55 : The Horror

23.2K 615 86
                                        

Add me on FB: Genie WP (www.facebook.com/regenie.wp.9) 

Add me on FB: Genie WP (www.facebook.com/regenie.wp.9)




****


HINDI NA NAPIGILAN ni Diamond at tuluyan ng tumulo mga luha niya, "H- Heart...?"

"She's gone," Hell deadly says and smirked, "and you're next."

Tila tumigil ang pag-hinga ni Diamond at dahan-dahang itinaas ang tingin sa babaeng malademonyo ang ngisi sa kanya. Agad naman nanlamig ang dalaga at unti-unting binalot ng takot ang sarili.

Napatayo naman sa kinauupuan ang tatlong kaibigan ng kambal. Kinakabahan na pinapanood nila ang mga nangyayari at nagkatinginan, "Damn, she's unstoppable now." saad ni Jaren.

"I pray for their souls, hyung." Max said.

"Yeah."


TUMIGIL NAMAN SA pag-hinga ang mga manonood nang mag simula nang lumapit si Hell kay Diamond. Mabagal ang lakad nito ngunit dala ng mga lakad na iyon ang pagbilis ang mga tibok ng puso nila.

"DIAMOND!" sigaw ng Club at handa ng tumakbo papalapit sa dalaga ngunit sa isang iglap lang ay nasa harap niya na si Damon at sa isang kurapan ay naibalibag na siya nito sa lupa. "Ugh!" daing nito at hirap na umubo.

"I said don't interfere." seryosong sabi nito.

"Yahh!" sunod na sumugod si Spade at sunod-sunod itong pinaulanan ng suntok ngunit ni isa ay wala manlang tama kay Damon. "Sht!" mura nito nang tumama ang sipa ni Damon sa mukha niya. Napahawak ito sa ilong niya nang makaramdaman ng init dito.

Nginitian lang siya ni Damon kaya muli siyang sumugod at mas binilisan ang mga galaw. "I. WILL. KILL. YOU!" galit na sigaw nito.

Mahina namang natawa si Damon habang iniiwasan ang mga suntok at sipa nito, "Sorry but my twin said I should not get hurt." he says, "so I won't." and then he rapidly twisted his upper body and forcefully kick Spade on his head.

Nagulat si Spade sa galaw ng kalaban kaya hindi niya ito naiwasan at natagpuan ang sariling bagsak habang hawak ang kanyang ulo. Pakiramdamn niya nabasag ang bungo niya sa sipang iyon at hindi mahinto ang pag-ikot ng paningin niya. Hindi niya na napigilan dahil lalo itong pasakit ng pasakit kaya hindi niya maiwasang mapadapa at mapasigaw habang hawak ang ulo niya.

"A- Anong ginawa mo?" takot na tanong ng Club. Ibinalik nito ang tingin sa kaibigan na nagsisisigaw sa sakit habang hawak ang ulo niya, "anong ginawa mo?!" takot na sigaw nito.

"I just broke his skull." walang buhay na sagot nito.

Hindi naman makapaniwalang tinignan siya ni Club, "J- just?"

Walang buhay na tinignan ni Damon ang nahihirapan na si Spade, "hm, don't worry, his suffering will be end soon."

Napanga-nga naman ang Cub sa narinig at kahit nanginginig at takot na takot na ito ay ginawa niya parin ang lahat upang gumalaw at sumugod— napailing naman si Damon dahil dito. Walang hirap niyang iniiwasan ang mga binigibay nitong suntok. Hindi ito nag-iisip at basta-basta lang tumitira.

"How lame, inuubos mo ang lakas mo sa walang kwentang paghihiganti para sa mga kaibigan mo. Are you suicidal? Imbis na iligtas mo ang sarili mo ay inaalala mo pa ang mga kaibigan mo na alam mo namang wala ka ng pagasa para mailigtas." malamig na saad ni Damon na ikinahinto sa pag-suntok ng Club.

The Enigmatic TwinsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon