IKA-LABING ISANG YUGTO: THE MYSTERIOUS YOUTUBE SINGER

104 3 0
                                    

"Been posting videos in youtube for seven years in a row... Halos lahat ng covers songs niya ay within 300,000 to 800,000 views. Nabasa ko na po ang mga comments nung mga hits niya at magaganda lahat ng feedbacks..." Paliwanag ng assistant kong si Mary. "Pero, sa tingin ko, aside sa magandang boses nito ay mas nagpapahook pa ng viewers ang kaniyang mysterious background..." Sunod pa nitong sabi.

Nagtaas ang kilay ko. "What do you mean?"

Ngumiti si Mary sa akin at umupo sa tapat ng table ko at hinarap sa akin ang laptop niya. May pinindot siya sa keyboard at nag-play na ang video.

All I can see is his guitar and his hands playing it. Wala akong makitang mukha.

"He's been a mysterious singer since then, Ma'am Rose... Sa loob ng seven years, ganyan lang ang nakikita ng mga tao. But it won't stop them from watching all his vids dahil sobrang nakakakilig at may pinaghuhugutan ang mga kinakanta niya." Sabi pa ni Mary na parang kinikilig. "At isa na ako sa mga nahook ng pagkanta niya, Ma'am Rose... Nakakainlove ang pagkanta niya, Promise..."

"Any other information? Paano natin matutunton ang taong yan?"

"Well, according sa youtube account niya, he's someone from america. Pero kumakanta siya ng tagalog! Siguro, pilipino na ipinanganak sa amerika o fil-am... Wala talagang nakakaalam, Ma'am Rose sa tunay na katauhan ng mysterious singer na yan."

"Paano tayo makakakuha ng interview kung wala tayong clue kung saan siya makikita?"

Napangiti ng malawak si Mary. "Actually, nagawan ko yan ng paraan, Ma'am Rose. I've been stalking him sa youtube, natunton ko ang FB page niya. Pero fanpage lang yun. Pero nakakakuha ako mg mga itzy bitzy infos... Nandito siya sa pilipinas!"

Nandito sa pinas? "And then what? Ang laki ng pilipinas, Mary!"

Tumaas ang hintuturo niya at winagayway ito sa harapan ko at ngumiti ng pakalapad-lapad.

"Ma'am, huwag niyo ako maliitin. Idol ko po kayo pagdating sa pag kuha ng mga imposibleng impormasyon, kaya naman, pinag-aralan ko po simula ng maging assistant niyo ako kung paano makakakuha ng source!" Sunod pa niyang sabi sabay taas-baba ng kilay niya.

Sumandal ako sa swiver chair ko at suminghay. "Spill it Mary, sabihin mo sa akin ang nalalaman mo."

"May nag offer po na recording company sa kaniya, Ma'am Rose. Ilalabas ang first album niya within this month." Sabi niya. "According to my reliable source, nag rerecording siya ngayon. Nasabi ko na din kay Sir Vasquez about this kaya tinawagan na niya."

Napangiti ako. "Good job, Mary." Tumayo na ako. "Wala tayong oras na dapat masayang. We need to get there asap. Bago may maka-interview sa kaniya na iba."

"Yes Ma'am!!!"

***

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon