Six "Complete"

49.4K 1.1K 203
                                        

HELL

Naramdaman kong may pumasok sa kwarto ko pero hindi na ako nag-abalang lumingon dahil isang tao lang naman ang nag-lalakas loob na pumasok sa kwarto ko ng hindi kumakatok. At isa pa, presensya niya palang alam ko na.

"Hey, sis." sabi nito at humiga sa tabi ko.

"Nagamot na ba yang braso mo?" tanong ko.

Natamaan siya ni Blade sa braso dahil sa katangahan niya, remember?

"Yup," answered he, "I can't sleep on my room, lemme sleep here again."

Haist. Inaatake na naman siya ng insomia niya pero minsan iniisip ko na baka kaartehan lang niya iyon.

"Neh sis, can I ask a question?"

"You're already asking."

"Heh, right." naramdaman kong binaling niya ang ulo niya sa akin, "Bakit ka nga pala biglang na-badtrip kanina?"

Bigla naman nag-init ang ulo ko nang maalala ko yon kanina.

THAT JERK! Tss. Huwag niya lang subukan mag-pakita sa akin ulit at sisiguraduhin kong mawawala ang tabas ng dila niya!

"Tss. Wag mo na ipaalala." inis kong sabi.

"Sabi ko nga matutulog na ako."

Naman. Bigla ko tuloy naalala....


"Who are you? Students are not allowed here. LAYAS." malamig niyang sabi.

ABA'T!

Sino siya para paalisin ako dito? Ito lang ang tahimik na lugar na napuntahan ko sa school na 'to tapos palalayasin niya ako?!

"What if I don't want to? And who are you to say that?"

Bigla naman kumunot ang noo niya pero biglang ngumisi,

"New student? Tss, maybe also Raven's new toy?" nakangisi niyang sabi.

T-toy? ME?!

Sinamaan ko siya ng tingin, "I'm. Not. A. Toy." kalmado kong sabi. Umiinit ang ulo ko sa kanya.

"Really? But you look like one." and eye me from head to toe.

Fck him!

"Jerk." biglang lumabas sa bibig ko.

Lalo namang lumapad ang ngisi niya and I bet he's enjoying it. Naikuyom ko ang mga kamay ko at sinamaan siya ng tingin. Hindi naman siya nag-patalo at tinignan niya ako ng malamig. Tss, akala niya ba matatakot ako sa tingin na yan? WALA PA YAN SA TINGIN NG MOM KO!

Ilang minuto rin kaming nag-titigan pero bigla kaming nakarinig ng ingay kaya sabay kaming napatingin sa pinanggalingan non.

Nakita kong may paparating na tatlong students na nag-haharutan dahil may pinag-aagawan sila. Sa tingin ko hindi pa nila kami napapansin.

The Enigmatic TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon