"Bye,Mam Clau. Ingat po sa pag-uwi!"tumango ako at ngumiti sa mga kasama ko.
"Kayo din ingat sa pag-uwi!"
Tatlong linggo na ang nakalipas magmula nung umuwi kami kina Nanay. At tatlong linggo na rin ng huli kong makita si Aidan.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong nangyari. Ni hindi niya magawang tumawag o kahit text man lang para sabihin sa akin kung nasaan siya. Kung ayos lang ba siya o kung ano na bang nangyayari sa kanya. Sinamahan ako ni Ali sa construction site ng condong ginagawa nila pero ang tanging nasabi sa amin ng foreman doon umalis daw yung tatlo. Tumatawag na lang sila sa main office kung sakaling may problema.
Okay pa naman kami nung huling gabing magkasama kami. Bago nga sila umalis kinukulit pa niya ako na bumalik kami kaagad kina Nanay. Panay pa nga ang tukso sa kanya nina Ali.
Until now I am clueless kung nasaan siya. Panay ang text ko sa kanya hindi siya nagrereply. Sa tuwing tatawag ako hindi siya sumasagot hanggang sa hindi ko na matawagan ang phone niya. Hindi ko alam kung pinapatay niya ng sadya o nalolowbat ang phone niya sa paulit-ulit kong pagtawag.
"Girl!"tawag sa akin ni Ali.
"Hhmm"hindi ko siya nilingon. Nakaupo ako dito sa may balkon. Katatapos lang namin kumain ng dinner.
Tumabi siya sa akin.
"Okay ka lang ba?"masuyo niyang tanong.
Okay nga lang ba ako? Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Nung una kaya ko pang sabihin sa kanya na "oo naman" pero ngayon?hindi ko alam.
Isang buwan na. Isang buwan ng wala akong balita sa kanya.
Ang sakit sakit ng dibdib ko sa tuwing naiisip ko ang nangyari. Bakit ganun? Bakit ni hindi man lang niya nagawang magpaalam sa akin?
Laro lang ba sa kanya ang lahat?
Ang sakit sakit talaga!
Naramdaman ko ang yakap ni Ali.
"Ssshh! It's okay! I know it hurts being ignored pero alam kung kaya mo yan,Claudia."
Napapikit ako. As my tears fall my shoulders shook. Sa loob ng isang buwang pagkawala niya hindi ako umiyak ngayon lang.
Panay ang paghagod ng kamay ni Ali sa aking likod.
"Tangina naman kasi si Aidan!" Nanggigigil niyang sinabi.
Panay ang punas ko ng luha ko pero bakit ayaw nilang tumigil.
"Ganito ba ang feeling ng brokenhearted?"hindi ko maiwasang itanong.
"Brokenhearted agad? Hindi ba pwedeng namimiss mo lang siya o kaya LQ kayo?"
"Ni hindi ko nga alam kung talaga bang merong kami?
BINABASA MO ANG
CLOSER(COMPLETED)
General FictionSo baby pull me closer in the backseat of your rover That I know you can't afford Bite that tattoo on your shoulder Pull the sheets right off the corner of the mattress that you stole From your roommate back in boulder We ain't ever getting older...