Chapter 1: BAP

1.4K 38 0
                                    

Chapter 1: BAP

“Excited na ako pumuntang Earth! ^_______^” masayang sabi ni Matalien 5 na palaging nakangiti, kahit na kadalasan ay inuutos-utusan siya nila Matalien 1, 2, 3 at 4 wala siyang reklamo at nakangiti pa din.

“Aish! Kung gusto mo ikaw na lang pumunta. Badtrip naman si Queen eh -_____- ang dami-daming Matalien tayo pa napili.” Reklamo ni Matalien 1. Kahit kailan talaga napaka-reklamador nitong si Matalien 1. Si Matalien 1 ang pinakanakakatakot na Matalien, tinagurian siyang “cold-hearted warrior” sa planetang Mato dahil sa galing niya sa pakikipaglaban. Hindi uso sakanya ang salitang awa pagdating sa labanan.

“Baka may pagpipilian si Queen? Eh tayo lang naman ang magaling makipaglaban sa buong Mato Planet. Eeesh!” sagot ni Matalien 4. Siya ang Brain ng BAP. Andami niya kasing alam tungkol sa mga bagay-bagay.

“Tama na nga yan. Sundin na lang natin si Queen. Wala din naman tayong magagawa kundi sumunod.” Sabi ni Matalien 2. Siya ang tinuturing na “nanay” ng BAP bukod kay Queen at Governor. Para kasi siyang nanay kung makatalak. Pero maasikaso siya kela Matalien 1, 3, 4, 5, at 6.

“…………………” – Matalien 3

“…………………” – Matalien 6

“Teka! Paano nga pala tayo pupunta ng planet Earth?” nagtatakang tanong ni Matalien 2. Napakamot ng ulo si Matalien 4.

“Hay nako, Matalien 2. Hindi ka talaga nakikinig kela Governor nung may sinasabi kung paano makakapunta ng ibang planeta ano? Aish! Makakapunta tayo dun sa tulong ng isang SPACESHIP!” Pagpapaliwanag ni Matalien 4.

*ikaw na matalino jan* sabi ng isip ni Matalien 2. Nag-pout naman si Matalien 2. Napangiti naman sa likod ng kanyang mask si Matalien 3 nang marinig niya ang sinasabi ng isipan ni Matalien 2. Isa kasi ito sa mga abilidad niya. Lahat ng BAP Matalien ay may kanya-kanyang kakayahan base sa ibinigay sakanila ni Queen.

“Tss. Whatever. So ano naman yung spaceship?” maangas na tanong ni Matalien 1.

*eeesh! Isa pa to -_-* sabi ng isip ni Matalien 4.

“Hindi ko alam. Hindi pa ako nakakakita nun eh. Pero ang alam ko nasa Storage room yun.” Sagot ni Matalien 4.

*Alams na.* sabi ng isip ni Matalien 1. Nag-smirk siya na para bang may masamang balak at naglakad palabas ng Training room nila. Nagkatinginan ang 5 matalien na natira. Mukhang alam na nila ang binabalak ni Matalien 1 kaya nag-unahan sila palabas upang pigilan si Matalien 1. Ngunit paglabas nila, wala na ito. Tumakbo silang 5 tungo sa Storage room. Napahinto sila nang makapasok sila sa loob. Manghang-mangha silang lahat sa kanilang nakikita. Isang dambuhalang sasakyan. Lumpit naman si Matalien 6 sa isang pulang bilog.

“Oooooh! Cherry Tomato! Nae kkeoya! ^_____^” (Nae kkeoya = You’re mine) Masiglang sabi ni Matalien 6. Napakamot naman ang 5 Matalien sa kainosentehan ni Matalien 6.

“Hindi yan Cherry Tomato Matalien 6. Wag mo yang hawakan.” Sabi ni Matalien 4. Ngunit dahil takam na takam na si Matalien 6 sa Cherry Tomato hinawakan niya ang pulang bilog at di sinasadyang napindot niya ito. Nagulat sila nang biglang bumukas yung pinto.

They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon