IKADALAWAMPUNG YUGTO: HILING NA PAGKAKATAON

103 0 0
                                    

*** Part 2 ***

Napag-desisyunan ko na sa bahay na lang papuntahin si Darwin.

“Oh! Anak! Nandito ka na pala!” bati sa akin ni Mommy ng dumating kami nila Lyka, Irish at Mary. “Aba, may mga kasama ka pa palang friends! Hi, Irish and Lyka! Long time no see! Hello Mary! Ang liit mo pa din! Sigurado ka bang iniinom mo yung cherifer na binigay ko sayo?”

Tumawa sina Irish at Lyka dahil pinagtripan na naman ni Mommy si Mary. Laging ganyan ang senaryo kapag napapadpad dito si Mary sa amin. Laging inaasar ni Mommy dahil nakakatuwa daw yung assistant ko.

Tumuloy na ako sa bahay para puntahan si Daddy na tahimik na nagkakape.

“Hi Daddy.” Bati ko. Hinalikan ko siya sa pisngi.

“Oh! Dito ka na pala, Roselle…” sabi niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Anong meron at ganyan ang ayos mo ngayon? Himala, may-igaganda ka pa pala.” Nag poker face lang ako sa sinabi niya. Kung anong lakas ng trip ni Mommy ay gayun din si Daddy. Buti na lang ay hindi ako nagmana sa kanila.

“Naku, Uncle, may date yang si Roselle.” Sabi ni Lyka.

“Date? Sino?” tanong ni Mommy.

*honk*honk*honk*

Dinig namin ang busina ng sasakyan niya sa labas.

“Nandyan na po ang ka-date niya.” Sabi ni Mary.

“Ang bilis ah.” Ani naman ni Irish.

Bigla akong kinabahan. Waaaaah… nagpapanic yung mga internal organs ko.

“Aba’t papasukin niyo muna yung tao.” Sabi ni Mommy. “Manang!!! Pakibukas naman yung gate oh!”

“T-Teka, Mommy, no need na. aalis din naman kami kaagad…” sabat ko.

“Oy, Roselle, mahiya ka naman sa bisita kung hindi mo muna papatuluyin sa bahay natin.”sabi niya sa akin.

“Eh, hindi naman kailangan papasukin yung tao dito—“

“Hep! Tama na! no more reasoning Miss Morales.” Pigil sa akin ni Mommy. Hindi na ako nakasagot pa kaya umupo na lang ako sa sofa. Tumabi na sa akin sina Lyka, Irish at Mary.

“Wala ka pa lang panama kay Tita eh…” bulong sa akin ni Lyka. Inirapan ko na lang. Bahala na. Bahala na talaga. Basta kapag nag-iskandalo si Mommy, wala akong gagawin I’m outta here!

Ilang segundo lang ang lumipas akala mo parang naging isang oras sa sobrang tagal. Everyone is anticipating his arrival (except me coz I really don’t care—di nga?). Kahit si Mary na nakapirming nakaupo ay parang baliw kung ngumiti. Abot-tenga.

At parang nag slow-motion ang lahat ng bigla siyang pumasok sa loob ng bahay ng may nakakalaglag-salawal na ngiti sa kaniyang mukha.

Napasinghap ako at tila na-amazed sa kaniya. Hah. Lakas talaga ng dating nitong lalaki na 'to. (=___=). seriously.

Kita ko kung paano nalaglag ang mga panga nila Mommy, Mary, Lyka at Irish. Lumuwa naman ang mata ni Daddy. Habang ako naman ay nakahalukipkip lang at kalmadong nakaupo sa sofa at napapailing na lang. Haaaay, sinasabi ko na nga ba.

“Good Afternoon—po”magalang na bati ni Darwin kay Mommy.

Napatingala si Mommy at parang na-starstruck ng sobra. “G-Good Afternoon, you speak tagalog?”

Tumungo lang si Darwin at ngumiti. Kita ko naman na halos manlambot na ang tuhod ni Mommy. Kaloka, kung kelan tumanda, ngayon pa nagkaroon ng teenage raging hormones.

Tumayo si Mary at Lyka at hinarangan ang view ko. Kainis. Ang ganda na eh. (=___=)

“Oh my god, totoo nga! Ikaw nga si Darwin! Yung classmate namin na mahilig sa Sudoku at crossword puzzle!” sabi ni Lyka. Saka lang siya napansin nito. Sudoku? Crossword puzzle? Naalala pa talaga niya yun?

“Hey! Is that you, Lyka? Oh my god. Long time no see… you look different now. I must say, you become more pretty” puri nito sa kaniya at nagningning naman ang mga mata niya.

Pahapyaw na hinaplos ni Lyka ang balikat nito at dibdib. Libre chansing ah. Ayos.

“Oh my, thank you for the compliment! You look hotter now, Darwin…” kinindatan niya pa. Ayos talaga. Dumadamoves. Nandito pa ako.

“Hi Sir Darwin!!!” bati naman ni Mary.

“Hello, Mary. Looking good huh.”

“Yes—oh! Thank you, Sir!” namumulang sagot niya.

Aba naman, simula ng dumating siya, hindi na ako pinansin. Ganyanan na talaga. Bahala siya.

“What’s your name hijo?” tanong ni Mommy sa kaniya.

“Darwin Jackson Ma’am…” magalang na sagot naman niya.

“Ma’am? No, don’t call me that. Please, call me Auntie or if you want, Mommy…” Napasapo naman na ako sa ulo. REAAAALLLLY??? “I heard you have a date with my daughter?”

“Yes—”

Napatayo na ako. “Anong date?! Hoy, Darwin, mag-uusap lang tayo! Date na kaagad?!” singhal ko.

Nanlaki ang mata niya ng makita ako. “R-Roselle???” sambit niya. Parang hindi pa siya sigurado kung ako talaga ‘to.

“Uh-huh… maliban na lang kung may iba kang Roselle na kakilala…” sagot ko.

Hindi siya makasalita sa harapan ko. nangyari sa kaniya? Na-stuck ata.

“Ahahaha. Galing talaga ni Buttercup. Malakas ang magic! Tingan mo, speechless si Darwin.” Bulong ni Lyka kay Irish pero dinig ko naman.

Magic ni Buttercup? Wala akong ma-say. Magic talaga siya. after niya ako ayusan, hindi ko nga nakilala ang sarili ko eh. Nilagyan nila ng extension ang buhok ko tapos medyo wavy ang style. Itinali niya sa ponytail na may nakalaglag na iilang hibla sa mukha ko. Simple lang din ang make-up ko pero fierce. Tapos yung pinasuot sa akin ni Lyka na damit, di ko alam kung kinulang ba sa tela o ano, sobrang ikli. Kulay puti na polo, maiksing skirt at ang heels… KILLER…. Madapa-dapa ako kanina. Binato ko na nga yung sapatos na yun sa inis pero pinasuot nila sa akin ulit. Ganun naman daw talaga. TIIS-GANDA daw.

“We’re just going to talk. That’s what I’m gonna say.” Palusot niya ng makabawi. Wow, It took him 3 minutes and 53 seconds to snap out of it. Binilang talaga eh noh?

“Buti. Hala, tara na ng hindi tayo gabihin.” Sabi ko.

“Why? Do you have curfew?”

“Naku, Darwin, she doesn’t have any curfew. Kung gusto mo, huwag mo na siya iuwi eh. Itanan mo na.” singit ni Mommy.

“Mom!!!” sigaw ko. grabe, lubog na ako sa hiya dito oh. Idagdag mo pa ang malulutong na bungisngis nina Lyka, Mary at Irish.

***

A/N:

waaaaah! I'm so inlove with this guy ( ^ ////// ^ ) ---->>>

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon