*** PART 1 ***
“Gaano katagal na bang hindi ka nagbabago ng hairstyle, Ma’am Rose?” tanong sa akin ni Mary. Hindi ko na lang siya pinapansin dahil abala ako sa pagbasa ng magazine na hawak ko. Arrghh, ang init at ang hapdi naman sa anit nito!
“Since mga high school student pa lang kami, ganyan na lagi ang buhok niyan. Maiksi.” Sagot naman ni Irish.
“Laging straight, walang style…” sunod na sabi naman ni Lyka. Agad ko silang pinatawagan kay Mary para tulungan ako. Buti na lamang ay available si Lyka at walang flight gayundin si Irish na kasama pala niya At parang sinasadya ng pagkakataon na nasa malapit lang siya ng tinawagan ko.
“Eh? Bakit kayong dalawa ni Ma’am Lyka, magaganda, maayos ang hitsura?” tanong pa ni Mary. Kung hindi lang nakapasok itong ulo ko sa ilalim nitong parang steamer eh inupakan ko na yan eh.
“Tapos ka na, Mary? Isa pang salita, ipapatapon kita kay Morris.” Tudya ko.
Nakita ko naman sa salamin kung paano nanlaki ang mata niya. “Waaaaah! Ma’am Rose! Maawa ka sa akin! Huwag mo ako dalhin dun sa impyernong yun!!!”
Napailing na lang ako. Sa lahat ng mga editors, si Morris ang pinaka-ayaw ng lahat. Aside sa terror ito… terrorista daw talaga ‘to in a way na papasabugin niya ang buong pagkatao mo sa mga trabahong ibabato niya sayo. Usap-usapan lang naman yun sa kumpanya. Hindi ko naman alam kung totoo ba yun o hindi dahil never ko pa nakasama sa trabaho yun.
Lumipas pa ang kalahating oras, binanlawan na nila ang ulo ko at pinatuyo. Maya-maya pa ay may kung ano silang kinakabit sa buhok ko.
“Lagyan kita ng extension, para ma-iba naman.” Sabi nung babaeng parlorista. Tumungo na lang ako. Bahala na.
Pagkatapos gawin ang buhok ko ay pinalipat kami ng kwarto.
“Mga ineng!!! Ay este—Mga dyosa ng kagandahan!!!!” bati sa amin nung baklang sumalubong sa amin. Kumekembot pa siya habang palapit sa amin at binesohan si Lyka. Parang pamilyar siya sa akin. Hmmmm…
“Kamusta na, Buttercup?” tanong ni Lyka. Ah! Naalala ko na! nung JS prom!
“Okay naman, dear!” sagot nito. Ngumiti siya at tiningnan kaming lahat. Ng mapatingin siya sa akin ay agad niya ako nilapitan at niyakap. “Grabe! Ang lalaki niyo na! dalagang-dalaga na kayo!!! Parang kelan lang, inaayusan ko pa kayo para sa PROM niyo. Lalo ka na girl! Naalala ko pa na prinessure ako nitong si Lyka na pagandahin ka para sa isang guy! Ano nga ba name nun? Ah-Ah—Ah! Darwin! Darwin yung name nung guy na yun di ba?”
Tumawa lang si Lyka at Irish, samantalang hindi na maipinta ang mukha ko. Lalo na’t sa pangalawang pagkakataon ay mauulit na naman yung noon.
“Actually Buttercup, that’s the reason why we’re here.” Entra na ni Irish. “We want you to work you magic again on her.” Sabay turo sa akin.
“Oh, why? Sino naman this time?” tanong niya.
“It’s still the same guy.” Nakangiting sagot ni Lyka.
“Ano?!!!!” Sigaw ni Buttercup. Napatakip kami ng tenga lahat. “Hindi tumalab yung kagandahan mo nun?! Walang nangyari? Naman! Bulag ata yang lalaki na yan eh! Baka naman panget siya?!”
“Naku, sobrang gwapo nga yun—“
“Tama ka diyan, Buttercup. Bulag nga yun at ang pangit, sobra.” Hindi ko pinatuloy ang sasabihin ni Mary, baka kung ano na naman ang masabi niya eh. Mahirap na.
“Eh bakit nandito ka pa? Huwag mo nang pag-aksayahan yun kung ganun naman pala?”
Umiling ako. “I need to. I have to. Kaya, i-magic mo na ang pagmumukha ko tulad nung dati. This time, I’ll make sure that I won’t fail and he can’t resist me again.”
“Ayun oh… heavy line!” kumento ni Mary at sabay sabay naman silang nagtawanang apat.
Anong nakakatawa sa sinabi ko?
***
BINABASA MO ANG
Rose
RomanceSecond chances doesn't always mean a happy ending... maybe, it's a chance to end things right...and start a new beginning... A story of a girl that never believed in love until she, herself fell for it. The catch is, He is in love with somebody else...