IKALAWANG YUGTO: NAGKABANGGAAN

164 2 0
                                    

Pero hindi ko sukat akalain na... Sa pagsusungit niyang yun ay... Magugustuhan ko pala siya... Love is so unpredictable.

"Sino crush mo?" Tanong ni Lyka kay Irish. Third year in high school na kami ngayon. Malapit na matapos ang school year. Ngayong taon lang ako pumasok sa school na 'to at masasabi kong okay naman ang lahat.

Namula ang maputing mukha ni Irish. "Alam niyo na yun..." Nahihiyang sambit niya.

Napailing na lang ako. Alam naman talaga ni Lyka kung sino pero patanong-tanong pa. What's the use of asking anyway?

"Gusto ko lang iconfirm. Si Miko di ba?" Biglang nanlaki ang mata ni Irish at pakunwa'y tumungo na din.

Ngumiti ng pakalapad-lapad si Lyka. Chismosang babae. "Ikaw naman, Roselle?" Tanong niya sa akin saka ako nilingon.

"Wala." Simpleng sagot ko habang abala ako sa pagbabasa habang naglalakad.

Maya-maya pa ay bigla na lang ako bumangga sa isang matigas na pader, nalaglag ang libro na binabasa ko.

Akmang pupulutin ko ng may isang kamay na ang umabot at kinuha ito.

Napatingin ako sa pumulot.

A pair of light brown eyes, chiseled nose, thick eyebrows, black with a hint of brown streaks in his hair and white complexion same as snow white...

"Darwin..." Sambit ko. Bigla akong kinabahan. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Pakiramdam ko, nagpapalpitate ako. Siya pala ang nabangga ko. Hindi pala pader.

Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam... Pero sa tuwing kaharap o malapit si Darwin sa akin ay parang sasabog ang damdamin ko sa kakaibang sensayson na dulot niya.

"You should watch where you're going next time. You can get into serious accident if you keep this kind of habit." Seryosong sabi niya sa akin. Napakurap ako. Ito ang unang beses na kinausap niya ako ng hindi galit o pa-singhal.

Ewan ko ba kung bakit, pero imbes na ang dating niya sa akin ay pinagsasabihan niya ako, pakiramdam ko, concern siya sa akin?

Roselle, ano ba yang pinag-iisip mo?

"T-Thank you...And… Sorry na din…" Nahihiyang sabi ko. Nagpamulsa na siya at nilampasan ako.

Nakatingin pa din ako sa libro na inabot niya. Para akong kinapos ng hininga habang kausap ko siya.

Kung dati ay kulang na lang, mag rambol kaming dalawa sa pag-aaway at pagsusumbatan, pero ngayon, hindi ko na magawang sagut-sagutin siya at hindi ko na sinasabayan ang init ng ulo niya. Pakiramdam ko, bumait ako sa kaniya. Bakit?

Nagugustuhan ko na ba siya?

Imposible yun dahil hindi siya ang tipo kong lalaki.

At higit sa lahat, wala akong interes sa tulad niya...

Dahil... Man-hater ako. At may nagugustuhan na siya...

__________________________________________________

LEE HYUN JAE as Darwin---->>>

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon