Chapter 14: EK (part 2)
Aleinne’s POV
“Yaaaaaaaaaay! Andito na tayo!” excited kong sabi. “Teka. Bibili lang ako ng ticket.”
“Ako na lang.” sabi ni Daehyun tas kinuha sakin yung videocam. Binigay ko naman yung videocam tas umalis na siya.
“Ate! Excited na ako. Sasakyan ko lahat ng rides.” Excited na sabi ni Zelo. Grabe, ang hyper hyper niya. Parang bata talaga. Sarap kurutin ng pisngi, nakakagigil. Hmmmmm! Ngumiti lang ako.
“Oh guys oh.” Binigay na ni Daehyun yung ticket namin. Pumasok na kami sa loob.
“Ate gusto ko sa Junior Kart Track!!!” sabi ni Zelo.
“Aish! Pambata dun. Sa XPP paintball na lang.” – Yongguk
“Ehhh! Sa Roller Skater na lang.” – Himchan
“…” – Daehyun
“Flying Fiesta na lang.” – Youngjae
“Boring dun. Sa Anchor’s Away na lang.” – Jongup
“Heeeeeeeeeep! Sa Disk O’ Magic tayo.” Sabi ko ng matigil na sila. Kasasakit sa tenga ng boses eh -_-‘7
Pumila na kami sa Disk O’ Magic. Maigsi lang pila kasi konti lang tao kasi weekdays. Sumakay na kami sa Disk O’ Magic.
“Ate, natatakot ako.” Sabi ni Zelo.
“Hawakan mo yung kamay ko.” Sabi ko. Hinawakan niya yung kamay ko. Grabe, ang higpit.
“Uhh, Zelo… Hindi pa nagsisimula, grabe ka naman makakapit sa kamay ko.” Sabi ko kay Zelo.
“Ayy hindi pa ba??? hahaha :D Sorry”
Maya-maya lang nagsimula nang umandar.
“Kyaaaaaaaaaaaaah! Ate!” sigaw ni Zelo. Lalong humigpit yung hawak niya sa kamay ko.
“Halaaaa! Zeloooo! Ang bilis!! Halaaa ka!!!” Pananakot ko kay Zelo. Mukhang effective kasi sigaw siya ng sigaw. Grabe, parang bata to. Ang sakit sa tenga ng sigaw niya. Sila Himchan, Jongup at Youngjae tawa lang ng tawa habang binivideohan yung mga sarili nila, astigg nga eh. Si Daehyun naman pokerface lang.
“Kyaaaaaaaaaaaaaa! Ang sayaaaaaaa!” sigaw ko. Pero may naramdaman ako malamig na dumampi sa kamay ko. Pagtingin ko, kamay ni Yongguk. Grabe, ang lamig. Tapos nakapikit lang siya. Di siya sumisigaw o tumatawa. Basta nakapikit lang siya. Napangiti na lang ako. Ang best warrior ng Mato takot sa mga rides sa EK. Hahahahaha :D Nung matapos na yung ride pumunta si Daehyun sa isang sulok tapos biglang… SUMUKA. Dali-dali akong pumunta sakanya.
“Ano okay ka lang?” tanong ko habang hinihimas ko yung likod niya. “Hahahahaha. Kaya pala pokerface ka lang kanina ah, nahihilo ka na pala.” Pang-aasar ko. Tinignan niya naman ako ng masama. Hahahaha wala akong pake :D
“Tara, Anchor’s Away tayo.” Yaya ni Jongup. Nagpunta naman kami dun.
“Dito na lang tayo sa may bungad para di kayo gaano mahilo.” Sabi ko.
“Ehhh… Walang thrill. Dun tayo sa pinaka-dulo.” Sabi ni Youngjae. Dun nga kami umupo sa pinakadulo. Eto yung Seating arrangement: Jongup, Youngjae, Daehyun, Zelo, Ako, Yongguk, Himchan. Nagstart ng umandar. Nung una medyo mabagal pa lang. Saya-saya pa nila. Nagvivideo pa sila. Huh! Maya-maya makikita niyo. Mwahahahahaha! :D
“Kyaaaaaaaaaah! Ate ayoko na! Baba na tayo.” Sigaw ni Zelo.
“Aaaaaaaaah! Yung kaluluwa kooooo naiwaaaaaaan!” – Himchan. Hayyyy nako, Himchan wag kang echosera, wala kang kaluluwa, alien ka.
BINABASA MO ANG
They invaded my House Heart [BAP Fanfiction. TIHH]
FanfictionAkala ko habambuhay na ako mag-isa, walang pamilya, wala ring mga kaibigan. Pero on a bright sunny day, THEY landed on my backyard and THEY invaded my HOUSE. In just short amount of time, THEY invaded my HEART. Pero, hanggang kailan sila mananatili...