Chapter 10: Rehearsal
Grrrrrgnh… Grrrrgnh… Grrrgnh…
Naalimpungatan ako bigla ng maramdaman kong kumukulo yung tyan. Grabe, medaling araw nagugutom ako -_- Haaaays. Kahit tinatamad ako, bumangon pa rin ako. Haaays, napaka-wrong timing naman nitong tyan ko. Pagbaba ko, nagulat ako kasi hindi lang pala ako yung gutom. Nakita kong naghahalungkat din si Yongguk ng makakain sa ref. Nabigla siya nang makita niya ako sa may pintuan ng kusina.
“Nandito ka pala…” – Yongguk at Ako.
“Oo eh…” – Yongguk at Ako ulit. Natawa kami kasi lagi kaming nagkakasabay magsalita tapos pareho pa yung iniisip namin. Hahahaha ang cute lang :3
“Nagugutom kasi ako eh… Ikaw bakit gising ka pa?” tanong ko sakanya, saka nagsimulang maghanap ng makakain sa ref.
“Ah. Ako din eh.” tipid niyang sagot tapos naupo na siya sa may lamesa. Kumuha ako ng cookies tapos gatas. Umupo ako tabi niya, kaso medyo awkward yung atmosphere. Walang nagsasalita samin. Huminga ako ng malalim.
“Narinig ko kayong nag-uusap nila Daehyun at Himchan.” Panimula ko. Medyo nabigla sya sa sinabi ko.
“A-ah…” tipid niyang sagot.
“Ayaw niyo na ba dito?” tanong ko sakanya.
“H-ha? Hindi ah.” Depensa niya.
“Eh bakit sabi mo kaya ka sumali sa audition kasi para matapos niyo na yung mission niyo at nang makaalis na kayo dito?” malungkot kong tanong.
“Aish! Di mo kasi pinakinggan lahat eh. Ganto kasi yun…” Kinuwento ni Yongguk yung napag-usapan nilang tatlo nila Daehyun.
“Aaaah… Sorry ah, pinagdudahan ko kayo. Alam mo kasi, wala na akong pamilya. Si Lala na lang ang natitira sa buhay ko kaya nung dumating kayo, sobrang saya ko. Feeling ko nagkaroon na ulit ako ng pamilya.” Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
“Habang naririnig mo kaming kumakanta, mananatili kami sa tabi mo.” Sabi niya. And with that I feel so secure. Sana habang buhay ko kayong marinig kumanta para habang buhay nasa tabi ko lang kayo…
“Sweeeeeetheaaaaaart! Gising na. Breakfast is ready. Sweetheart! Goodmorning.” Bati ni Himchan habang niyuyogyog ako.
“Ateeee! Rise and shine!!! Wake up!” – Zelo
“Aish! Okay okay! I’m awake -_-“ sabi ko sabay bangon. Hinatak naman nila ako pababa sa kusina. Ang hyper ng mga alien ko ah.
“Oh! Ang dami naman nito. Tayo lang naman ah.” Gulat ako kasi ang dami nilang niluto parang hanggang bukas na tong almusal namin eh. Tapos ang babait pa nila, hmmm? I smell something fishy in here -_-
“Hmm? Ang babait niyo yata… Alam ko na yang mga tactics na yan. Sige na, sabihin niyo na yung kasalanan niyo…” sabi ko habang humihigop ng kape.
BINABASA MO ANG
They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]
FanfictionAkala ko habambuhay na ako mag-isa, walang pamilya, wala ring mga kaibigan. Pero on a bright sunny day, THEY landed on my backyard and THEY invaded my HOUSE. In just short amount of time, THEY invaded my HEART. Pero, hanggang kailan sila mananatili...