Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng graduation. Nawalan ako ng pagkakataon na makausap si Darwin noon.
Ngayon ay lagi na siya nasa isip ko. Mukhang tama si Lyka, somehow, nakakaramdam ako ng pagsisisi. Bakit ba kasi hindi ko siya hinanap noon at kinausap? Pero kung mahanap ko naman siya, anong sasabihin ko?
"Anak? May package ka oh." Sabi sa akin ni Mommy ng bumaba ako galing sa kwarto. Umagang-umaga, may package?
"Ha?" Nagtatakang lumapit ako sa kaniya at kinuha ang mahabang box.
Umupo ako at binuksan iyon.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
'Rose'
Isang long stem red rose ang nakalagay sa box.
"Kaynino galing?" Nagtatakang tanong ni Mommy pero ramdam ko na parang kinilig siya. "Anak, di mo man lang sinabi sa akin na may manliligaw ka!"
"Mommy! Wala po akong manliligaw!"
"Hahahaha! Huwag mo na itanggi anak! Okay lang yan! Basta huwag mo munang sabihin kay Daddy mo ha? Baka magwala yun."
Hindi ko na lang pinansin si Mommy at hinanap ang card. Dapat may card dito para malaman kung kaynino galing... Pero wala eh...
Kaya naman, kinuha ko na lang ang rose, pinutol ang dulong stem nito at nilagay sa vase na may tubig. Dinala ko sa kwarto ko.
Pagdating ko sa kwarto ay siya naman ring ng phone ko.
(Darwin calling...)
Agad ko sinagot yun.
Ako: H-Hello???
Kinakabahan pero nananabik. Matagal ko na din hindi siya nakausap eh.
Darwin: did you receive it?
Ako: ha? Ang alin?
Darwin: the rose...
Siya ang nagpadala nun?! Oh my!!!
Ako: Y-Yes... Thank you Darwin...
Biglang natahimik ang kabilang linya.
Darwin: i miss you my Rose...
Sambit niya. Nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi niya lalo na sa boses niya. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko.
Rose? Dahil ba Roselle ang pangalan ko kaya tinawag niya ako na ganun?
Ako: I-I miss you too...
Kinakabahan pero bahala na, miss ko naman talaga siya. Hindi na ako magpapakipot pa.
Darwin: Roselle? My Rose? I just wanted you to know that... This will be the last time I will call you...
Sabi niya. Bigla ako napatigil sa pagkilig. Hindi ako nagsalita at hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.
Darwin: I don't want to pursue my feelings for you for now... Because if I do... It'll be hard for the both of us. We're still young and we still have dreams... I want to reach my dream, Roselle... Hope you understand...
Saglit na kasiyahan, ngunit kaagad binawi itong kagalakan sa puso ko...
Namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako. Ramdam ko ang bawat pagkirot ng puso ko sa bawat salita niyang binibitawan.
Ayaw na niya ako gustuhin...
Ako: O-Oo naman... Ofcourse D-Darwin... Naiintindihan ko...
Pilit kong hindi mabasag ang boses ko kahit ang puso ko ay basag na basag na.
Darwin: Thank you Roselle... Thank you for understanding me...
Ako: no problem, good luck, Darwin... G-Goodbye...
Pinindot ko na ang end call, bago pa bumigay ang emosyon ko habang kausap ko siya.
At sabay sa pagbaba ng tawag na yun ay siyang pagbuhos ng sakit at pighati na nararamdaman ko.
Minsan na nga lang ako mag kagusto sa isang tao
Palpak pa...
Mali bang tao ang nagustuhan ko?
Minsan na nga lang ako mag mahal...
Mabibigo lang pala...
Ang lungkot dahil iba pala ang nasa puso niya...
Tanong ko lang...
Kelan kaya ako sasaya???
Paulit-ulit ko na lang ba sasabihin ang mga salitang 'to?
Ayoko na... Ayoko nang umibig pa... Dahil ang sakit pala... Masyadong marupok ang puso ko para panghawakan ang ganitong kabigat na pakiramdam....
Hindi ako magagalit kay Darwin dahil wala siyang kasalanan dito. Ako lang naman itong umasa sa huli.
Gustong habulin ni Darwin ang pangarap niya at wala ako sa posisyon para pigilan kung ano man ang gusto niya.
Dapat bang gawin ko din ang gagawin ni Darwin?
Isasantabi ko muna ang puso ko...
At
Abutin ang sarili kong pangarap?
***
BINABASA MO ANG
Rose
RomanceSecond chances doesn't always mean a happy ending... maybe, it's a chance to end things right...and start a new beginning... A story of a girl that never believed in love until she, herself fell for it. The catch is, He is in love with somebody else...