IKALABING-WALONG YUGTO: A SECOND CHANCE

103 2 0
                                    

“What?! Si Darwin, Si Dj? Oh my god!!!” Hiyaw ni Lyka nang maikwento ko ang nangyari sa album launch. Sinimulan ko ang pag kwento mula ng kausapin ako ni Sir Vasquez tungkol sa trabaho na yun, sa interview namin hanggang sa habulan moment namin ni Darwin.

Agad ko silang tinawagan, Sina Lyka, Irish, Adrian at Luke para sabihin ‘to. Buti na lamang ay available silang lahat kaya nagkita-kita kaming lahat sa coffee shop na lagi naming tinatambayan.

Pumunta agad sila kasi ito daw ang unang beses na ako ang nagyaya na magkita kami. Kaya hindi na sila nagtanong kung bakit ko sila pinatawag, basta pumunta na lang daw sila.

Hindi ko alam kung bakit habang nagkwekwento ako ay nagniningning ang mga mata ni Lyka. Marahil kinikilig siya, pero bakit siya kinikilig? May kaka-kilig ba sa nangyari sa akin?

“Anong ginawa mo?” tanong sa akin ni Irish. Nililigawan na pala siya ni Miko. Hanggang dulo, sila pa din pala ang magkakatuluyan. Oh, speaking of Miko, kasama din pala naming siya ngayon. Masaya ako para sa kanila, dahil simula pa lang alam ko na kung paano nabuo ang istorya nilang dalawa. Naging mahirap sa una dahil si Miko, takot sa commitment at takot siya pag masira ang pagkakaibigan nila ni Irish kaya napili niyang umibig na lang ng iba when in fact, she already owns his heart.

Anyway, sana magtagal sila dahil alam kong para sila sa isa’t-isa. Perfect match.

“Wala” sagot ko.

“Sagot ba yan?” singit naman ni Adrian. “Wala kang ginawa? As in? di nga?”

Napasinghay ako. “Okay, Tinarayan ko siya.”

“That’s what I’m talking about. Di ka pa din nagbabago, Roselle!” ani pa ni Adrian. Binato ko nga ng crumpled tissue. Nang-aasar pa kasi eh. “Ano ba! Bakit mo ako binato?—Alam mo kung parati kang ganyan, tatanda kang dalaga! Choosy mo uy!” Nag-make face na lang ako sa sinabi niya.

“Ano bang sinabi niya sayo at tinarayan mo siya?” bawi ni Lyka ng kumalma siya. Buti naman tumigil na siya sa pag impit ng tili at pag talon.

Napayuko ako at parang uminit ang pisngi. Nakakahiya sabihin pero kailangan ko nang tulong nila dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko eh.

“Sabi niya…” nahihiyang sambit ko.  “He wants me back…”

Napatili si Lyka at nagtatalon na naman. Hinila naman siya nila Luke at Miko paupo dahil nakakakuha na siya ng atensyon mula sa mga customers sa loob ng coffee shop.

“Eh, ano sagot mo?” tanong ni Irish. Hindi na makatanong si Lyka dahil para na siyang nasiraan ng bait kakatawa.

“Hindi ako pumayag—araaay! Adrian!” napahiyaw ako dahil bigla ako binatukan ni Adrian. Anong problema niya?!

“Tanga ka ba? Bakit di ka pumayag? Alam mo naman—nating lahat na gusto mo pa din siya? sabi niya sa akin.

Napakunot ako ng noo. “Ha? Gusto ko siya? sino nagsabi sayo yan?”

Napsinghay siya at napahilot sa ulo niya. “Ewan ko sayo, Roselle. Matalino ka naman pero sarili mong nararamdaman, hindi mo alam?”

“Get straight to the point, Adrian. (=___= +)”

“Hindi ka naman magpapaka-bitter sa kaniya kung wala ka nang nararamdaman di ba? Hindi ka ma-aapektuhan ng sobra kung hindi mo na siya gusto!”

“Uso ang Forgive and Forget” singit ni Irish.

“Nagpaliwanag ba siya? pinakinggan mo?” tanong sa akin ni Luke.

“Magpapaliwanag sana siya kaso ayaw ko marinig ang ano mang sasabihin niya.” Matigas na saad ko.

“Haaaay, nagpaka- tengang kawali ka na naman!!!” Ani ni Adrian. May tonong pagka-irita sa kaniyang boses.

“If I were you, You should have listened to him. Kilala mo si Darwin—Kilala nating lahat yung tao na yun and we all know that, hindi siya gaanong palasalita—the right term is, tamad siya magsalita. He doesn’t like explaining himself but he was willing to do it just for you.” Wika naman ni Miko. Para naman akong nakadama ng pagkahabag.

Umiling na lang si Luke at uminom ng kape. “Sa tingin mo, tama yung ginawa mo?”

Tiningnan ko lang siya. seriously? Itatanong niya talaga sa akin yan? “Oo…”

“Don’t you think, he has the right to explain himself? Nakaraan na yun, Roselle. Everybody deserves a second chance.This time, napatingin na ako kay Lyka na seryoso na ang mukha niya.

“What makes you say that? Bakit? Kayo ba ang nasaktan noon? Kayo ba ang nakaranas mabigo sa pag-ibig? Hindi naman di ba? Kasi kung kayo ang nasa lugar ko ngayon, hindi niyo sasabihin ang mga salitang yan. There would be no explanation—neither second chances…” matapang na sagot ko sa kanila.

Sabay-sabay silang natahimik at hindi umimik.

Napasobra ata ako sa mga sinabi ko. Haist. “I’m sorry guys…” sambit ko.

Umiling lang si Irish at marahang ngumiti. “Okay lang Roselle. Kami dapat ang mag-sorry sayo dahil we didn’t even consider your feelings on suggesting things that you should do…”

“Yeah, sorry Roselle.” Sunod na sabi ni Lyka. Lumipat siya ng upuan at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. “Last question na talaga, sigurado ka ba na tama ang naging desisyon mo? Hahayaan mo na lang ba siya mawala ulit sayo?”

Binuka ko ang bibig ko pero walang salitang lumabas. Tila napako ako at napaisip sa huling tanong ni Lyka sa akin.

Tama ba ang naging desisyon ko?

Tama ba na hindi ko siya pagbigyan magpaliwanag?

Tama ba na huwag ko siyang pakinggan?

Hahayaan ko na lang ba mawala siya sa akin?

Hahayaan ko na lang ba na galit ang manguna sa akin?

Hahayaan ko na lang ba…sa pangalawang pagkakataon ay mabiyak na naman ang puso ko?

Mabiyak? Does it mean… I still love him?

All this time… the feeling of emptiness within me is actually, the fact of missing him.

Buong pag-aakala ko kasi, darating din ang panahon na makakalimutan ko siya.

Pero nang marinig ko pa lamang ang boses niya nung araw na yun ay nanumbalik ang lahat.

Galit… Sakit… hinagpis… kakulangan—pati pagmamahal ko sa kaniya tulad noong mga panahon na nasa high school pa kami, lahat bumalik.

Sa mga sinabi ng aking mga kaibigan ngayon ay may napagtanto ako—may na initindihan ako.

Na ang lahat ng tao ay may karapatan bigyan ng pangalawang pagkakataon. Especially when they really deserve that chance.

***

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon