THIRD PERSON
Agad nawala sa paningin ng lahat ang GODS na siyang ikinaingay at ikinagulo ng paligid, kahit ang presensya ng mga ito ay bigla nalang rin nag-laho na parang bula.
Dumating naman ang mga White Group, ang tagalinis ng Underground. Sila ang gumagamot sa mga may tsansa pang mabuhay bago madala sa ospital at syempre, ang mga tagaligpit sa mga bangkay na nasa loob ng UG lamang.
"Nakita mo ba sila?" tanong ng isang leader.
"Hindi, boss, kahit presensya ay biglang nawala." sagot ng isa sa underlings nito. Napabuntong hininga nalang ang lalaki at pinaalis na ang mga ito.
"No doubt, napakalakas nila." wika nito.
"Ano ng gagawin natin?" tanong ng kanang kamay nito.
Tinignan naman siya ng lalaki at nagsimula ng maglakad. "Uuwi na. Tapos narin naman ang palabas."
"Eh?"
"Umuwi ka narin, Ren. May pasok pa bukas." sabi nito.
"Tss, pasado parin naman ako kahit mag-skip class pa ako." Nagkitbalikat lang ang leader nito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya. "Haist, kahit kailan talaga." wika pa nito at napakamot nalang ng ulo.
Sa kabilang banda naman.....
"Bakit ba lagi nalang akong kinikilabutan kapag ginagawa ni hyung 'yon?" wika ni Max.
"Because he's Damon, Max." Princess answered. "His name says it all. A demon."
Bigla namang napangisi si Damon sa kanyang narinig. "That's a bit harsh, Cess."
"Well, it's the truth." Rhian said.
Damon just shrugged. "Masasanay ka rin, Max, and where's twinnie, by the way?" Napatingin naman sila sa paligid at walang Hell silang nakita o maramdaman.
"Hayaan niyo na siya. Malaki na 'yon at kaya niya ang sarili niya." wika ni Princess at sumakay na sa kanyang motor.
"K." nasabi nalang ni Damon at sumakay narin sa kanyang motor.
SOMEONE
Haist. Bigla nalang silang nawala. Napakalakas nila, walang laban ang gang ko sa kanila. Nakakakilabot ang presensyang dala nila, halos hindi ako makagalaw kanina sa pwesto ko nang makita ko sila. At ang kanang kamay ng leader nila, nagkasalubong ang tingin namim kanina at sa tingin ko ay lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagtayuan. Kanang kamay palang iyon, paano pa kaya ang leader nila?
Nang matanaw ko ang aking kotse ay binilisan ko na lakad ko. Gusto ko na matulog. Malapit na ako nang biglang may lumitaw sa harap ko kaya hindi ko ito naiwasan at nabangga ko ito, muntik pa akong matumba.
"Ano ba?! Hindi ka ba nakatingin sa dinadaanan mo?" Inis na sambit ko.
Madilim ang paligid. Hindi ko siya napansin dahil nakasuot ito ng itim simula ulo hanggang sa sapatos. Nakajacket ito na may sobrang malaking hood na halos matakpan na ang buong mukha niya. What a weird outfit.
"You're the one who wasn't looking." Sa ikalawang pag-kakataon ay nag-sitayuan muli ang mga balahibo ko sa katawan.
The voice, it's so cold. Ngayon ko lang rin naramdaman ang presensya niya at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong pinagpawisan ng malamig. Napaatras ako ng wala sa oras. Kung sino man siya, he's dangerous. Wala siyang presensya kanina kaya nabangga ko ito pero ngayon.....
"You're Blade, right?" Nagulat ako sa biglang tanong nito.
"H- how did...." Hindi ko na ito tinuloy at sa halip ay inilabas ang aking blade.
"Easy," nakangising sabi nito. Iyan lang ang nakikita ko sa kanya. "I just want to talk."
Napakunot ang noo ka sinabi niya. Talk? Ha! "Who the hell are you?"
Lalo siyang napangisi kaya naging alerto ako. "Don't you remember me?" Lalong kumunot ang noo ko sa tanong niya. The fck? Pinaglalaruan niya ba ako?!
"You just said my name."
Huh?!
Bigla siyang gumalaw kaya inihanda ko ang sarili ko. May kinuha siya sa bulsa niya at isinuot iyon, a mask? Nagulat ako nang ibinaba niya ang kanyang hood at bumagsak ang mahaba niyang buhok.
A GIRL?*!
The fck?! Anong klaseng presensya ang meron siya para sa isang babae?! Pero hindi pa iyon ang mas ikinagulat ko. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan nang tanggalin niya ang kanyang itim na shades.
Her eyes....
She.... She's....
"I am Hell of Thanatós Twins. I know you already know me." Malamig niyang saad.
Napalunok ako ng sunod-sunod. Anong kailangan niya? Nandito ba siya para tapusin ako? Dahil hindi nila ako pinatay noong laban namin? Makes sense, dahil sabi-sabi noon ay walang nabuhay sa mga naging kalaban nila noon. Pero bakit.... Bigla siyang natawa na lalong napakilabot sa akin. Lupa, kainin mo na ako.
"Why so tense, Blade? Don't worry, wala akong balak na patayin ka." Sabi nito.
W- wala siyang balak na patayin ako... Wala... What?! TAGALOG?!
"Did you just..."
"I don't have time for that." She cut me off. "Now let's get straight to the point why am I here."
I gulped.
"Join us. Be my underling."
Silence.....
"W- what? Why? No way!" kinakabahang sagot ko.
Hindi ako makapaniwala. Tinitigan niya lang ako. Sh*t, that eyes. Alam kong maswerte akong tao dahil hindi pa ako patay at ngayon nasa harap ko siya at inaalok na maging under niya pero...
"Bakit? Bakit ako at ang gang ko?"
Tinignan naman niya ako ng seryoso. "Because I see potential. You and your gang, I can make you stronger." she said. Natahimik ako sandali.
"What if I refuse?" I asked.
"Then I don't have a choice but to kill you, tutal nakabaon ka na dapat ngayon." Nakangiting sambit niya.
Naistatwa ako sa sinabi niya. She's Hell. Alam kong hindi siya mag-aalangan na patayin ako. Ano ba 'tong pinasok ko.
"What is your answer, boy? I hate waiting." Malamig at seryoso niyang tanong.
"I... I...."
✂ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - ✂
At syempre isa parin akong reyna ng pambibitin 😂 sorry guys~
PERO MAY TANONG MUNA AKOOOOO!!! PLEASE ANSWER!!!
Nakikita niyo ba yong mga pictures sa past chapters?
BINABASA MO ANG
The Enigmatic Twins
Action[ SEQUEL ] Meet the twins. Don't worry they don't bite... . . . They just kill. - [ Highest Rank Achieved: #7 in ACTION ]