My head says... I like Angel...
But my heart says... It was you...
Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa kong reply niya. Nakatulog na pala ako kagabi kakahintay ng sagot niya kaya nabasa ko na ang sagot niya kinabukasan ng umaga.
My head says... I like Angel...
But my heart says... It was you...
Anong ibig sabihin niya dun?
Dinial ko ang phone number ni Irish at sinabi sa kaniya ang pinag-usapan namin ni Darwin kagabi. All though, wala naman talaga kaming pinag-usapan.
Ako: sa tingin mo, anong ibig sabihin niya sa text niyang yun?
Tanong ko kay Irish.
Irish: hindi mo pa ba gets ang sinabi niya? *hikab* Roselle naman. Gusto ka niya. Gusto ka niya.
Ako: eh, kala ko ba si Angel?
Irish: sarap mo batukan, friend! Oo nga si Angel. Sabi ng utak niya. Pero ikaw ang nilalaman ng puso niya! Mas malalim ang sayo!
Ako: hindi ko pa din gets, Irish. Help me...
Irish: bahala ka. We'll see mamaya sa classroom. Nagkaalaman na kayo so there are things that will surely changed in between you guys.
Napalunok ako. Ay sheeet!!! Oo nga pala! May pasok pa!
Nakarating ako sa classroom ng 9:00 ng umaga. Nag palate talaga ako. Tutal wala naman klase.
Pagdating ko sa classroom ay wala pa masiyadong tao. 10:00 pa naman ang rehearsals.
Pero nasa loob na sina Irish at Lyka kasama si Adrian at Luke at may ilan-ilan na din akong classmates na nandun.
Pheewww... Wala pa si Darwin...
Pumasok ako sa loob at nakita kong nakangisi si Lyka at Irish sa akin. Alam ko na yan, tutuksuhin na naman nila ako, haaaay... ( ̄^ ̄)ゞ
"Nandiyan ka na pala, Roselle!" Sigaw ni Lyka. Kailangan pa talagang i-announce?
"Pareng Roselle! Long time no see!" Bati sa akin ni Adrian sabay lapit at nakipag-man hug sa akin. Ganito siya palagi. Parang lalaki ang treatment niya sa akin. Kutusan ko 'to eh. (`_´)ゞ
"Tigilan mo ako Adrian. Umagang-umaga. Huwag kang mambadtrip!" Pabirong hasik ko.
Inakbayan niya lang ako. "Kaw naman, parang hindi ka mabiro. Ang cute mo pa naman!" Sabay kurot sa pisngi ko. Ang weird niya! Ano bang meron?
Tumingin ako kay Lyka at Irish na hindi pa din ma-alis ang ngisi sa mga mukha nila.
"Ma-mimiss kita, alam mo ba yun? Wala na akong maasar sa college!" Sunod pang sabi ni Adrian ng hindi inaalis ang pagkakaakbay sa akin.
Kinurot ka siya sa tagiliran. "Ah ganun? Pwes, lubusin mo na ngayon, dahil hindi mo na ako makikita kahit kailan!" Natatawang sabi ko.
"Hahanapin kita Roselle! Hahahaha!" Biro pa niya. Niyakap niya ako mula sa likod at dahil mas matangkad at mas malaki siya sa akin ay nabuhat niya ako.
Napaimpit ako ng tili. Lokong Adrian!
"Adrian." Nanigas ako ng marinig ko ang boses na yun. Binaba na niya ako pero inakbayan pa din niya ako.
Lumingon si Adrian sa kaniya. "Oh. Darwin?"
Tumingin siya kay Adrian tapos sa akin tapos dun sa kamay ni Adrian na nakaakbay sa akin. Na-concious ako kaya inalis ko yun.
"Can we talk?" Tanong niya. Tumungo naman si Adrian. Sabay silang lumabas ng classroom at naiwan ako dun na nakatulala.
"Sabi ko naman sayo, effective yun eh!!!" Sabi bigla ni Lyka kay Irish.
"Oo nga eh! Grabe! Epic ang face ni Darwin!!!" Ani naman ni Irish.
"Jealousy overload!!!! Hahahaha" sabay nilang sigaw sabay tawa.
Ano daw?
Kinagabihan ay hindi ako makatulog. Na-eexcite ako para bulas. Graduation na eh! Nakakatuwa lang!
Pasado alas nuwebe na at nakahiga na ako sa kama para pilitin ang sarili ko matulog nang biglang mag ring ang cell phone ko.
(Darwin calling...)
Napapitlag ako at napaupo.
Bakit siya tumatawag?
Nakailang ring yung phone bago ko naisipan na sagutin na.
Ako: H-Hello???
Darwin: did I wake you up?
Ako: No... I was just a-about to sleep...
Darwin: okay
(=___=) yun na yun?
Ako: so... Why did you call? May problema ba?
Darwin: oh that. I just wanted to ask, bakit hindi mo ako pinapansin kanina sa classroom?
Hala, nagtagalog siya!!!! ( ̄◇ ̄;)
ito na ang pangalawang beses na narinig ko siya magtagalog.
Ako: sorry, I didn't know that you're already there eh...
Totoo naman. Hindi ko talaga siya napansin nun. Kung hindi lang niya tinawag si Adrian, hindi ko malalaman na nandun na pala siya.
Darwin: is that so? Okay then.
Ako: is there anything you would like to ask?
Gusto ko na matulog. Ayoko mag mukhang panda bukas sa graduation.
Darwin: uhm... Do you really like me?
Namula ako bigla sa tinanong niya, my god. Iba pala talaga kapag naririnig mo ang boses niya.
Ako: Y-Yeah...
Darwin: okay, that's all I want to ask... Good night, Roselle... See you tomorrow...
Ako: okay. See you tomorrow... Good night...
Binaba ko na ang phone. At nakatingin lang ako sa kisame habang parang timang na nakangiti.
Ewan ko, pero ang saya ko lang talaga.
***

BINABASA MO ANG
Rose
RomanceSecond chances doesn't always mean a happy ending... maybe, it's a chance to end things right...and start a new beginning... A story of a girl that never believed in love until she, herself fell for it. The catch is, He is in love with somebody else...