Epilogue:

550 13 0
                                    

Epilogue:

Hawak-hawak ko ang litrato naming pito habang nakahiga ako sa kama. Simula nung umalis sila, lagi akong nag-aabang sa langit. Sabi kasi ni Daehyun, tingnan ko daw ang pinaka-maningning na bituin sa langit kasi yun daw ang planeta nila. Lagi daw nila akong binabantayan. Iniisip ko, nakikita kaya nila ako dito. Naaalala pa kaya nila ako. Pumatak ang mga luha sa mata ko ngunit wala na akong lakas para punasan pa ang mga ito kaya hinayaan ko na lang.

Yongguk di ba sabi mo babalik ka? Diba gagawa pa tayo ng mga Matoki? Nasan ka na? Babalik ka pa ba? Patuloy akong naghihintay. Jongup, nakangiti ka pa rin ba? Zelo naalala mo pa si Ate diba? Promise mo na babalik ka diba? Youngjae diba sabi ko wag mong sasapawan si Queen? Sinusunod mo ba ako? Daehyun sanay ka na ba magsalita? Akala ko ba kukunin mo yung mask mo sakin? Asan ka na? Himchan iniisip mo rin ba ako? Ni minsan hindi ka nawaglit sa isipan ko.

Pumatak nanaman ang mga luha ko. Wala na akong lakas para punasan ito, nasan na kayo BAP? Punasan niyo ang mga luha ko at palitan niyo ito ng mga ngiti. Kahit ngyon lang. Kahit sa huling sandali. Bumalik na sana kayo. Nakatingin pa rin ako sa bintana. Isa-isa kong binanggit ang mga pangalan nila baka sakaling marinig nila pero walang boses ang lumabas. Hinawakan ko ang kwintas na binigay sa akin ni Youngjae. Hihintayin ko kayo habang-buhay. Patuloy akong aasa na babalik pa kayo. May tiwala ako sa pangako niyo. Alam ko hindi niyo ako bibiguin. Tumulo ang huling luhang pumatak sa mga mata ko at saka kusang pumikit ang aking mga mata…

They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon