Twenty Three "Twins Eyes"

38.6K 1K 128
                                        

HELL

Naramdaman kong may pumasok nalang basta sa kwarto ko ng walang katok-katok. Napailing nalang ako at hinayaan siyang makalapit sa'kin. Presensya niya palang hindi ko na kailangan tignan kung sino ito.

Naramdaman kong umupo siya sa katabing upuan ko at tinignan ang ginagawa ko.

"What are you really planning, Hell?" She asked.

I just shrugged, at ipinag-patuloy ang pag-tatype. Kailangan kong higpitan ang security system ng computer ko. I can say that, that Samuel boy, hindi lang siya basta matalino. Pareho sila ng kapatid niya. Hindi ako dapat pakampante. Hindi pa ito ang oras para malaman nila kung sino ako. Not yet.

May tiwala ako kay Tita D. She's a former hacker of Sovrano Mafia, my dad's mafia. Siya na ang bahala sa mga files namin sa school. Sayang lang at umalis na siya sa mafia simula nung nabuntis siya, siya pa naman ang nag-turo sa'kin. Siya rin ang nag-pasok sa'min sa G.H. and yes, she's the current principal.

Final touch and then enter.

"Ahh, finally!" Ako at prenteng sumandal sa inuupuan ko.

Tumingin ako sa katabi ko. "Hey bitch, why are you here?"

Tinitigan niya ako at bumuntong hininga. Ano na namang nasa isip niya?

"Hey," tawag ko sa kanya. "It's fine. Don't worry, I'm just playin. And you, just go with the flow and enjoy it too." Sabi ko at tinapik siya sa braso tska tumayo.

Pabagsak akong humiga sa kama ko at pumikit. Yas! Bed! I miss you!

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. "I can't really read the both of you." Sabi niya.

I sighed. "I know so don't try. Mapapagod ka lang." I said.

"Aish! Bahala ka na nga. And by the way, bitch, I miss seeing those eyes. " Siya at naramdaman kong umalis na siya.

Dumilat ako at tinitigan ang puting kisame ng kwarto ko. My eyes? Napailing nalang ako at muling pumikit hanggang sa makatulog na ako.

~ • ~

Nagising ako dahil sa pambubulabog ng kakambal ko. Umagang umaga nahagisan ko tuloy siya ng dagger.

"Bilisan mo sis, sabay ka na sa'min." Rinig kong sigaw niya.

Pinatay ko na ang shower at nag-punas. Dumeretso ako sa walk-in closet ko at sinuot ang uniform. Tinatamad akong mag-ayos kaya nag-suot lang ako ng itim na shirt na may print na middle finger sa gitna tsaka ipinatong ang white polo uniform ng school. Hindi narin ako nag abalang mag-suot ng neck-tie. Black socks at simpleng high-cut converse lang ang suot ko. Okay na yan.

Lumabas na ako sa closet ko at umupo sa harap ng salamin. Babae parin naman ako kahit papaano at ayokong lumalabas ng basa ang buhok ko kaya kailangan ko pa iyong i-blower. Bigla naman akong napatingin sa salaming kaharap ko.

Minsan lang ako tumingin sa sarili kong repleksyon pero hindi ko maiwasang titigan ang sarili ko ngayon.

"I miss seeing those eyes."

My eyes. My eyes are not normal. I actually love my eyes specially because it's my favorite color but still... I tried. I tried showing it in public but, ayoko ng mga naririnig ko noon. Ever since that day, lagi na akong nakasuot ng contact lens.

The Enigmatic TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon