Chapter 26: Tearsday (part 1)

500 11 1
                                    

Chapter 26: Tearsday (part 1)

Last day na ng pasok namin kasi Christmas vacation na. Kaya naman sobrang tamad na tamad akong pumasok at hanggang ngayon wala ring Zelo o kaya Himchan na gumigising sakin. Siguro tulog pa. Bumalikwas ako ng higa.

Kapa…

Kapa…

Kapa…

Kapa…

Wala akong katabi?? Bangon ako kaagad. Kinabahan ako, nasan na sila? Tumakbo ako pababa ng sala. Pero… WALA DIN SILA. Nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko. Iniwan na ba nila ako? Akala ko ba 7 days pa, eh bakit wala na sila. Pinupunasan ko yung mga luhang lumalabas sa mata ko.

“Zelo… Himchan… Youngjae!!!” sigaw ko kahit medyo basag na yung boses ko. Feeling ko ako si Sisa at hinahanap ko yung mga anak ko. Haaaaays! -_-

“Yongguk… Jongup! Daehyun…” napaiyak na ako ng tuluyan. Ano ba yan! Ang daya naman nila eh, sabi nila 7 days pa, atat na ba sila makauwi?! Tae naman eh! Ang daya!!! Pumasok ako ulit sa kwarto, naupo ako sa gilid ng kama. Napansin kong may puting papel na nakapatong sa side table. Kinuha ko ito at binuklat.

Sweetheart,

Una na kami sa school ah. Sunod ka na lang. Nasa gym kami. Nagluto na rin pala ako ng breakfast. Ingat sa pagpasok. Iloveyou.

-Himchan

Putaaaaaaaaanginaaaaaaaa! Nagdrama pa ako, mukha tuloy akong tanga kanina!!! Bwisit >.< Tae naman kasi aleinne eh, tingin-tingin din muna kasi sa paligid bago magreact. Haaaays. Akala ko talaga iniwan na nila ako. Sheeeeet! Mini heart attack. Kumain na muna ako then naligo after. Pagdating ko sa school, aba bakit parang wala yatang katao-tao?? May klase ba? Eh bakit nasa gym yung 6 na alien? Haaays. Pumunta muna ako sa gym, para tingnan kung ano nangyayari. Baka kasi may artista sa school di ba? Kaya walang tao sa paligid. Pagdating ko sa gym, bat andilim?? Brownout? Ang yaman-yaman naman ng school ah, tsaka  may generator naman. Anong pakulo ito. Pagdating ko sa gitna biglang may suminding ilaw. Spotlight pala, kasi sakin lang nakatapat. Nakakasilaw naman to. Ano nanaman ba ito?

“We promised you that we will make our last 7 days memorable…” narinig kong sabi ni Youngjae. Tumalikod ako kasi parang sa likod nanggagaling yung boses. Naka-mic nga ata siya eh, lakas kasi ng boses. Biglang may tumunog na sounds then biglang kumanta si Youngjae at natapat siya ng Spotlight.

(Play video at the side…)

“~~Along the lights that turn off one by one, the hope in my heart disappears slowly as well~~”

Then nawala kay Youngjae yung Spotlight at napunta kay Daehyun.

“~~In this world that everything has stopped. When I feel like I’m alone, I think of you~~”

Nang malipat kay Jongup yung spotlight kumaway siya sakin at nagsimulang kumanta.

“~~You protected me in this sad darkness when you smiled brightly~~”

Then bumalik kay Daehyun yung spotlight

“~~Because of you, I’m here. I will protect you~~”

“~~Forever with you… With you with you with you. I will be on your side until always~~”

Then biglang may lumapit sa aking bata, elementary siguro to tapos may inabot na card sakin.

“~~Forever with you… With you with you with you. You’re not alone, hold my hand I’ll be with you~~”

Letter galing kay Jongup.

Hi Aleinne, uhmmm… pasensya ka na kung pangit sulat ko ah, alam mo naman, hindi ako sanay magsulat eh. Hahaha :D Sana kahit saglit lang tayo nagkasama sana napasaya kita. Tandang-tanda ko pa nung tinanong mo ako kung bakit lagi akong nakangiti… Alam mo ba, dahil sayo kaya lagi akong nakangiti. Ayoko kasing nakikita mo akong seryoso o kaya naman malungkot. Alam ko kasi mag-aalala ka, kaya lagi akong nakangiti sayo. Sana gumagaan yung pakiramdam mo kapag nakangiti ako. Tandaan mo. Hangga’t nakangiti ako babalik kami. Ayan, drinawing ko si Olaf, si Daehyun kasi eh, tinapakan yung drinawing kong Olaf sa buhangin kaya drinawing ko na lang ulit. Kapag namimiss mo kami, tingnan mo lang si Olaf. =)

They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon