IKALABING-APAT NA YUGTO: BITTERNESS AND EMPTINESS

96 3 0
                                    

"May high school reunion tayo guys..." Anunsyo ni Lyka sa amin. Kumpleto ang barkada. Nandito sina Irish, Adrian at Luke.

Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Lyka dahil abala ako sa panunuod ng mga song covers ni Dj sa youtube. Gusto ko muna pag-aralan at malaman yung malalim na dahilan kung bakit ang daming nahumaling sa kaniya.

"Uulitin ko, may high school reunion tayo sa friday next week kaya aattend tayong lahat." Sabi ulit ni Lyka.

"Naku, hindi ako pwede nun! May pasok ako." Sabi ni Irish. Sobrang workaholic nga niya. Mana sa akin.

"Ako din, may ginagawa akong column ngayon" sabi ko naman. Hindi pa nga ako nakakapag-simula eh.

"Walang kasama si Gretchen." Sagot naman ni Luke. Ay, oo nga pala, 8 months preggy na ang asawa ni Luke at malapit na siya maging daddy!

"Walang magbabantay kay Arianna." Sunod na sabi ni Adrian. Hindi pa kasi kumuha ng yaya eh!

"May flight ako that day at may dinner date din ako with my pilot boyfriend pero icacancel ko yun dahil its been seven years nung huli nating makita ang mga high school classmates natin! This is only once in a life time opportunity! You know that? Uuwi din yung mga classmates natin at batchmates na nakatira na sa ibang bansa. Uuwi sila para lang sa reunion na 'to! Do you get my point guys???!!!" Halos pasigaw na sabi ni Lyka sa amin. Nakakaagaw na nga siya ng atensyon dito sa loob mg coffee shop eh.

Haaaaay, pitong taon na ang dumaan, di pa din nagbabago tong babae na'to.

"Kaunting sacrifice lang guys! Only for two days!" Sunod pa na sabi ni Lyka.

Bigla niya akong tinuro. "Dalhin mo laptop mo at doon mo gawin ang column na sinasabi mo." Okaaaay... (=___=)

Pagkatapos niya sabihin yun ay bigla na lang may pumasok sa utak ko.

Pupunta kaya siya?

Heh. Ano naman kung pupunta siya? Eh di pumunta siya.

Nag-usap pa kami—este—sila lang pala patungkol sa nalalapit na reunion. Mas excited talaga si Lyka sa aming lahat.

Abala pa din ako sa pakikinig sa mga videos ni Dj.

Maganda talaga ang mga kinakanta niya at yung sarili niyang version. Maganda din ang boses nito at talagang may feelings. Ramdam ko. Tumitindig ang balahibo ko nga sa tuwing naririnig ko ang boses niya.

Pero may isang video na nakapukaw sa atensyon ko.

Mailang beses akong pumikit at dumilat at tiningnan kung tama ba talaga yung nakikita ko.

Sa dinami-rami kasi ng videos niya, etong ang medyo iba.

Dahil...

Sa gitara na hawak niya.

Hindi 'to ang karaniwang gitara na ginagamit niya sa ibang cover niya.

At ng mabasa ko ang title... Mas lalo pang nanlaki ang mata ko.

'Your Guardian Angel'

Bigla akong kinabahan. Napalunok ng ilang beses at medyo pinagpawisan.

Nagtatalo ang utak at puso ko kung papanuorin ko pa ba ang video o hindi na. Dahil kung papanuorin ko, baka maalala ko na naman ang masakit na nakaraan. At kung hindi naman, wala naman siguro mawawala...

"Ano ba yang pinapanuod mo, Roselle?" Biglang tanong ni Lyka sa akin. Nabitawan ko tuloy ang cellphone ko. Buti na lang sa may pagitan ng hita ko ito nalaglag at hindi sa sahig.

"Ginulat mo naman ako." Sabi ko. Kinuha ko ulit ang cellphone at binuksan dahil aksidenteng na off ang home screen nito.

"Nagugulat ka pala, Roselle?" Nakangising tanong ni Adrian.

Poker faced ko lang siya tiningnan, "malamang, tao ako eh."

"Tao ka pala?" Asar pa niya. Pasalamat siya, hindi ako pikunin at sanay na ako sa kaniya.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinagtuunan ko na lang ang cellphone ko. Kaso, bago ko pa balikan ang pinapanuod ko kanina, hinablot na ni Lyka ang hawak ko gayundin ang earphone na sinalaksak niya sa tenga niya. Nakasalaksak naman yung kabila sa akin.

"Ano ba 'to? Kelan ka pa nanunuod ng video ni mystery singer?" Tanong sa akin ni Lyka.

"Kilala mo siya?"

"Naman! Sino bang hindi? Ang boses, nakaka-inlove! Tapos ang aura, very mysterious! Wala nga nakakaalam kung sino talaga siya eh. Basta kilala lang siya sa namesung na 'Dj'... I wonder kung gwapo siya. Kasi tingnan mo naman ang kamay, mahaba at very manly. Hot kaya siya?"

"Magtigil ka nga. Lyka, may boyfriend ka na." Suway naman ni Irish.

Inirapan niya lang ang sinabi ni Irish at tumingin sa cellphone ko. "Ah! This song! Sa lahat ng kanta niya, isa 'to sa paborito ko. Kasi... May naalala ako. At sobrang kaboses niya si Darwin!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ay, sorry Roselle... Hindi ko naman sinasadya na banggitin yung kinasusuklaman mong pangalan eh." Sunod na sabi ni Lyka.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Yung pangalan na yun? Matagal ko ng winaksi sa buong sistema ko yun.

"Bitter ka pa din hanggang ngayon, Roselle?" Ani naman ni Adrian.

"Shut up." Pinanlisikan ko lang siya ng mata at tumuon na din sa cellphone ko.

Bigla na lang plinay ni Lyka ang video at pinakinggan ang music.

Kahit hindi ako nakatingin sa video ay...

Alam ko ang boses na 'to.

Sumagi na naman sa isipan ko yung araw ng united nations noon, yung araw na kumakanta siya at tanging nakatingin sa babaeng sinasabi ng utak niya ay mahal daw niya.

That moment that gave me a heartache.

Sumagi din sa isipan ko yung pag-uusap namin sa telepono. Kahit hindi kami magkaharap ay ramdam ko ang sincere na mga salita niya.

'I miss you, my rose...'

That moment gave me a joyful heart

Pero agad yun binawi ng sabihin niya na...

'I don't want to pursue my feelings for you for now... Because if I do... It'll be hard for the both of us. We're still young and we still have dreams... I want to reach my dream, Roselle... Hope you understand...'

That very moment, gave me my first heart break...

Kaya simula noon, natakot na ako. Natakot na ako magkagusto pa ulit, natakot na ako magmahal ulit... Dahil ayoko na maramdaman yung sakit na dulot ng una kong pag-ibig.

Mas gugustuhin ko pang mag-isa na lang kesa sa makaranas ng ganun. Tutal, masaya naman na ako. Na abot ko na ang pangarap ko, kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon...

Pero....

Hindi ko naman itatanggi itong nararamdaman ko sa pinaka-ilalim ng puso't-isipan ko...

I feel empty inside...

Despite of all the things I already have...

At hindi ko akam kung ano ang makakapuno nitong pagkukulang na nararamdaman ko..

***

A/N:

I just got off from work and I'm so dead tired right now but I did my best to update this story right now... wooooh...

:)

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon