane ticket sa kanya.
"ano to? bakit?..." saka lang nagrehistro sa kanya ang ibig sabihin ng kuya niya nagwoworry kasi to wala maiiwanan sa firm nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/114432920-288-k713229.jpg)
YOU ARE READING
My girlfriend is a Haciendera
General FictionIrish Chrystal Hewet Monteverde. Isang Hasyendera na lumayas sa poder ng kanyang magulang upang patunayan na kaya niyang tumayo sa sarili niya mga paa na hindi kailangan ng pera ng mga magulang niya. Nagtrabaho siya bilang waitress sa isang restaura...