5 : Thánatos Twins (pt. 2)

48.5K 1.1K 34
                                        


THIRD PERSON


Pag ka-tunog na pag ka-tunog ng bell ay agad nawala sa paningin ng lahat si Hell. Nagulat nalang ang karamihan nang mapasigaw ang isang myembro ng Dark Bladers na nakapuwesto sa likuran. Napatingin ang lahat doon na unti-unting bumagsak. Wala na itong malay.

Naging alisto naman ang iba pang myembro at nakiramdam sa paligid. Mukang nakabawi na sila mula sa pag-kagulat.

'No rules.' iyan ang nasa isip ni Blade, ang leader ng DB.

Agad niyang inilabas ang famous blade niya nang makaramdam ng pag galaw mula sa kanyang likuran. Naging alerto naman siya at umikot kasabay ng pag-hiwa sa hangin.

"Not bad." nakangiting saad ni Damon pag-kaiwas nito.

Napahigpit naman ang hawak niya sa kanyang blade. Alam niya na simula nang marinig niya ang pangalang Thanatos Twin ay wala na silang laban sa mga ito. Kilala ang dalawa sa pinakamalakas na gangster sa mundo nila at isa sa pinaka kinatatakutan dahil wala itong awa sa kanilang mga nakakalaban at isa na sila ngayon. Ngunit hindi siya papayag mamatay nalang ng ganon ganon.

Nabaling ang tingin ni Blade sa isa na namang bumagsak mula sa grupo niya.

"Damn!"

Agad sumugod ang lalaki kay Damon na nakangiti lang sa harap niya. Bigla naman siyang nainis dahil doon. Iwinasiwas niya ang hawak na blade at walang kahirap-hirap na iniwasan lang iyon ni Damon.

Nag-simula naring gumalaw ang ibang myembro ng DB. Inilabas narin nila ang sari-sarili nilang blade at pinakiramdaman ang paligid. Hindi nila makita ang mga galaw ni Hell dahil sa bilis nito.

Nag hiyawan ang mga tao sa paligid.

Nanlaki ang mata ng isang lalaki nang sa isang sulyap lang ay nasa harap niya na si Hell ng hindi nararamdaman. Binalak niyang saksakin ang babae ngunit mabilis nitong nahawakan ang pulsuhan niya at pinilipit. Napahiyaw naman siya dahil doon at nabitawan ang hawak na blade.

Sumugod ang isa pang lalaki kay Hell ngunit sinipa lang siya niyo. Sinuntok ni Hell sa mukha ang lalaking pinilipit niya at tinuhod. Napalihod naman ito at saka niya sinipa sa mukha na siyang ikinawalan ng malay nito.

Mabilis namang yumuko si Hell upang maiwasan ang papalapit na blade sa kanya. Malamig na tinignan niya ang nag-bato non. Mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan nito at binigyan ng malakas na suntok sa panga. Napasub-sob naman ito dahil sa ginawa niya.

Muling lumakas ang hiyawan ng mga tao at kanya kanyang pustahan at sigawan ng mga pambato nito.

"Fight back, you sh!t." inis na sambit ni Blade kay Damon.

Tinawanan lang siya ni Damon at pinag-patuloy ang pag-iwas. Nainis lalo si Blade doon at mas binilisan ang galaw.

"Ohh~ nice one." Damon at umikot upang makaiwas dahil muntik na siyang matamaan nito at mabilis na sinipa sa tagiliran ang lalaki. Napaatras naman si Blade dahil doon.

Paikot na sumipa si Hell nang maramdaman ang presensya sa kanyang likod. Nataaman nito ang kamay ng lalaki at nabitawan nito ang hawak niyang blade. Mabilis itong sinipa ni Hell sa tagiliran at isa pang sipa sa mukha na agad ikinabagsak nito.

Muli namang tumayo ang lalaking napasub-sob kanina at mabilis na binigyan ng suntok si Hell ngunit agad itong naiwasan ng dalaga at sinuntok sa tiyan ang lalaki. Wala sa oras na napasuka ito ng dugo.

Umikot si Hell at sinalo ang kamao na dapat ay tatama sa kanya. Nanlaki ang mata ng lalaki sa gulat at biglang namutla. Napangisi ng maladimonyo ang dalaga at mabilis na pinilipit ang kamao nito at diretsong sinuntok sa ilong.

Muling nag-hiyawan ang mga tao sa loob ng arena at mas dumami na ang mga ito.

Dahil sa inis ni Blade ay inilabas niya ang isa pa niyang blade na mas mahaba kesa sa blade na nasa kanang kamay niya. Mabilis siyang tumakbo papalapit kay Damon at mabilis itong pinag-hihiwa, ngunit parang nakikipag laro lamang ang kalaban at madali ang naiiwasan ang mga tira niya.

"Woah~ easy, boy." saad ni Damon at umiwas muli ng nakapamulsa pa.

"Urrgh!" Blade at mas binilisan pa ang pag-galaw.

At sa hindi inaasahang pang-yayari, kasunod ng pag-yuko ni Damon at kasabay ng pag-ikot niya ay ang mabilis na pag-daplis ng blade sa kanyang braso. Napaatras naman ang kalaban nang dahil doon.

Tinignan ni Damon ang braso niyang may sugat at saka amuse na tumingin kay Blade. "Lucky." makabuluhang sabi ni Damon na nag pakunot ng noo ni Blade.

Balak pa sana nitong sumugod muli kay Damon ngunit natumba na ito at nawalan ng malay. Natahimik ang paligid. Ngayon ay lahat ng myembro ng Dark Bladers ay wala ng malay.

Napatingin naman si Damon sa taong nasa likod ni Blade kanina at nginitian. Inirapan lang siya nito at nag-lakad na palabas ng arena.

Unti-unting nag-hiyawan ang mga tao at nag-bigay daan sa dalawa. Agad namang umalis ang dalawa sa lugar na iyon matapos.

"Kahit kailan napaka-clumsy mo." biglang sabi ni Hell habang nag-mamaneho.

"Sorry na, na-out of balance lang." sagot ni Damon at natawa pa.

"Tss."

"What a lucky bastard. Kung hindi niya ako nasugatan baka wala na siyang buhay ngayon."

Natahimik lang si Hell. "Nah, that gang is something." biglang sabi nito.

Napatingin sa kanya si Damon, "I think so too. I wonder kung bakit top 6 lang sila."

Hindi sumagot si Hell at napangisi lang.



✂ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - ✂

Author:

Pasensya dahil puro BLADE 😂😂 lol

Btw, ingat ang nga taga mindanao 🙏 and sa mga nakaramdam ng lindol diyan, STAY SAFE! 💞

The Enigmatic TwinsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon