7 years later...
"Ay! Nakanang!!!!" Hasik ko ng mailaglag ko ang mga raw drafts ko habang papaakyat ako sa opisina. Sheeeteee! Laaaate na ako!!!
Pagkapulot ko lahat ng papel ay napatakbo na ako papunta sa elevator para maabutan ko. Buti nakaabot ako!
Ilang minuto pa ang lumipas, nakarating na ako sa floor ng department ko. Editor na nga pala ako sa isa sa mga local newspaper dito sa pilipinas.
Sa loob ng pitong taon, hindi ko akalain na maabot ko ang pangarap ko.
Natapos ko ang kurso kong journalism, naghanap ng trabaho, kung sweswertehin nga naman, natanggap kaagad ako sa unang subok. Nagsipag ako hanggang naabot ko itong posisyon ko ngayon.
Balak ko mag masterals. Siguro later this year. Tapusin ko lang yung mga pending projects ko.
Naging maayos ang buhay ko, masaya naman, payapa at kuntento ako sa daloy nito. Kinasal na pala si Luke sa girlfriend niyang foreigner. Akala ko, ipupurisige niya si Irish eh. Engineer na pala yun. Si Lyka naman, ayun, flight attendant na. Si Adrian, chemist sa isang medicine manufacturing company, si Irish, ang bigtime talaga sa amin magbabarkada. Finacial adviser siya sa pinakamalaking banko sa bansa.
Kahit nag kolehiyo na kami, magkakasama pa din kami. Mas lalo pa nga kami naging close. Tama nga si Adrian, kahit anong tago ko sa kaniya, nahanap niya ako! Hahaha, parehas kami ng university na pinasukan eh.
Buhay pag-ibig namin?
Si Luke, kasal na.
Si Lyka, may boyfriend na piloto.
Si Adrian? May anak na, si Arianna
Si Irish? Isang tao pa din ang tinitibok ng puso niya hanggang ngayon. Hindi maka-move-on eh.
Ako? Walang akong oras para sa ganyang usapan.
Hindi naman sa sinara ko ang puso kay nino man, ang totoo niyan ay nakikipag date ako nung college. Ang dami ni-reto ni Lyka at Adrian sa akin eh... Pero ni-isa, walang umubra. Pero ang kinaganda ng pinag gagawa ko noon ay, i gain more friends.
Nagtataka nga ako kung bakit ni-isa, wala ako nagustuhan eh... Oh well, baka hindi pa siguro iyon ang tamang panahon para lumandi at kiligin ako.
"Ma'am Rose!!! Pinapatawag po kayo ni Sir Vasquez sa opisna niya." Bungad sa akin ng assistant ko pagdating ko sa sarili kong opisina. 'Rose' ang naging palayaw ko dito. Masyado daw kasi mahaba ang 'Roselle'.
"Ha? Bakit daw?" Tanong ko. Nilapag ko muna ang gamit ko sa desk saka nilapitan siya.
"Eh, hindi ko po alam Ma'am Rose. Nakita ko lang sa lamesa ko yung note ng secretary niya. Pinapapunta ka kapag dumating ka na daw." Sabi naman niya.
Tumungo na lang ako. Nag-ayos ako ng kaunti dahil pakiramdam ko, mukhang sabog ang hitsura ko. Nakakahiya naman humarap sa boss ko ng mukhang binagyo.
Pumunta na ako sa opisina ni Sir Vasquez. Kumatok ako muna ng ilang beses saka ito bumukas.
"Roselle!!! Come in! Come in!" Magiliw na bati niya akin. Ngumiti ako at pumasok sa loob ng opisina. "Have a seat..."
Umupo ako dun sa upuan sa tapat ng desk niya.
"Pinatawag niyo daw ako, Sir? Bakit po?"
Lumihig siya sa kabilang patungan ng braso sa kaniyang swivel chair.
"Well, i have a job for you to do..." Nangulambaba siya sa lamesa niya at tumingin sa akin. "Get an exclusive interview with this singer-song writter na kilala ngayon sa youtube. Write a column about him and you'll get the whole page for showbiz feauture."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Whole page? Oh my. Hindi pa ako nakakasulat ng isang buong article!!!
"Pero Sir... Sports page po ako. Hindi ako sa showbiz page..." Ani ko naman.
"That's why I give this oppotunity to you kasi kahit alam kong hindi ito ang linya mo ay mabibigyan mo naman ng justice ito. I believe in you, Roselle, I know you can do this..."
Gusto ko pa sanang umangal pero sabi ng kalahating utak ko, tanggapin ko. Once in a lifetime chance lang 'to eh. Natutukso ako tanggapin ang alok.
"I'm giving you a month to do the whole article. Actually, I'm thinking of placing your writings in the teenage magazine affliated with our company. Sila ang nag-offer sa akin nito. But then, i thought of you. And alam kong magagawa mo 'to." Sabi pa niya sa akin. May kinuha siyang folder na nakaipit sa mga piles ng documents niya. Binuklat niya ito at hinarap sa akin.
"Two-pages of exclusive feauture interview with this youtube sensation, Roselle. Take it or take it???" Nakangiting tanong niya sa akin.
Bakit ba hindi nila ako binibigyan ng choice na humindi?
"Do I have any options Sir Vasquez?" Natawa na lang siya at binigay sa akin ang folder.
"I'll send the information to your assistant, Roselle. Don't worry, this will be interesting for you..."
Lumabas na ako ng opisina.
Masaya ako na may big shot ako pero kinakabahan ako. At hindi ko alam kung bakit.
***

BINABASA MO ANG
Rose
Roman d'amourSecond chances doesn't always mean a happy ending... maybe, it's a chance to end things right...and start a new beginning... A story of a girl that never believed in love until she, herself fell for it. The catch is, He is in love with somebody else...