Chapter 27: Tearsday (part2)
Biglang tumunog ang speakers. Isang kanta ulit. Andami naman, ngawit na ako kakatayo. Wala bang upuan? -_-
(play video at the side)
“~~Did you hurt a lot, are you really tired? Did I make things hard for you?~~”
Nagulat ako nung bigla kumanta si Jongup at tumapat sakanya yung spotlight.
“~~I was only used to receiving love, I think I only knew myself~~” – Himchan
“~~I know your heart, I know it. I know your love well. But I think it’s not for me~~” – Youngjae
Lumapit ulit yung bata sakin at nag-abot letter. Binuksan ko, galing kay Himchan.
“~~This is my heart tells me to do, so it hurts even more~~”
Hi Sweetheart! Please ngumiti ka, alam ko kasi maiiyak ka sa mga nangyayari ngayon. Pero tatagan mo ang loob mo. Kailangan kong makita yung mga ngiti mo.
Tumingala ako at tiningnan ko si Himchan. Ngumiti ako sakanya habang umiiyak. Nakangiti din siya sakin at nag-motion siyang punasan ko yung mga luha ko, kaya naman pinunasan ko ito.
Sa totoo lang Sweetheart, nalulungkot ako kapag hindi ka masaya. Kaya lahat ng pangungulit ginagawa ko sayo para hindi ka malungkot kasi Sweetheart kita, ayaw kong nalulungkot ang Sweetheart ko. Salamat kasi tinanggap mo kaming lahat kahit na alien kami, alam ko minsan nagiging pabigat na kami sayo pero hindi mo kami sinisisi sa halip na paalisin kami, kinupkop mo pa rin kami. Kung maghihiwalay tayong pito sa ganitong paraan, hindi ko alam kung paano namin tatanggapin. Pero kung ito ang nakatakda para sa atin, ayos lang. Dahil ikaw lang ang minahal namin ng ganito. Hinding-hindi ka namin makakalimutan Sweetheart. Balang araw, bababa ulit ang spaceship namin sa garden mo, at makikita mo na ulit ako… kaming lahat. I’ll miss you Sweetheart.
Napalakas na ang iyak ko sa sulat ni Himchan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para pigilan silang umalis. Kung sa ganitong paraan kami maghihiwalay, hindi ko alam kung pano ko tatanggapin ang lahat. Hindi ko alam…
Pagtapat kay Daehyun ng spotlight, nakita kong tumutulo na ang kanyang luha. Napayuko siya habang kumakanta.
“~~I love you but I need to break with you. Because you loved me, I’m so grateful yet I’m sorry. I lack so much. So please forgive me for leaving you~~”
Sa mga nangyayari ngayon, parang hinihiwa sa gitna yung puso ko. Ano bang gagawin ko?? Gusto kong ipadama sakanila yung pagmamahal na matagal ng nai-stock sa puso ko, pero paano ko yon maibibigay sakanila kung aalis na sila. Maaalala pa kaya nila ako pag nasa Mato na sila??
“~~My heart will hurt sometimes, and I will regret too. But still, I won’t let it show even if tears form. Swear at me all you want, I think that will make me more comfortable. I won’t give any pathetic reasons, this is all I am~~”
Tinitingnan lang ako ni Yongguk habang kinakanta niya yung part niya. Kahit may distansya, nakikita ko pa din sa mga mata niya ang kalungkutan. Nararamdaman ko, mas nasasaktan siya ngayon kesa sakin. Ako din Yongguk, nasasaktan. Hindi ko kasi alam kung paano kayo papalitan sa puso ko. Kung kailan masaya na tayong lahat, saka naman kayo aalis.
“~~I know your heart, I know it. I know your love well. But I think it’s not for me~~” – Youngjae
Lumapit ulit sakin yung bata na may dala-dalang card at glowstick. Binuksan ko yung card. Galing kay Zelo.
“~~This is my heart tells me to do, so it hurts even more. I love you but I need to break with you.~~”
Hi ate ^___^ wag kang iiyak ha?
Pagkabas ko palang nung ‘wag kang iiyak’ naiyak na agad ako. Bwisit nga eh, natatawa na ako sa sarili ko. Nababaliw na ata ako.
Alam ko nasasaktan ka, pero mas nasasaktan si Zelo. Alam mo ba ate, lagi akong umiiyak gabi-gabi kasi naiisip kong maiiwan ka namin dito sa earth pag kinuha na kami ni Queen. Kung pwede lang ilagay na kita sa bulsa ko eh, ginawa ko na. Ate, mamimiss ka ni Zelo. Pagdating niya sa Mato, wala na siyang ate. Gustong-gusto ni Zelo sa tabi mo ate, kasi feeling ko safe nas afe ako sa tabi mo. Ate, sa mga susunod na araw alam ko malulungkot ka na dahil wala na kami. Pero, iiwanan ko sayo tong glow stick na to. Tanda mo pa nung concert, pinakita mo to sakin? Kaya iiwan ko na sayo to. Pailawin mo lang to, kapag namimiss mo si Zelo o kaya bili ka ng cherry tomatoes tapos isipin mo katabi mo ako habang kumakain ka nun. Ate, nasasaktan si Zelo ngayon.
Tinignan ko yung pwesto ni Zelo. Nakita kong nakayuko lang siya at umaangat-angat yung balikat. Alam ko umiiyak siya ngayon.
Pero wag ka mag-alala ate, ngingiti pa rin si Zelo para sayo kasi ayaw ni Zelo na nag-aalala ka ate. Gusto niya lagi kang masaya, okay lang kahit si Zelo yung nasasaktan wag lang ikaw ate. Ate pagbalik ko iha-hug kita ng mahigpit. Pag nagkita na ulit tayo, hindi aalis sa tabi mo si Zelo. Ate mag-iingat ka ha? Iloveyou ate! ^___^
Kung kanina iyak lang ang nagagawa ko, ngayon hagulgol na. Zelo, mamimiss ka din ni ate. Magpapakabait ka sa Mato ah. Alagaan mo yang sarili mo. Alam ko pag tumanda ka pa, mahihigitan mo pa sila Himchan at Yongguk. Wag kang mag-alala kay ate, maghihintay lang ako dito hanggang bumalik kayo. Hinding-hindi ako mawawalan ng pag-asa, alam ko balang araw babalik kayo. Paghahandaan ko yung araw na yun.
“~~Because you loved me, I’m so grateful yet I’m sorry. I lack so much. So please forgive me for leaving you~~” – Daehyun
“~~When all the love songs become sad breakup songs, I will listen as I think of you. I confess inside my heart. I will remember. When I think back the stories we shared, where would we be? As we forget about each other, will we be in different relationships? Will I be blaming my heart to just do my heart tells me to do? Is it really okay?~~” – Zelo
Inaabangan ko na yung bata kaso iba yung bumungad sa harap ko. Si Yongguk. Medyo mugto yung mata niya kaya lalo siyang sumingkit. Pero gwapo pa rin naman siya.
“~~This is my heart tells me to do, so it hurts even more. I love you but I need to break with you.~~”
Niyakap niya ako ng mahigpit. Naririnig ko yung mga impit niyang iyak. Niyakap ko din siya.
“Aleinne, wag kang mawawala sakin ah. Hintayin mo ako. Babalikan kita. Hindi ko hahayaang mabuhay ka mag-isa. Hindi ko kaya pag wala ka. Hindi ako madramang alien tulad nung 5 pero sayo lang ako nagkaganito. Salamat kasi pinaramdam mo sakin kung ano ang ibig sabihin ng salaitan pagmamahal. Salamat kasi pinaramdam mo sakin kung anong pakiramdamng ng may nagmamahal. Alam ko, nasasaktan kita ngayon kaya patawarin mo ako. Wala akong magawa kundi sumunod kay Queen. Pero kapag nakabalik na ako sayo, hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo. Tandaan mo hangga’t patuloy mo akong minamahal, babalik kami. Babalik ako… Saglit lang ako mamawala, isipin mo bumili lang ako sa tindahan at babalik din mamaya. Wag kang iiyak ha? Hayaan mo lang na ako yung umiiyak, basta wag kang iiyak. Ngumiti ka lang. Kapag bumalik na kami, gusto ko salubungin mo ako ng mga ngiti mo. Gusto kong makita yung mga ngiti mo. Ikaw ang lakas ko Aleinne, kaya tatagan mo ang sarili mo dahil jan ako kakapit sa puso mo. Hinding hindi ako titigil mahalin ka Aleinne. Habambuhay…
“~~Because you loved me, I’m so grateful yet I’m sorry. I lack so much. So please forgive me for leaving you~~” – Daehyun
Hinalikan naman niya ako. We were savoring each other’s lips kahit na pareho kaming umiiyak. His kiss were ver passionate yet I can feel pain in his kisses. I want to wash all the pain that he’s feeling pero hindi ko alam kung paano. I wish I could stay longer in his arms for a while. We parted our lips then he weakly smile at me. Lumapit samin yung 5 alien. Inabutan nila akong rosas, tig-iisa sila.Pati si Yongguk, binigyan din ako.
Niyakap ko silang lahat. Lahat kami umiiyak. Para tuloy semana santa ngayon dahil ang lungkot namin. Hindi na kami tulad nung dati na masaya, laging nagtatawanan. Ngayon, ewan ko ba? Parang bumaliktad na ang mundo. Nagbago na ang ihip ng hangin. Yung mga ngiti naming dati, napalitan ng mga luha. Totoo nga yung kasabihan na kapag sobrang saya mo ngayon, maya-maya iiyak ka. Sana umiyak muna pala kami noon para masaya kami ngayon. Mamimiss ko tong mga alien na to T.T
![](https://img.wattpad.com/cover/14371144-288-k456507.jpg)
BINABASA MO ANG
They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]
FanfictionAkala ko habambuhay na ako mag-isa, walang pamilya, wala ring mga kaibigan. Pero on a bright sunny day, THEY landed on my backyard and THEY invaded my HOUSE. In just short amount of time, THEY invaded my HEART. Pero, hanggang kailan sila mananatili...