IKA-WALONG YUGTO: SATISFIED

100 3 0
                                    

"Congratulations! Batch 20**!!!!"

Sabay-sabay nag siliparan sa ere ang mga graduation caps pagkatapos ng huling salita ng aming principal.

May mga nag-yakapan, nag-iyakan, nag sigawan na magkikita pa sila kahit nasa kolehiyo na.

This is it. Panibagong stage sa aming buhay ang muli na namin susuuingin.

"Congratulations, anak, we're so proud of you." Sabi sa akin ni Mommy. Niyakap niya ako. Gayun din si Daddy na sa likod naman ako niyakap.

"Thanks Mom, Thanks Dad." Sabi ko. Akala ko nung lumipat ako sa school na 'to nung third year ako, mahihirapan ako, pero 'akala' lang pala yun lahat. Isa ako sa mga honorable mention ng batch at best in journalism pa ako.

"Sure ka ba na gusto mo i-pursue ang journalism mo?" Tanong sa akin ni Daddy.

Tumungo ako. Ayun ang pangarap ko. Maging isang magaling na manunulat.

"Okay, susuportahan ka namin."

"Waaaaah!!!! Roselle!!!" Ambang na sigaw at yakap ni Lyka sa akin. Umiiyak ito.

Natawa tuloy ako. "Para kang sira."

Napanguso ito, yung hilig niyang gawin. "Ma-mimiss ko kasi yung kasungitan mo, yung pambabara mo sa akin eh! Waaaaah!!! Roselle! Sa school ko na lang ikaw pumasok, please?"

Umiling ako. "Di pwede. May napili na akong university. Doon maganda kumuha ng journalism eh."

"Awww.... Ganun?" Kunwari'y nagtatampo siya pero maya-maya lang ay bigla na naman niya ako niyakap. "Huhuntingin kita!"

Tumawa lang ako. "Alam ko na yun. Hindi ka basta basta sumusuko eh."

Sabay lang kami nagtawanan. Napatigil kami ng biglang mahagip ng mga mata namin sina Irish at Miko. Umiiyak pero nakangiti si Irish. Si Miko naman, parang hindi mawari ang reaksyon...

"Inamin na ni Irish ang nararamdaman niya kay Miko." Biglang sabi ni Lyka. "Pero, sinabi niya lang ang nararamdaman niya para mabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa puso niya. Kawawa nga siya dahil pinaasa siya ni Miko."

"Wala na siyang balak mag habol ano? Dahil si Miko at Jessica na?" Tanong ko naman.

Tumungo si Lyka at suminghay. "Ganun na nga. I wonder kung may chance pa silang dalawa sa future? Haaaay... Grabeng pag-ibig, nakakapwerwisyo..." Binalingan niya ako bigla. "Eh kayo ni Darwin? Anung status niyo?"

"Wala..." Sagot ko kaagad.

"Ha? Pwede ba yun? Kahit M.U wala?"

Umiling ako. Oo, alam na namin ang nararamdaman namin para sa isa't-isa, pero ni-isa sa amin ay walang may balak magsalita sa kung anong meron kami.

"Ay jusko naman! Bahala kayong dalawa ni Darwin! Tatanda kayong dalaga at binata kung palalagpasin niyo ito!"

"Sapat na sa akin na alam niya ang nararamdaman ko para sa kaniya. Bonus pa nga yung gusto niya din ako eh." Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti.

Malumanay na tiningnan ako ni Lyka at saka siya bumuntong-hininga. "Sigurado ka ba? Hindi mo pag sisisihan?"

Nagkibit-balikat lang ako. Ewan ko.

Sa ngayon kasi, kuntento na ako.

***

Roselle and Lyka on the side---->>>

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon