IKALABING-ANIM NA YUGTO: BIG DAY

90 2 0
                                    

Sumunod na linggo, binakante ko ang schedule ko para lang makapunta sa Album Launching ni Dj. Sinama ko na din si Mary dahil nagmakaawa talaga siya sa akin na gusto niyang sumama. She’s really a big fan of him, pero mas lumala ang pagiging fan girl niya when he actually sang infront of us that day I made an interview with him.

 Nakarating na kami sa Venue. Madaming tao ang nagpunta. May mga dala itong banner, placard, balloons, na puro pangalan ni Dj ang nakalagay. Karamihan sa kanila ay mga babae.

Since may VIP Pass kami ni Mary ay madali kaming nakapasok sa music hall.

Pagpasok namin sa loob ay wala pa masyadong tao sa VIP Section kaya umupo na kami sa upuan na malapit sa stage. Magandang spot yung nakuha naming para makakuha ng magandang litrato si Mary na ilalagay sa Article ko.

Nasasabik na ako, para sa nalalapit na pag-publish nito. Sa wakas ay makikita ko na ang pangalan kong naka-imprinta sa pinaka-malaking Magazine sa pilipinas.

Malaki ang music hall na pagdadausan ng album launch ni Dj. Nabasa ko sa program kanina na magkakaroon muna ng mini concert si Dj para mag-sample ng kaunti sa manunuod. Sabi dito ay tutugtog siya ng tatlong kanta. Dalawang cover at isang original song.

Hindi ko pa din alam kung ano ang name ng album niya dahil isang secret pa daw ito, not until na si Dj na mismo ang mag-sabi.

Nakaka-inis dahil ang dami nilang pakulo.

Pero gustong-gusto naman ng mga tao dahil may ‘thrill’ kumbaga.

Lumipas pa ang ilang sandali, nadagdagan na din ng bilang ang mga tao sa VIP seats. Nakita ko si Gabriel. Yung Music producer. Kumaway siya sa akin at ni-ngitian ko lang. May ilan-ilan ding kilalang tao sa music industry akong nakita. May mga managers din. Siguro, oofferan nila si Dj sa oras na lumabas na ito.

Nagpapasok na din ng mga audience sa loob ng music hall kaya medyo umingay na.

Sinisigaw nila ang pangalan niya…

Pati si Mary ay nakisali din pero agad ko siyang pinatahimik dahil nakakahiya sa mga katabi namin dahil siya lang ang maingay.

Sumapit na ang ika-3 ng hapon.

Biglang umilaw ang stage at nakatutok ito sa puting kurtina na nakaharang sa may gitna. Tapos biglang may isang-anino na nakaupo at may hawak na gitara ang tumugtog.

When I see your smile

Tears roll down my face I can't replace

And now that I'm strong I have figured out

How this world turns cold and it breaks through my soul

And I know I'll find deep inside me I can be the one

I will never let you fall (let you fall)

I'll stand up with you forever

I'll be there for you through it all (through it all)

Even if saving you sends me to heaven

Cuz you're my, you're my, my, my true love, my whole heart

Please don't throw that away

Cuz I'm here for you

Please don't walk away and

Please tell me you'll stay woah, stay woah

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Napakinggan ko na ito sa cellphone ko, pero iba pala ang epekto nito kapag napapakinggan ko ng personal. Nang LIVE

RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon