Sixteen "Forbidden Room"

38.6K 1.2K 71
                                        

THIRD PERSON

Lahat ng myembro ng grupo ay nagulat nang buksan ng dalaga ang pintuan ng forbidden room at pumasok roon. Hindi nila inaasahan na may makakaalam ng kwartong iyon lalo na sa taong katulad ni Hell— na akala nila ay normal na istudyante lang.

"Ano ng gagawin natin?" Tanong ni Kleid at tinignan ang kaibigan.

"We have no choice, hindi niya dapat malaman ang tungkol sa forbidden room. Fire it up." Sagot nito.

Naistatwa naman si Kleid sa sagot ng kaibigan niya at ang tatlong babae sa likod ay napatayo nalang. Nag katinginan ang mga ito at hindi alam ang gagawin.

"What do you think you're doing, Uno? Alam mo naman siguro ang parusa kapag ginawa mo iyon." Serena said.

"She's right, Uno, we don't have to do this." Hailee.

Napakunot naman ang noo ni Uno at inikot ang swivel chair upang makita sila. Napalunok naman bigla ang tatlong nakatayo.

"I don't have a choice. She knew the forbidden room, at lahat ng nakakaalam at pumasok sa loob loob non ay hindi na nakakalabas pa ng buhay." He said.

Napatungo nalang si Hailee at Jhia habang naikuyom nalang ni Serena ang kanyang kamay. Tama ang sinabi ni Uno, wala silang magagawa. Walang sino man ang dapat makaalam ng kwartong iyon maliban sa kanila at sa taong gumawa ng kwartong iyon.

Muling humarap si Uno sa tv screen na nasa gitna at binigyan ng tingin ang katabi. Kahit labag sa loob ni Kleid ay ginawa niya ang dapat niyang gawin. Pinindot niya ang isang pula at isang itim na button na may "x" na nakalagay rito.

Lahat sila ay napatingin lang sa screen pagkatapos habang si Jhia naman ay hindi magawang mapanood ang nangyayari.

HELL

It was dark. All I can see is dark and black. It was full of darkness and it was cold, reminds me of my childhood. Siguro kung wala ang kakambal ko noon baka tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

Bago ko malaman na buhay pa si dad noon ay wala akong ginawa kundi mag-training. In such a young age, natutuno na akong humawak ng kung ano-anong armas. Hindi ko kasabay mag-training noon si Damon dahil bawal, for some reasons.

When I was seven years old, isang linggo akong nakakulong sa kwartong katulad nito. It was to train my senses, kaya kahit bulag ako ay kayang-kaya ko parin pumugot ng ulo. It was just like my name, it feels like hell. Pero thankful ako kay mom kahit ganon niya ako pinalaki dahil hindi magiging ako si ako ngayon kung hindi ko naranasan ang mga iyon noon.

Pumasok ako sa loob ng isang kwarto. Hindi ko alam na may ganito palang kwarto dito. Malaki ito at alam kong hindi ito basta-basta kwarto lang dahil hindi maganda ang pakiramdam ko dito, just like the hallway, parang may humihigop ng enerhiya ko pero mahina lang ito hindi katulad ng training namin noon.

Napangisi nalang ako. Alam kong kanina pa may nanonood ng bawat galaw ko. Siguraduhin lang nila na mag-ienjoy ako.

Huminto ako sa gitna. Alam kong nasa gitna ako kahit hindi ko nakikita at pinakiramdaman ang paligid. Ganito nalang ba? Tatayo nalang ba ako dito? Wala manlang thrill? O baka nagdadalawang isip pa sila kung itutuloy nila ang pag-tapos sa'kin?

Tsk, pasenya pero hindi pa ito ang oras ko.

Agad akong gumalaw upang iwasan ang isang bagay na naramdaman ko paparating mula sa aking likod. Hindi pa ako nakakaayos ng tayo ay may naramdaman na naman akong papalapit sa'kin pero mula na ito sa iba't ibang direksyon. Naisipan na ba nila na tapusin ako?

Naririnig ko ang tunog na pag-baon ng mga ito kada iwas ko. Wow, balak talaga nila akong patayin? Okay lang, sanay na ako.

Nag back-flip ako ng tatlong beses upang maiwasan ang paparating sa akin. Kung ano-ano ang lumilipad rito, kung hindi dagger– kunai o kaya naman shuriken, kung hindi shuriken mabibilis na palaso naman ang hahabol sa'kin. Nice one. Medyo nagulat ako nang makarinig ako ng gun-shot. Seriously? Is this room soundproof? Kung ganon dito nalang ako lagi tatambay.

Tumakbo ako paikot sa malaking kwartong 'to. Ngayon ko lang rin nalaman na pabilog pala ang kwartong ito. Mukang galing sa pader ang mga lumilipad papalapit sa akin.

Sunod-sunod na bala ng baril ang narinig ko papalapit sa'kin pero dahil mabilis ako— ni isa walang tumama, lahat sila sa sahig lang nag-sibaunan. Muli akong tumakbo sa gitna at gumulong. Kumuha ako ng dalawang dagger na nakakalat lang at ginawa itong panangga sa mga balang papalapit sa'kin.

Sa tingin ko inabot ng sampung minuto ang pag-iwas ko bago muling tumahimik ang paligid. Tapos na? Nag-sisimula palang ako mag-ejoy.

Aalis na sana ako nang makarinig ako ng ingay pero hindi ko alam kung saan. Biglang nag ka-echo ang paligid. Kahit ang mga lakad ko ay gumagawa ng ingay at umeecho. Lagot tayo nito mga pre.

Biglang uminit ang paligid at sunod-sunod akong nakakita ng liwanag.

HAILEE

"WHAT THE HELL?!" Me and Serena.

Wala kaming nagawa kundi panoorin nalang ang nangyayari sa loob ng forbidden room. Si Jhia ay napakapit nalang sa'kin. Nag-simula ng masilabasan ang mga weapons mula sa mga pader ng forbidden room.

Pero halos malaglag na ang panga namin dahil kahit isa ay hindi parin nagagalusan si Hell. Anong klaseng nilalang siya?

Who really are you, Hell? Why are you so mysterious?

Sampung minuto na ang lumipas at wala ng lumalabas na weapons. WALA PA RIN SIYANG TAMA. How the hell did she do that? Paano niya naiwasan ang lahat ng iyon?!

Tinignan ko ang screen at nakatayo lang siya sa gitna. Nakita kong unti-unting napuno ng usok ang forbidden room. Sh!t, that smoke is poisonous. Siguradong mamatay ka agad kapag naamoy mo ito. Wala kaming makita, tatlong minuto ang itinagal ng usok bago ito tuluyang mawala.

Tuluyan ng nawala ang usok at malinaw naming nasilayan ang forbidden room dahil bukas narin lahat ng ilaw nito. At halos mag-taasan ang balahibo ko sa nakikita ko ngayon.

It was Hell, matibay parin siyang nakatayo sa gitna pero hindi lang iyon ang nakapagpataas ng balahibo ko.

Nakatingala ito at nakatingin sa camera. Nakatingin sa amin habang may mga ngisi sa kanyang labi.

"I know you're watching." Malamig nitong saad. I gulped.

"Who ever you are, Just so you know I can't die easily. Even Death Scheduler is scared of me so yeah," sabi pa niya at nag-simula na mag-lakad. "And don't worry, I'll keep this room a secret." At nakuha pa nitong kumaway.

Hindi ko alam na nahinto pala ako sa pag-hinga hanggang sa mawala na siya sa paningin namin.

"What the hell was that?"

The Enigmatic TwinsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon