IKALABING-SIYAM NA YUGTO: SEVEN BASKETS OF ROSES

103 2 0
                                    

…Sometimes you need a second chance because time wasn’t ready for the first time…

“The Editor-in-Chief of Star Magazine is very pleased with your work, Roselle. Good job…” puri ni Sir Vasquez sa akin pagkadating ko sa opisina niya.

Napangiti ako. “Thank you Sir.” Salamat naman at nagustuhan niya ang gawa ko kahit hindi ko na-interview si Darwin ng araw ng Album Launch niya.

Tumayo siya at lumapit sa akin. “As expected, you really have what it takes… say… do you want to be a Managing Editor now?”

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. “Managing Editor?” yung sunod na position after Editorial-in-Chief?

“Yes. Don’t you want to help me decide content of the issue everytime?. Designs overall layout, and section layouts with other section editors? Don’t you want that kind of job?”

Oh. My. God.

“O-Ofcourse Sir! I want it!” mabilis na sagot ko. One step away ako sa pangarap ko kapag nagkataon. “B-But… Sigurado po ba kayo na ibibigay niyo po sa akin ang posisyon na yan?” I mean, parang ang bilis lang! hindi talaga ako makapaniwala! Managing Editor na agad? Oh my gosh! Really!

Tumawa siya bigla at tinapik ako sa balikat. Close kami ni Sir Vasquez dahil naging professor ko siya nung college, mentor ko naman ngayon. He’s 50 years old but young and so alive. Very active siya and you can see his passion in this field. Kaya sobrang idol ko siya eh. Sa kaniya ako tumitingala.

“Why not, Roselle? Don’t tell me, you’re questioning your own skills?”

Umiling ako. “H-hindi naman po sa ganun! It’s just that—Ah…I don’t know Sir…” nahihiyang napayuko ako.

Tumawa siya ulit at nilipat ang kamay niyang nasa balikat ko papunta sa ulo ko at ginulo ang maiksi at plantsado kong buhok.

“You deserve this chance, Roselle. You have the talent and I won’t let you waste it.” Pagkatapos niyang guluhin ang buhok ko ay bumalik na siya sa working desk niya at may kinuhang folder at inabot sa akin ‘to. “Complete those requirements, and I’ll see you again on the day of your promotionary interview.”

Nakatulala lang ako habang hawak-hawak ko ang folder na inabot niya sa akin at lumabas ako ng opisina niya na lutang.

Totoo na ba talaga ‘to?

Pagdating ko sa opisina ko ay naabutan ko ang tambak na trabaho sa lamesa ko. Nandun na din si Mary na abalang inaayos ang nagkalat na drafts mula sa mga columnist ko.

Napansin niya ang pagdating ko kaya agad niya ako nilapitan.

“Ma’am Rose!!!” Sigaw niya. Parang kuneho na patalon-talon siyang lumapit sa akin.

“Oh? What wrong? Easter na ba at may easter bunny na ako dito? Where’s your bunny ears?” biro ko. Sa lahat ng mga binibiro ko, Si Mary lang ang laging may reaction. Kasi kapag sina Adrian, Lyka o Luke ang binibiro ko, wala silang ni-isang reaksyon. Poker faced lang. Hindi ba nakakatawa ang hirit ko?

“Ma’am naman eh!” parang batang maktol niya sa harapan ko. Dumeretso na lang ako sa desk ko habang nakasunod siya sa likod ko. “By the way Ma’am Rose, may delivery po kayo.”

Ah, baka yung hinihingi ko kay Gabriel nun.

Tumingin ako sa lamesa pero wala akong nakitang box o anino man ng c.d o ano.

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon