IKA-LIMANG YUGTO: ANG HULING SAYAW

109 3 0
                                    

Naghihintay lang ako buong gabi... Hinihintay ko na lapitan niya akong muli pero... Hindi na dumating ang pagkakataon na yun. Patapos na kasi ang programa...

"Okay... For the last dance... Guys, this is the time you ask the girl to have a dance with you!!!!" Sabi nung Emcee.

Kaya halos lahat ng mga lalaki ay nagsitayuan at nagpuntahan sa kani-kanilang gustong yayain.

Ako naman, nakaupo lang sa tabi at nagmamasid at nanunuod lang.

Sina Lyka at Irish naman ay may kani-kanilang partner na. Kasayaw ni Lyka si Adrian ngayon na marahil ay walang choice dahil pinilit niya. At si Luke naman ang kasayaw ni Irish. May iba kay Luke na matagal ko ng napapansin eh. Sa tuwing tinitingnan niya si Irish, basta may iba.

Lumipas ang ilang sandali ay nakita kong napakamot sa ulo si Adrian at lumapit sa akin at nilahad ang kamay niya.

"Can I have this dance?" Nakangiting tanong niya sa akin.

Napahalukipkip ako. "Spill the beans, Adrian. Pinilit ka ni Lyka na isayaw ako ano?" Pagtataray ko.

Ngumisi lang siya sa akin. "Alam mo naman pala. Tinanong mo pa."

"Ah ganun? Bahala ka sa buhay mo." Hindi ko na siya pinansin pero kinuha niya ang kamay ko at kinaladkad ako sa gitna ng dance floor.

Nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya habang ang kamay naman niya ay nasa beywang ko.

"Teka! Tsansing yan!" Hasik ko.

Tumawa siya bigla at pinitik ako sa noo. "Asa ka, Roselle. Asa. Huwag ka na pumalag, napag-utusan lang naman ako." Sabi pa niya. Kaya wala na akong nagawa kundi magpa-ubaya.

Habang sumasayaw kami ay hindi ko maiwasan tumingin sa paligid. May hinahanap ang mata ko... Pati na din ang puso ko...

Sa isang iglap ay nahagip ng mata ko ang kanina ko pa hinahanap.

Palapit ito sa akin habang tulak tulak ni—Lyka?

"Sibat na Adrian! Nawiwili ka na masyado kay Roselle eh." Sabi ni Lyka.

"Haaay salamat! Dumating ka na din!" Saka binitawan ni Adrian ang kamay ko at ibinigay ito kay Darwin.

Napatulala na lang ako sa mga nangyayari.

"Hala, sige, kayo naman." Sunod pang sabi ni Adrian saka umalis sa tabi namin at nawala na lang ng parang bula.

Parehas kami ni Darwin na hindi makagalaw sa pwesto namin.

Nanlamig naman ang buong katawan ko. Parang na-estatwa na ako sa kinatatayuan ko habang hindi malaman kung saan ko ibabaling ang aking mata.

Kasabay ng pagpalit ng kanta ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko at hinila ako papalapit sa kaniya na siya naman mas lalong ikinabilis ng pagkabog ng puso ko. Halos makabasag rib cage ang bawat pintig nito.

"Can I ask you for a dance?" Tanong niya sa akin. Hawak pa din niya ang kamay ko.

"S-Sure..." Sagot ko na lang at dahan-dahan lumapit sa kaniya.

(Iris by goo goo dolls- sam kelly cover)--->>> please play

And I'd give up forever to touch you

'Cause I know that you feel me somehow

You're the closest to heaven that I'll ever be

And I don't wanna go home right now

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon