IKA-APAT NA YUGTO: SAVIOR

120 4 0
                                        

Prom night

"Kailangan, pagandahin mo yang si Roselle ha!" Ani ni Lyka sa baklang magsisimula pa lang mag-make up sa akin. "Kailangan, yung hindi ko na siya makikilala ah!" Sunod pa nitong sabi. Natawa na lang tuloy kung bakla.

"Huwag mo nga ipressure si Buttercup." Singit ni Irish sa likuran namin. Nag-susuot na siya ng alahas niya.

Nasa loob kami ngayon ng suite na kinuha ni Irish. Tatlo lang kami dito kaya solo namin ang buong room. Mag-stay din kami hanggang linggo dito. Isulit na namin ang maikling bakasyon.

Sa hotel din na ito idadaos ang promenade.

Nakakaba na nakaka-excite.

Ito kasi yung unang pagkakataon na dadalo ako sa JS PROM nang sobrang na-eexcite ako. Last year kasi, parang wala lang sa akin. Mas gusto ko nga manatili na lang sa bahay nun kaso pinilit ako ni Lyka eh.

"Eh dapat pagandahin talaga ang kaibigan natin! Kailangan ipakita niya kay Darwin kung ano yung pinalagpas niyang babae!" Ani pa ni Lyka. "Ewan ko ba kung ano nagustuhan mo sa manhid na mokong na yun na wala nang inatupag kundi ang libreng sudoku at crossword puzzle na nakukuha niya sa LRT Station" sunod pa niyang sabi.

Narinig ko naman napa-bungisngis si Irish sa likod.

Sudoku? Crossword puzzle?

Nakakatawa man pero uma-umaga, nakikita namin na laging may bitbit na dyaryo si Darwin pag pumapasok sa school. Habang naglalakad ay sinasagutan niya iyon. Para ngang may sarili siyang mundo eh.

Minsan, hindi ko napansin ang pagdating niya. Nagkabungguan kami. Siya naman may kasalanan dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya at busy siya sa pagsolve ng puzzle.

Sinungitan ko nga. Nakakainis kasi.

Pero kahit ganun man ang nangyari, gusto ko pa din siya.

Alam na pala nilang dalawa. Nina Lyka at Irish. Hindi ako vocal na tao. Kung hindi lang nila ako pinilit sabihin ay hindi talaga ako magsasalita.

At saka, ayoko din naman ikimkim ang nararamdaman kong ito sa loob ng puso ko. Mas maganda yung may taong nakakaalam ng feelings mo para atleast, may mapagsabihan ako ng hinaing ko at mga saloobin.

Nagulat nga silang dalawa eh. Hindi nila akalain na magkakagusto ako sa lalaki.

"Akong bahala sa kaniya, Ma'am Lyka. Sisiguraduhin ko na magiging prinsesa siya." Sabi ni Buttercup.

Nakita kong nilatag ni Irish ang damit na susuotin ko sa may kama. Kanina ko pa sila gusto tanungin kung bakit ayun ang gusto nilang ipasuot sa akin. Haaaaay... kaso, baka sabunin lang ako ni Lyka. Hindi na ako makakaalma pa.

Pero... masyado kasing... Errr.... Sexy yung damit?

Ang haba kasi ng slit eh... (=____=)

"Dapat lang! Kailangan, mamangha sa kaniya si Darwin! Kahit na din yung mga ibang lalaki!" Pangungulit pa niya. "Don't worry dear, mapapansin ka din niya." Sabi niya sa akin.

Napasinghay ako. "Ayoko magpapansin, Lyka."

"Hindi naman yun ang punto ko. Ang gusto ko lang ay yung kahit papaano ay mapalingon mo siya sayo..."

Napasinghay akong muli. Ang bigat lang kasi sa damdamin. Kahit anong gawin ko ay hindi naman siya lilingon sa akin. At hindi ako gagawa ng ganoong bagay! Nakakahiya! Hindi ako ganun!

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon