UNANG YUGTO: STEP ON HIM

242 6 0
                                    

"ROOOOSEEEELLLLEEEEE!!!!" Sigaw ng babaeng hindi matae sa skirt sa akin. Emeecho ang boses niya sa hallway. Umagang-umaga, nambubulabog na. "ROSELLE!!! HUUUY!" Sigaw niya ulit habang humihikahos na tumatakbo para habulin ako.

Hindi ko sana papansinin dahil nakakahiya lang. Baka sabihin nila, kilala ko yung nagwawalang yun.

Nakakailang hakbang pa lang ako pero agad na niya ako nahawakan sa balikat kaya napatigil ako sa paglalakad.

Nilingon ko siya at mukha siyang tumakbo ng sampung beses sa oval sa hitsura niyang pawis na pawis at sabog na buhok.

"Uso mag suklay..." Sabi ko sa kaniya.

Hinahabol pa niya ang hininga niya ng sumagot siya sa akin. "Good morning, ganda ng greetings mo sa akin ha. Nagpahabol ka pa kasi eh!" Anya niya.

"Nagpahabol? Kelan? Naglalakad lang ako, Lyka (=___=)...." Sabi ko naman.

Napanguso siya at inirapan ako. "Ha.ha. Funny. So funny."

Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon.

"Tara na nga! Nasa room na si Irish eh!" Sabi pa niya sabay hila sa akin. Eto naman ako, nagpatihila sa kaniya papunta sa classroom.

Pagdating namin ay nakita namin si Irish na kausap si Miko. At hindi napansin ang pagpasok namin sa classroom. Parang may sarili silang mundo eh.

"Dito na lang ako, baka langgamin ako eh." Ani ko habang nakaturo dun sa upuan ng teacher namin. Nilapag ko lang ang bag ko sa upuan ko talaga at saka pumwesto na may dalang libro sa teacher's table.

Tumungo naman si Lyka at umupo na sa desk niya. Pinili na lang din niya manahimik dahil baka makaistorbo pa siya sa dalawang love birds na hindi pa din nag aaminan. (=___=)

Papaupo na sana ako ng may bigla akong natapakan.

WTH?!

"Ouch!" Biglang daing nung tao--tao?! Sa ilalim ng table? "Watch where you're going!" Yamot na sigaw niya sa akin.

Sumilip ako sa ilalim ng table at nakita ko si Darwin na nakahiga doon at nakatakip ang sumbrero sa mukha niya.

"Sorry?" Sabi ko naman. "Bakit ba kasi nandiyan ka?" Bakit ba nasa ilalim siya ng lamesa?

Inalis niya ang sumbrero sa mukha niya at nakita ko ang nakasalubong na makapal niyang kilay.

"The hell you care?" Pagtataray niya. Lakas maka-ingles. Palibhasa, half American.

"Why so grumpy, early in the morning?" Tanong ko ulit. Init ng ulo ah. Balik ko din pagtataray niya. Hindi ako magpapaubra no!

"Why do you care? Leave me alone!" Hasik pa niya. Laki ng pinagdadaanan mo uy! Galit sa mundo?

"I'm just asking. It's not like I really care." Sagot ko naman. Talaga naman eh.

"Shut the hell up!" Sigaw niya. Napatingin na sa amin sina Lyka,  Miko at Irish.

Pinandilatan ko lang siya ng mata at tumayo na lang ako at umalis doon. Imbyerna tong si Darwin, tinatanong ng maayos, nagsusungit. Haist!

________________________________________________

A/N:

LEE HYERI as Roselle---->>>>>

Hello guys!!! new story na naman! pasensya na kung medyo na delay ang pag upload ko ng first chapter nito! may inuna pa kasi akong story na ginawa.

APRIL GOT FOOLED DAY (ONE SHOT) hope you read it. bigla na lang nag pop yung idea sa utak ko MARCH 31 so bago mag APRIL 1, Perfect timing, natapos ko kaagad. LOLS.

Now I got some time... so here it is!

ENJOY!

Medyo matatagalan lang ako sa pag update pa ng ibang stories dahil I bet, I'm gonna be busy starting on Saturday this week... coz... tenenenen... I GOT A JOB!!! YEEEEY!!!

*Hoooraaay!*

Anyways, I'll do my bet to finish this story ASAP.

More than 15 chapters ito but less than 20...

PLEASE VOMMENT ~<3

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon