Chapter 18: Love Triangle?!?
“~~The reason I live is you. I think I don’t see you anymore, I think I’m really dying. The person to love me is you. Shine on me in the darkness..”
Kung nagtataka kayo kung bakit may kumakanta nanaman, nandito po ulit kami sa Music room kasi nagpapractice nanaman ang BAP.
“Taasan mo ng konti yung boses dun sa part na The reason I live is you. Mas maganda kasi yung mataas kasi may dating pag ganun, mas may impact.” Sabi ni Youngjae kay Daehyun. Tumango naman si Daehyun.
“Tsaka yung expression ng mukha, kailangan yun. Himchan sabayan mo si Zelo sa pagsayaw, nahuhuli ka eh. Sige, ulitin natin from the top.” Sabi ni Yongguk. Grabe, perfectionist pala tong si Gukkie, napaka-strict masyado. Nagugutom na ako, anong oras kaya to matatapos?? Bubuksan na sana ni Gukkie yung speakers nang biglang may nagsalita.
“Hi guys! Working hard eh?” sabi ni Ford. Biglang pumasok ang Beast sa Music room. And kapag sinabing Beast ibig sabihin kasama si TRAVIS MY LOVE. Omg! Bakit kaya nahahyper ako pag nakikita ko si Travis?!
“Ano Yongguk nalagyan mo na ba ng tono yung part mo?” tanong ni Travis kay Yongguk.
“Malapit na matapos, ibibigay ko na lang yun sayo kapag natapos ko na.” seryosong sagot ni Yongguk. “Ano bang kailangan niyo?” tanong niya.
“Wala lang. Gusto sana namin kayo yayain magmeryenda, alam niyo na, bonding kumbaga.” Sabi ni Ryan.
“Hindi pa kami nagugutom.” Walang ganang sagot ni Yongguk.
“Pero Hyung nagugutom na ako… T.T” bulong ni Zelo. Hahaha :D Pinanlakihan ng mata ni Yongguk si Zelo kaya natameme naman si Zelo at pumunta sa isang gilid. Awwww, kawawa naman ang maknae namin. Ang bad talaga nitong si Yongguk, kahit si Zelo pinapatulan pa -_-
“Ah ganun ba? Sayang naman… Ikaw Aleinne, gusto mo bang kumain? Treat ko.” Yaya ni Travis. Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Niyaya ako ni Travis magmeryenda! I’m so kileeeeeeeeeeg :””””> Ano ba Travis my love, di na yan tinatanong pa, matic na. Syempre kahit bagong kain ako, gugutumin ko ang sarili ko makasabay ka lang magmeryenda. Hahahaha :D
“Uhmmm, medyo.” Nahihiya kong sagot. Syempre noh, kailangan medyo dalagang Pilipina muna di ba? Kasi baka biglang ma-turn-off sakin si Travis.
“So, tara na?” sabi niya. Tumango naman ako at ngumiti. Aalis na sana kami, kaso biglang sumigaw si Yongguk.
“Teka! Bigla kaming nagutom, sasama na kami.” Sabi niya atsaka nagmamadaling sumunod samin.
“A-akala ko ba hindi pa siya nagugutom?” sabi ni Zelo.
“Nagtaka ka pa jan…” sabi ni Himchan.
“~~Nal saranghaejwoyo, naneun geopjaengiramnidaaaaa~~” biglang kumanta si Daehyun tapos nagtawanan naman silang 5 pero biglang lumingon sakanila si Yongguk tapos binigyan niya sila ng kanyang infamous death glare. Mukhang natakot naman sila kaya tumigil sila sa katatawa. Ano kayang ibig sabihin nung kanta ni Daehyun.
BINABASA MO ANG
They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]
FanficAkala ko habambuhay na ako mag-isa, walang pamilya, wala ring mga kaibigan. Pero on a bright sunny day, THEY landed on my backyard and THEY invaded my HOUSE. In just short amount of time, THEY invaded my HEART. Pero, hanggang kailan sila mananatili...