Chapter 22: Concert day (part 1)
Ngayon na ang araw ng concert ng BAP. Debut kung tawagin ng Beast. Maaga pa lang nandito na kami sa Stadium kasi nagpa-practice sila para sa final rehearsal. Ako naman labas pasok sa Stadium para bilhin yung mga kailangan nila, kapagod na nga eh. Pero ays lang, para sa kanila naman eh. Ngayon, tine-test na nila kung okay yung mic.
“~~Nal saranghaejwoyo!~~ yep… Ayos na po.” – Daehyun.
“~~simjange ullineun nae mari nimalgwa dareuni hwagana deuro samadi jansori~~ Okay na po.” – Zelo. Sheeeeemay. Kinapos ako ng hininga dun ah. Ang bilis mag-rap nitong batang to. Ka-amaze O.o
“~~You’re still in my heart lady… your scent that I become used to remains near me.~~ Okay na po.” – Youngjae
“~~one shot, ima kanjiru subete o jibun no mono ni shiro. Only one shot me ni utsuru kako mo mirai mo tada hitotsu~~ Yan. Okay na po.” – Himchan.
“~~Even if the world turn away from you, protect yourself, that’s the right attitude.~~ Ayos na po.” – Jongup.
“~~You rock my world don’t know how to stop. Leave me alone, if you bother me it’ll be a problem. Shiftly raise your head and shout what what. Throw away your stiff life!~~ Okay na po.” – Yongguk.
Pagkatapos nila ma-check, nagpractice na ulit sila. Nagdatingan naman ang Beast, kasama kasi sila sa concert tsaka magpeperform din sila after ng BAP tsaka sila ang magpapakilala sa BAP as official band ng school dahil gagraduate na sila. Mamaya pa namang 6:00 pm ang start eh 12:00nn pa lang naman kaya todo practice pa sila. Nung mga 2:00pm na tumigil na sila sa pagpapa-practice para makapag-prepare na ang BAP.
“Haneeeeep! Pwede ng mag-artista.” Biro ko sakanilang lahat. Napangiti naman sila.
“Ang hirap pala maging idol, nakakapagod.” Sabi ni Himchan.
“Sabi ko naman kasi sainyo eh, wag nalang ganto. Nakakapagod -_-“ reklamo ni Yongguk.
“Eh sino ba may pakana nito?!” sabay-sabay na sabi nung limang alien. Wahahahahaha :D oo nga, natahimik tuloy bigla si Yongguk.
“Hehe… Oo nga pala noh? Ako pala nakaisip nun.” Sabi niya *insert gummy smile*
“Sige na, mag-prepare na kayo.” Sabi ko. Maliligo pa kasi sila tapos me-make up-an pa. Dami she she bureche, kala mo mga artista talaga eh noh. Sabi nung facilitator kanina, mapupuno daw tong stadium eh. Dahil nga fund raising ito, ibig sabihin may ticket ang kada papasok sa stadium. Eh sabi sold out daw ang tickets. Nagulat nga ako eh, hindi pa nila napapangkinggan ang BAP kumanta pero sold-out na agad. Iba talaga ang charisma nila.
Nagpasya akong umuwi para kunin yung video cam at yung shout meter. Pumunta na ako agad ng kwarto. Nung dadamputin ko na yung shout meter parang may pumipigil sakin na wag kong kunin. Parang may parte sa puso ko na ayaw damputin yun. Pero kapag hindi ko dinala yun, maaaring mamamatay na sila Queen at ang iba pang mamamayan ng Mato. Alam kong magiging makasarili ako at unfair pero… Ughhhhh! Nakakainis. Kinuha ko na yung shout meter tapos lumabas na ako ng bahay at bumalik sa school. Pagdating ko doon, inaayusan na sila. Nandito kaming lahat sa backstage.
“San ka galing ate?” tanong ni Zelo habang naka-pikit. Nilalagyan kasi siya ng eye shadow. Hahaha :D ang cute niya :3
“Umuwi lang ako sa bahay saglit. Kinuha ko to.” tinaas ko yung shout meter at yung video cam.
“Aleinne ang kati naman nito sa mukha.” Sabi ni Jongup tas kinakamot yung pisngi niya.
“Patingin nga.” Tiningnan ko. May kaunting sugat yung pisngi niya. Kinabahan ako.
BINABASA MO ANG
They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]
FanficAkala ko habambuhay na ako mag-isa, walang pamilya, wala ring mga kaibigan. Pero on a bright sunny day, THEY landed on my backyard and THEY invaded my HOUSE. In just short amount of time, THEY invaded my HEART. Pero, hanggang kailan sila mananatili...