Chapter 28: BAP getaway
“Ateee! Gising ka na pooooo! Wakey wakey! :D” yugyog sakin ni Zelo. Grabe naman to parang hindi tao yung niyugyog nitong alien na to.
“H-hey! Oo na, gising na ako. Hahaha… Grabe ka naman makayugyog sakin.” Sabi niya.
“Bilis ate!!! Aalis tayo… Excited na si Zelo!”
“San naman tayo pupunta?”
“Ehhh maya ko na sasabihin… Toothbrush ka muna ambaho ng hininga mo eh.”
Aba! Bastos tong bata na to ah. Hinampas ko nga. Patawa-tawa siyang lumabas ng kwarto habang naka-peace sign. Pumasok na ako sa CR kasi mukhang nagmamadali tong si Zelo eh. Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako sa kitchen.
“Hmmm… Ambango naman niyang baked mac.” Sabi ko. Ambango talaga, pramis :D
“Syempre ako may luto eh.” Sabi ni Himchan. The best talaga to magluto si Himchan, pwede na mag-asawa.
“San ba tayo pupunta? Bakit ang aga-aga pa eh ginising na ako ni Zelo?”
“MAGKA-CAMPING TAYO!!” sabay-sabay nilang sagot.
“Aray! Sakit sa tenga ah. Saan naman?” sabi ko habang hinihimas yung tenga ko. Sakit sa tenga nung sigaw nila eh T.T
“Sa isang beach. Basta maganda yun. Ligo ka na ha?” sabi ni Youngjae. Hmm? San kaya ako dadalhin ng mga alien na to?? Medyo weird sila ngayon ah. Pagkatapos kong kumain pumunta na ako sa kwarto para mag-ayos ng gamit. Syempre ako pa rin ang mag-aayos ng gamit nila.
Kinuha ko yung maleta ko tapos nilagay ko na yung mga damit nila. Nagulat ako nang biglang may yumakap sa may bewang ko. Napapitlag ako, nakakabigla naman kasi eh -_-
“busyng-busy yung prinsesa ko ah.” Sabi ni Yongguk. He was hugging me from the back. Nararamdaman ko yung hininga niya sa balikat ko, and that feeling gives me shivers. Nakakakiliti.
“hey… Haha nakikiliti ako…” sabi ko kay Yongguk. Humarap naman ako sakanya tapos pinasok ko yung kamay ko sa manggas ng t-shirt niya.
“Ano namang ginagawa mo dito, tulungan mo nga sila Himchan.” Sabi ko. Hinila naman niya ako pahiga sa kama. Napahiga ako sa bisig niya then he hugged me again.
“Ehhhh… Ayaw, dito lang ako sa prinsesa ko.” Tapos niyakap niya ako ng mas mahigpit. Gustong-gustong ko yung gantong side ni Yongguk. Ang cute cute niya, hindi ko inaasahan na ganto pala siya ka-sweet. I hugged him back.
“Hmmm… Ambango ng prinsesa ko. Pa-kiss nga.”
“Kiss mo mukha mo! Hahaha… Tabi nga jan, mag-aayos pa ako ng gamit natin eh.” bumangon na ako para ipagpatuloy ang ginagawa ko na naudlot dahil sa panlalandi ng prinsepe ko. Wow, pumi-prinsepe na din ako. Wahahahaha :D
“Hmp! Daya…” Wahahahahahaha :D Para siyang bata, nagpout pa tapos biglang tumalikod. Aish! Bumalik ako sa kama tapos niyakap ko siya.
“Nagtatampo ang prinsipe ko. Yieeeeee!” paglalambing ko sakanya, pinipigilan niya yung mga ngiti niya kaya mas lalo akong natatawa. Kung titignan kami ngayon, para kaming tanga. Hahahaha :D hinalik-halikan ko siya sa pisngi.
“Waaaaaaaaah… Hahaahahaha :D nakikiliti ako.”
“Hahahaha sabi mo i-kiss kita…” sabi ko habang tawa ng tawa.
“Hahaha… Ang saya ko Aleinne. Sige na, mag-ready ka na. Baka akyatin pa nila tayo dito eh. hahahaha :D” Sabi niya then he winked at me atsaka lumabas ng kwarto. Halaaa! Nang-akit pa bago lumabas. Inayos ko na yung mga damit na dadalhin naming pito.
![](https://img.wattpad.com/cover/14371144-288-k456507.jpg)
BINABASA MO ANG
They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]
FanfictionAkala ko habambuhay na ako mag-isa, walang pamilya, wala ring mga kaibigan. Pero on a bright sunny day, THEY landed on my backyard and THEY invaded my HOUSE. In just short amount of time, THEY invaded my HEART. Pero, hanggang kailan sila mananatili...