Chapter 12: “We’re your Warriors and we will protect you no matter what.”
Aleinne’s POV
“Yaaaaaaay! Galing-galing niyo talaga!!!” Sigaw ko. Grabe hindi talaga ako maka-move on hahahaha :D
“Syempre kami pa ba?! Hahahaha :D Wala ba kaming reward jan?” sabi ni Himchan.
“Ano ba gusto niyo?” tanong ko. Lahat naman sila nag-isip.
“Ayyy! Ako may suggestion!!! Habang nagba-browse ako sa internet may nakita akong magandang beach kung saan pwede makapag-unwind. Camping kumbaga ;)” suggest ni Youngjae. Hmm? Camping? Not bad. Pwede na, atsaka mukhang masaya yun.
“Ate! Ate! Ano yung camping?” tanong ni Zelo.
“Ah yun ay –“ di ko na natuloy yung sinasabi ko kasi si Youngjae biglang sumingit. Siya na -_-
“Ang camping ay isang activity kung saan matutulog, kakain at magliliwaliw sa isang lugar.” Paliwanag niya.
“Aaaaah… Wow! Masaya yunnnn! Tara ate, punta tayo bukas.” Masiglang sabi ni Zelo.
“Eh teka, may pasok bukas eh.” – Ako
“Oo nga noh… Aish! Isip pa tayo.” – Youngjae
“Ahhh! Alam ko na… magbarilan na lang tayo!! Yung ano… Ano nga ba yun?? Air… Aircraft ba yun?” sabi ni Yongguk.
“Tangeks, Airsoft yun.” Pagtatama ni Youngjae.
“Ehh… Hyung ayoko nun. Delikado. Alam naman namin na ikaw mananalo eh. Tsaka baka totohanin mo yung laro. Nakakatakot.” Sabi ni Zelo sabay nagtago sa likod ko. Hahahaha Cutie :3 pero ganon ba talaga kagaling sa pakikipaglaban to si Yongguk na kahit kapwa niya Mataliens natatakot sakanya. Sana makita ko kung pano siya makipaglaban. Siguro ang sobrang cool niya tignan. Nag-isip na ulit sila…
“Punta na lang tayo sa EK.” Mahinahon na sabi ni Daehyun. Nagulat naman kami lahat.
“Anong EK?” tanong ni Himchan.
“Ang EK ay mas kilala sa pangalang Enchanted Kingdom. Ito ay nasa Laguna. Ito ay isang amusement park na may mga rides na siguradong mag-eenjoy tayo.” Paliwanag ni Youngjae.
“Tara na! May tour guide naman pala tayo eh.” Sabi ni Himchan sabay turo kay Youngjae. Nagtawanan naman kami. Pero… wala na kaming oras kung ngayong araw kami pupunta dun. Di naman pwede ng weekends kasi ang daming tao niyan panigurado.
“Eh teka lang! Kailangan natin ng isang buong araw kasi kulang na ang oras natin kung ngayon tayo pupunta.” Paliwanag ko.
“Tsss. Problema ba yun? Edi bukas.” – Yongguk
“MAY PASOK NGA!” – Ako, Zelo, Youngjae, Daehyun, Himchan at Jongup
Kulit ni Yongguk -_- may pasok nga bukas eh.
“tss. Alien nga kami di ba? We have our ways.” Sabi ni Yongguk at saka ngumiti ng devil-ish at tumingin kay Daehyun. Tumango naman si Daehyun na nagpapahiwatig na naiintindihan niya ang nais sabihin ni Yongguk. Aish! Ano nanaman kaya ang binabalak ng mga alien na to? -_-
“Oyy teka! Ano yang binabalak niyo ha?!” sabi ko. Worried talaga ako, ano kaya yun????
“Eeeesh! Kami na bahala dito. Sige na, asikasuhin mo na lang yung dadalhin natin bukas.” Sabi ni Yongguk.
“S-sigurado ba kayo?” nag-aalala kong tanong.
“Oo. Ingat ka puwi ah. Wag kang tatanga-tanga sa daan.” Aray naman! Pagke-care ba yun? Parang nanlalait lang lang eh. Aalis na sana ako nang bigla akong kinabig ni Yongguk papalit sakanya tapos… HINALIKAN NIYA AKO SA NOO! “Mag-iingat ka.” Bulong niya. Tumalikod na siya at saka nagsimulang maglakad.
BINABASA MO ANG
They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]
FanfictionAkala ko habambuhay na ako mag-isa, walang pamilya, wala ring mga kaibigan. Pero on a bright sunny day, THEY landed on my backyard and THEY invaded my HOUSE. In just short amount of time, THEY invaded my HEART. Pero, hanggang kailan sila mananatili...