---
* loud siren playing *
"SHIT." mahinang sabi ni Blake sa kanyang sarili at mabilis na tumakbo. Wala siyang paki kung saan siya dadalin ng mga paa niya, kung saan-saan na siya nag-lululusot at nag-lililiko basta ang tanging nasa isip niya lang ngayon ay tumakbo at iligtas ang sarili.
Bigla naman siyang nakarinig ng malakas na pag-ungol at alam niya sa sarili niya na malapit lang ang pinagmulan ng ungol na iyon. Mas lumakas ang kabog ng dibdib niya at sinimulan niya ng tumakbo ng mas mabilis.
samantalang...
Napatigil naman sa pag-lalakad si Zyren nang marinig ang ungol na iyon. Huminga siya ng malalim at pinakiramdaman ang paligid. Hindi niya alam kung ano ang maaaring mangyari sa mga susunod kaya kailangan niyang maging alisto.
Nang maramdaman niyang siya lang ang tao sa paligid ay muli na siyang bumalik sa paglalakad ng tahimik. Hindi naman maiwasan ng binata na mapatingala habang nag-lalakad. Napatitig siya sa mga bituin at buwan na siyang tanging nag-bibigay liwanag sa madilim na dinaraanan niya. Muli siyang napabuntong hininga, "Maganda sanang mag-star gazing lalo na't ang daming bituin sa langit, but on the other thought, wag nalang. Baka ito pa ikadahilan ng pagkawala ko sa mundo." sabi nito sa sarili at ibinalik ang tingin sa daan.
*tssik*
Wala sa oras na napatigil siya sa pag-lalakad nang marinig niya ang ingay na iyon. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan at nagsimula ng kumabog ng malakas ang dibdib niya dahil pakiramdam niya ay hindi lang siya ang nasa lugar na iyon.
HINGAL NA HINGAL NA huminto sa pag-takbo si Jhonel at umupo sa ilalim ng malaking puno na nakita niya. Kanina pa siya takbo ng takbo para lang maiwasan ang kaninang mga humahabol sa kanya.
"Grabe, what is hell?" Hinihingal na tanong niya sa kanyang sarili.
Isinandal niya ang kanyang ulo sa puno at tumingin sa buwan sa itaas. Malalim parin ang bawat pag-hinga niya dahil sa ginawang pag-takbo. Ipinikit niya ang kanyang mata upang pakalmahin ang sarili at pinakiramdaman ang paligid. Dumilat siya at tumayo na muli nang maramdamang walang tao sa paligid.
'I can't stay like this. I am widely open everywhere.' ani niya sa isip at tinignan ang sarili. "Ang dumi ko na." naiiling na sabi niya at muling tumingala. Bigla namang may pumasok sa isip niya kaya agad siyang napangiti.
"Hindi naman siguro nila ako makikita sa taas kong 'to." sabi niya nang makaakyat sa taas ng puno. "Kahit sandali lang, I want to rest."
on the other hand...
"Where the heck are they?" Paul asked himself. Napabuntong hininga nalang siya at pinagpatuloy ang pag-lalakad. "I should have stayed inside the cave, pero hindi rin naman ako sigurado na ligtas nga ako sa loob non." He sighed, "Should I get back?" Napakamot nalang siya ng kanyang ulo dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin.
* AWWOO~ *
Binagalan naman ni Paul ang kanyang pag-lalakad nang marinig iyon. Kailangan niyang maging alerto, alam niyang malapit lang ang ungol na iyon. Kinakabahang pinunasan niya ang kanyang pawis sa noo at unti-unting binilisan ngunit walang tunog ang kanyang lakad.
* tssik *
'DAMN!' isip niya at huminto sa pag-lalakad. Nanlaki ang mata niya nang makita ang mga anino sa hindi kalayuan. 'SHIT! SHIT! SHIT! The're here!'
Binilisan niya ang tahimik na pag-lalakad habang nakayuko at pumunta sa likod ng isang malaking puno. Sumandal siya doon at nakiramdam sa paligid. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba. Pumikit siya para pakalmahin ang sarili, hindi ito ang tamang oras para mag-panic.
BINABASA MO ANG
The Enigmatic Twins
Action[ SEQUEL ] Meet the twins. Don't worry they don't bite... . . . They just kill. - [ Highest Rank Achieved: #7 in ACTION ]
