Chapter 30: Goodbye Earth!
Maaga akong nagising. Siguro mga 6:00 gising na ako. Pinagmasdan ko silang 6 habang natutulog, hindi ko nanaman napigilang mapaiyak. Para silang mga anghel pag natutulog. Napaka-amo ng kanilang mga mukha. Ngumiti ako at lumabas na ng kwarto. Magluluto na ako ng almusal para sakanila. Baka magutom kasi sila pag bumiyahe na sila pabalik sa Mato. Kailangan busog sila. Kumuha na ako ng pagkain sa ref para makapagluto na.
(play video at the side)
Pagkatapos kong magluto sakto namang gising nila. Nagulat silang lahat ng makita nila akong nag-aayos sa kusina.
“Ang aga mo naman Sweetheart. Dapat kami ni youngjae ang nagluluto eh.” sabi ni Himchan.
“hehe… hayaan niyo na. Ito na yung huling araw na pwede ko pa kayong ipagluto. Ubusin niyo yan ah… Ayokong magutom kayo sa biyahe. Niluto ko yan para sa inyo… Sana magustuhan nyo.” Sabi ko. Ramdam ko na bumibigat nanaman ang mga mata ko pero pinpigil kong umiyak dahil gusto kong makita nilang akong masaya kahit sa huling sandali na nandito sila sa earth.
“Niloloko mo ba kami?! Syempre magugustuhan namin to! Luto mo to eh…” sabi ni Himchan kahit medyo basag na yung boses niya.
“O-oo nga. Hmmmm! Ang sarap Aleinne.” Sabi ni Jongup habang sumusubo ng kanin at pinupunasan yung mga mata niya.
“Kita mo na, sa sobrang sarap napapaiyak ako… Diba sobrang sarap talaga!” sabi ni Jongup. Tuluyan na siyang humagulgol. Nabitawan nilang lahat yung mga kutsara’t tinidor nila. Tatalikod na sana ako para hindi ko sila makitang nahihirapan kaso biglang humangin ng malakas. Hangin na nagpaalala sakin nung unang dumating sila. Nanlamig ang buong katawan ko.
“Oras na.” mahinang sabi ni Zelo. Napapikit ako ng mariin.
*Ding dong*
Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. Hindi na ako nabigla sa nakita ko. Si Governor M at Queen nakatayo sa harapan ko. Pinapasok ko sila. Agad namang nag-bow ang 6 nang makita nila si Queen.
“Alam kong alam niyo kung bakit ako naparito. Maghanda na kayo at aalis na tayo.” Sabi ni Queen.
“Opo Queen.” Sagot nila.
“Sige maghihintay na lang kami ni M sa spaceship.” Sabi niya at saka lumabas sa bahay. Habang ako, nakatayo lang at parang tuod na hindi makagalaw-galaw. Lumapit silang anim sakin.
“Aleinne aalis na kami.” Mahinang sabi ni Youngjae. Napaiyak nanaman ako. Nakakainis na luha naman to eh. Pasaway masyado! Nakakainis >.< tulo ng tulo sinabi na ngang wag tumulo eh, pasaway pa din -_- niyakap ko silang lahat. Yakap na sana hindi na matapos.
“Te-teka lang. May ibibigay pala ako sainyo.” Sabi ko tapos tumakbo ako sa taas para kuning yung ibibigay ko sakanila. Pagkakuha ko sa drawer, tumakbo na agad ako pababa.
“Ito… ingatan niyo yan ha? Wag niyo kong kakalimutan… *sniff*” inabot ko yung picture naming pito kay Yongguk. “tsaka lagi kayong mag-iingat. *sniff* tapos Zelo lagi kang makikinig kay Hyung ha? Wag kang pasaway.” Tumango naman siya. “Himchan, wag masyadong sweet sa iba pagdating mo sa Mato. Magseselos ako niyan.” Tumango din siya habang pinapahid yung luha niya. “Jongup yung ngiti mo wag mong tatanggalin. Palagi ka dapat nakangiti okay?” Tumango din siya bilang sagot. “Daehyun sanayin mo ang sarili mo na walang mask ha? Kasi nasa akin eh. Tsaka di ba babalik pa kayo kasi kukunin mo pa yung mask mo? Youngjae dahan-dahan lang sa pagsasalita ha? Baka masapawan mo na si Queen pag nagsasalita siya. Wag mo gagawin yun kasi baka magalit siya sayo tapos hindi na kayo pabalikin dito. Yongguk wag masyado mainit ang ulo ha? Tandaan mo hihintayin ko kayong lahat. Hihintayin kita. Di ba sabi mo gagawa tayo ng maraming Matoki? Di ba? Kaya babalik ka pa diba?” Tumango naman si Yongguk at niyakap ako.
Inihatid ko na sila sa labas. Sinalubong kami ni Queen at Givernor M.
“Maraming Salamat Aleinne…” sabi ni Queen atsaka hinawakan ang mga kamay ko. Tumalikod na siya at pumasok sa spaceship.
Lumapit sa akin si Yongguk.
“Aleinne… Hintayin mo ako ah. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Babalik ako.” Then we shared the last painful kiss. Sabay na tumulo ang mga luha namin ng maghiwalay ang mga labi. “Ngumiti ka.” Bulong niya. Kaya kahit mahirap para sakin, ngumiti pa din ako. Nang makita iyon ni Yongguk napangiti na rin siya at pumasok na sa spaceship. Lumapit naman sakin si Daehyun. May inabot siya sakin. Ang Shout Meter.
“Itago mo yan. Babalik kami. Yan ang susi ng aming pagbabalik kaya wag mong iwawala yan.” Bulong niya. Tinignan ko lang siya. Hinawakan ko ng maigi ang shout meter. Isa-isa na silang pumasok sa loob.
“Ate! Babalik kami! Pangako!” – Zelo
“Sweetheart hindi ako manlalandi ng iba, ikaw lang!” – Himchan
“Babalik kami, hintayin mo kami!” – Daehyun, Youngjae, Jongup, Yongguk
Hanggang sa tuluyan ng magsara ang pintuan ng spaceship. Tumakbo sila sa may bintana. Nakita ko ang mga ngiti ni Jongup, kahit papaano napagaan nito ang damdamin ko. Kumaway ako sakanila at pinilit kong ngumiti para hindi sila mag-alala.
*Ngumiti kayo.* sabi ko sa isip ni Daehyun. Mukhang nakuha naman niya ang sinabi ko at sabay-sabay silang ngumiti sakin. Ngiti na parang nung magkakasama pa kami. Ngiti na hindi ko alam kung kailan ko pa makikita. Umuusok na ang spaceship, tanda na malapit itong mag-take off. At sa ilang sandali, naglaho na ang spaceship sa garden ko at lumipad na sa langit na parang isang makislap na bituin. Nakatingala lang ako sa langit. Nagbabakasakali na baka biglang magbago ang isip ni Queen at pabalikin sila dito. Pero alam kong suntok sa buwan ang naiisip ko kaya natawa ako sa sarili ko. Sadya namang nakikisama ang panahon sa mga nararamdaman ko. Biglang bumuhos ang ulan. Kasabay ng pagbagsak ng malalaking patak ng ulan sa ulo ko, bumagsak rin ang mga luha sa mata ko. Wala na. Wala na sila. Wala na ang mga alien ko. Tahimik nanaman ang bahay. Pinagmasdan ko yung garden, naalala ko nung nagbasaan kami ng tubig dito, parang kailan lang. Ang saya-saya namin. Niyakap ko yung sarili ko. Mag-isa na lang ako. Wala na sila. Wala.
![](https://img.wattpad.com/cover/14371144-288-k456507.jpg)
BINABASA MO ANG
They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]
FanfictionAkala ko habambuhay na ako mag-isa, walang pamilya, wala ring mga kaibigan. Pero on a bright sunny day, THEY landed on my backyard and THEY invaded my HOUSE. In just short amount of time, THEY invaded my HEART. Pero, hanggang kailan sila mananatili...