IKA-ANIM NA YUGTO: TEXT

88 4 0
                                    

Three days na lang at graduation na.

Abala kaming lahat sa pagkumpleto ng clearance namin. Wala ng klase dahil puro rehearsals na lang ang nangyayari.

Move-on na ako sa heart-breaking moment ko na yun nung JS PROM, salamat sa mga kaibigan ko na tinulungan ako kalimutan yung mapait na pangyayaring yun.

Kung tatanungin niyo ako kung nakalimutan ko na ba ang nararandaman ko sa kaniya?

Tama si Irish. Hindi natuturuan ang puso para itigil ang nararamdaman para sa isang tao. Dahil kahit alam kong iba ang gusto niya ay nanatili pa din ang pagtingin ko sa kaniya.

"Roselle! Halika dito!" Tawag ni Melissa sa akin. Lumapit ako sa kaniya at inabutan niya ako ng black marker.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko. "Drawingan ko mukha mo?" Biro ko.

Hinampas niya yung binti ko dahil nakaupo siya sa sahig samantalang nakatayo naman ako.

"Sira, magsulat ka dito sa uniform ko." Sabi niya.

Binalik ko yung marker. "Ayoko. Sasabihin ko na lang sayo message ko."

Pinilit pa din niya isuksok sa kamay ko yung pentlepen. "Magsusulat ka o magsusulat?" Pinandilatan niya ako ng mata.

Napairap na lang ako at kinuha ang pentlepen niya at sumulat sa uniform niya.

Maraming nainggit sa pinasimuno ni Melissa, kaya halos lahat sila ay nagpasulat sa  akin at sa iba pa namin classmate.

Isa na din dun si Darwin. Nilapitan niya ako at nagpasulat sa uniform niyang suot.

Sa bigla ko ay kinuha ko yung pen at kung ano-ano na lang ang sinulat ko sa polo niya. Bahala na.

Nang makaalis siya sa harapan ko ay halos kapusin ako ng hininga. Saktong lapit naman ni Lyka at Irish.

"Ayos ka lang? Parang hinabol ka ng sampung aso ah." Biro ni Lyka.

"Kung ako sayo, friend? Sasabihin ko na sa kaniya yung nararamdaman ko. Tutal, mag graduation na eh." Sabi naman ni Irish.

"H-Ha?! Ayoko!"  Ani ko naman. Ayoko nga! No way!

"Itext mo na lang kung hindi mo kayang sabihin sa personal. Then kinabukasan, act like nothing happened. Para naman mabawasan yang nandiyan sa puso mo. Believe me, makakatulong yun. Pero be open minded lang friend. Kung ano ang sasabin niya, tanggapin mo."

Napaisip ako sa sinabi ni Irish. Gusto kong sundin ang payo niya pero nakakatakot...

Kinagabihan, tinext ko si Darwin.

Ako: hi! :)

After five minutes, sumagot siya.

Darwin: hello! How are you? Did you eat your dinner?

Ako: i'm doing good! Yeah, i just had my dinner. How about you?

Darwin: yup! Me as well. I'm so full already :D

Natagalan ako bago mag reply dahil hindi ko na alam kung ano ang susunod ko pang sasabihin. Kinakabahan talaga ako--para bukas! Sa oras na sabihin ko sa kaniya...

Ako: uhm... Darwin? Before the graduation, i have a confession to make...

Send

Nanginginig ang kamay ko at hindi na ako mapakali sa hinihigaan ko. Kinakagat ko na yung unan ko at pinagsusuntok si Mr. Pascal na teddy bear ko. Kawawa nga, lamog na.

After five minutes ulit, nagreply na!

Napapikit ako habang pinipindot ang open message.

Pero naisip ko, paano ko mababasa ang text kung nakasara ang mga mata ko. (=___=)

Darwin: huh? What is it Roselle?

Napalunok na ako. This is it. No turning back. Bahala na. Lakasan na lang ng loob. Alam ko, hindi ko ito character. Pero bahala na talaga!

Ako: I've been liking you since last year, Darwin...

Send

Mabigat ang bawat paghinga ko sa kakahintay ng message niya.

Lumipas ang limang minuto... Sampung minuto... Dalawampung minuto...

Hanggang sa... Nakatulog na pala ako...

***

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon