Chapter 16: Welcome back

70 1 0
                                        

Habang nangyayari yung sa kubo nakarating na si Laarnie sa ranch at dun nakaset na ang lahat,

alam na rin nila mommy at dad ang tungkol sa kanya

masaya sila kung sakali daw na  magkatuluyan sila dahil kilala nila ito at alam nila na hindi lang yung yaman namin ang gusto nila.

Halos mga bata pa lang magkakilala na kami.

At kinantsabahan ko si Harvey na kunwari magpasama siya kay kuya na tumingin ng singsing para kay Laarnie siya ang pinapili nito kung sakali ano ang gusto niya ibigay sa taong hihingan niya ng kamay.

At kunwari naiwan niya ang card niya na hindi naman niya pinaniwalaan so that means siya ang nagbayad ng singsing.


"Sweety okey na ang lahat hindi din alam ni Laarnie na darating si kuya dahil ang alam niya may appointment ito na hindi niya pwede icancel."

Habang nandito kami sa ranch sa room namin.

Nakayakap siya sa akin ayaw niya daw ako pakawalan baka daw kasi magalit at umalis naman daw ako.

Napapraning na siya.

"Sweety baka naman gusto mo ako bitawan muna.. naiihi na ako! Gusto mo ako samahan?" Tumango naman siya.

"Harvey naman eeh! Promise hindi ako aalis."

Saka niya lang ako binitawan.

At may kumatok...

"Bambam... tara na maya na yang loving loving niyo." Hahaha! Baka mainggit si Lance at hindi na niya ako palabasin."


"Lalabas na.." at naramdaman ko na umalis na siya na tawa ng tawa.


"Tara na nga. Puntahan ko pa si kuya." tumayo na siya

hinapit ako at inakbayan sabay halik sa noo ko.

Pinatay na ang ilaw andito lahat sa sila.


Sina Lance papasok na.. habang kami ni kuya nasa likod at naguusap wala siyang kaalam-alam na may nagaganap sa loob.


LANCE POV.

Patay na ang ilaw sa bahay nila bambam. Nakaready na lahat.


Saka sila papasok ni Irvin kapag ngsign na ako na pwede na..

"Hoy! Pat pat bakit ba tayo nandito hindi ba nakakahiya kay bambam baka nagpapahinga na yun nakakahiya sa magulang nila." habang inaakay ko siya papasok ng gate.

"Ate pwede ba huwag mo na nga ako tawagin na patpat look ang macho ko na kaya may abs na ako." Nakakainis ginagawa pa rin akong bata.


"Patpat kahit may abs ka pa at macho ikaw pa rin si pat pat ko okey. Walang magbabago dun. Bakit naman si bambam hindi naman nagrereklamo ikaw lang ang maarte." Tinawanan ako hindi ko lang to kapatid.

"Oo na sige na! Tara na nga."

At binuksan ko yung pinto sabay bukas ng ilaw at sigaw ng..

"Welcome home, Laarnie"

Sobrang gulat niya at napapaiyak..

"Hoy ate, okey ka lang?"

"Oo okey lang ako. Bakit nag-abala pa kayo, nakakahiya naman kay bambam at.... Irvin."

Habang linga-linga siya at may hinahanap.

My girlfriend is a HacienderaStories to obsess over. Discover now