Chapter 25: Bad news

489 15 3
                                    

Chapter 25: Bad news

Pagdating namin ng bahay ang taas taas pa rin ng energy nila. Kinakanta pa rin nila yung mga kinanta nila kanina. Si Jongup at Zelo nagpi-freestyle habang nasa sala kami.

“hyung nakita mo ba ako kanina?! Ang astigg ko di ba?” masiglang tanong ni Zelo na parang bata na gustong gusto siyang sang-ayunan.

“tss. Anong ikaw? Ako kaya ang  pinaka-gwapo.” Yabang talaga nito ni Himchan. “Di ba Sweetheart?” aba! Naghanap pa ng kakampi. Natawa na nga lang ako eh.

“Hoy! Wag mo ng tatawaging sweetheart si Aleinne, dahil sweetheart ko na siya ngayon…” sabi ni Yongguk sabay tingin sakin then he smirked. Arrrrgh! He always does that. Nakakainis. Feeling ko namumula nanaman ako.

“Ano?! Mang-aagaw ka!” sabi ni Himchan kay Yongguk, kwinelyuhan niya pa ito. Nakakatawa nga siya eh, OA masyado, tapos bumaling naman siya sakin. “Sweetheart sabihin mong hindi totoo yun! Please?!” sigaw ni Himchan na lumapit pa sakin at nagmakaawa. Hahahahaha :D ang funny talaga ni Himchan. Nagtawanan naman kami.

“Alam niyo ba kanina, nagulat ako dun sa mga tao kasi yung mga glow sticks akala ko mga baril. Akala ko babarilin nila tayo.” Sabi ni Yongguk.

“Hindi yun baril. Glow sticks yun.” Sagot ni Jongup. *face palm* tinignan naman siya ng 5 alien ng masama. Seriously! Nakikinig ka ba Jongup?!

“Yessssssssss! Sa wakas, tapos na din ang mission namin.” Sigaw ni Daehyun. Wow, energetic siya ngayon ah.

“Oh, ayan ang pruweba na nagawa niyo na ang mission niyo.” Sabi ko tapos inabot ko kay Himchan yung Shout Meter. Nalungkot naman bigla si Himchan. Natahimik kaming lahat. Bawat isa sa amin ay naiisip na ang nalalapit nilang pag-alis. Wala kahit isa ang may gustong magbukas ng topic na iyon. Lahat iwas.

*Baby you’re a song, you make me wanna roll my windows down and cruise*

Napapikit ako. Tumutunog ang phone ko. Malamang si Queen na iyon. Lahat kami nakatingin sa phone ko. Pero wala kahit isa ang may gustong sumagot.

“Ate… Si Queen yung tumatawag.” Malungkot na sabi ni Zelo. Dahan-dahan akong lumapit sa phone ko. Si Queen nga.

“BAP Mataliens!!!” bati ni Governor M.

Humarap naman ang 6 na alien kay Governor.

“Oh bakit ganyan yang mukha niyo?! May good news ako!!! Kyaaaaaaaah! :D Nakaabot na dito ang enerhiyang kailangan ng planeta natin, bukod dun nahanap na namin ang pinagtataguan ng mga Eu-ak bird kaya naman… MAKAKABALIK NA KAYO DITO!!! Yeeeeeeey!” masigla niyang ibinalita sa amin iyon pero parang wala lang sa amin. Mas lalo pa silang nalungkot nung marinig nilang maaari na silang makabalik sa Mato.

“Mataliens…” boses iyon ni Queen. Nang marinig iyon ng 6, agad naman silang nag-bow para magbigay galang kay Queen.

“Maraming Salamat sa pagtupad ng misyon ninyo. At Aleinne maraming salamat din sa pansamantalang pagkupkop sa mga alien na ito…” dumaplis sa puso ko yung sinabi ni Queen na ‘pansamantala’, parang gusto kong matumba sa kinatatayuan ko. “Magpapadala na ako ng isang spaceship na susundo sainyo jan. Baka mga next week ay dumating na ito jan.” Nabigla kaming lahat. Sabay-sabay kaming napatingin kay Queen. Next week na agad?! Di ba pwedeng next month? Next year? O di kaya dito na lang sila?? Madami namang mataliens sa Mato ah, kailangan ba talaga sila doon?

“uhmmm… Oo nga pala Aleinne, bilang gantimpala sa ginawa mong pag-aalaga sa anim kong Matalien, poprotektahan ng planetang Mato ang Earth laban sa anumang planeta na nais sumira o sumakop dito.” Paliwanag niya. Dapat ba akong matuwa?? Iba kasi ang gusto kong sabihin niyang magandang balita eh. Pilit akong ngumiti sa harap ni Queen.

They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon