chapter 18

1.7K 34 0
                                    

So baby pull me closer
In the backseat of your rover
That I know you can't afford
Bite that tattoo on your shoulder
Pull the sheets right off the corner
Off the mattress that you stole
From your roommate
Back in boulder
We ain't never getting older



Mapait akong napangiti. Now I remember the song. Nung gabing hinahanap ko si Ali,ang gabi kung saan una kaming nagkatagpo. Ang gabi kung saan una kung nasilayan ang kanyang mga asul na mata. It's the song that's playing on that bar.

Humikbi ako. Akala ko nabawasan na ang sakit. Akala ko wala nang mas sasakit pa sa pag-alis niya ng walang pasabi.



Mali pala ako. Akala ko lang pala yun.



Ang malaman ang dahilan kung bakit siya nawalang parang bula. Walang pasabi,walang komunikasyon. Hindi ko akalaing mas masakit pa pala yun.


Niyakap ako ni Ali.



"Girl!"


Nilingon ko siya saglit. Muli kong itinuon ang pansin ko sa alak na nasa harap ko.



Pati si Ali,alam na niya pala. Kaya pala nitong mga nakaraan balisa siya kasi hindi niya alam kung paano sasabihin sa akin ang lahat. Hindi ko na tinanong kung gaano na niya katagal na alam yun. Para saan pa?



Dati kinumbinsi ko ang sarili ko na huwag ng magalit sa kanya kasi yung pagpasok niya sa buhay ko ginusto ko yun. Desisyon ko yun. Ginusto kong maranasan kung paano ang magmahal at mahalin. Sinabi ko pa nga sa sarili ko na kung sakaling masaktan man ako wala akong sisisihin. Kasi malinaw na malinaw naman sa akin ang malaking pagkakaiba namin. Pero inaamin ko na sa mga panahon na kasama ko siya hindi ko naramdaman ang agwat naming yun.


Naramdaman ko ang pag-aalaga at pagmamahal niya sa akin. Hindi ko maiwasang umasa at ang bigla niyang pag-alis ng walang pasabi masakit sa akin yun.



O dahil din sa pagiging baguhan ko sa ganitong larangan kaya nagawa niya sa akin ito. Nilinlang niya ako. Pinaglaruan. Marahil sa mga oras na ito pinagtatawanan niya ako. Kung paanong pinaikot niya ako sa kanyang mga palad.



"Inom pa tayo!"Panay ang patak ng aking mga luha pero nakangisi kong inalok ng inumin si Ali. Sa totoo lang ako lang talaga ang kanina pa umiinom. Ewan ko ba dito kay Ali at pinapanood lang ako. Umiiyak din siya habang nakatingin sa akin.



"Bakit ka ba umiiyak diyan? Mukha kang tanga kaya!" Humahagikgik kong sabi habang marahas kong pinupunasan ang aking mga luha. Ayaw naman kasing tumigil ang pagtulo. Nakakainis!



Yumuko si Ali.



"Tangina naman kasi ni Aidan."she whispered.


I laughed.



"Tangina talaga niya! Hindi mo alam kung ilang klaseng mura na ang ibinato ko sa kanya,Ali. Kasi masakit! Ang sakit sakit ng ginawa niya sa akin. Alam mo yun ha?! Ang sakit sakit dito!!!itinuro ko ang aking dibdib,sa aking puso." It's my first time to feel this kind of emotion pero bakit ganun naman? Bakit Ali? Sabihin mo nga sa akin?



Humigpit ang yakap ni Ali.




"Bakit ako pa ang napili niyang kulitin at pagkatapos ay ganito lokohin. Nananahimik ako Ali! Bakit ganun?"umiiyak kong sinabi. Naninikip ang dibdib ko.





"Ssshhh! Tama na,Claudia! Tama na!"



"Mahal ko siya. Sa loob ng napaiksing panahon minahal ko na siya. Pero ano itong ginawa niya sa akin? Ang sakit sakit Ali!"halos mapunit ang damit ni Ali dahil sa higpit ng kapit ko.



"Hindi ko alam,Ali! I'm sorry hindi ko rin alam!"umiiyak din niyang sagot sa akin.



"Ang kapal ng mukha niyang humarap sa pamilya ko kahit na alam niyang lolokohin lang niya ako. Pati pamilya ko dinamay niya. Kinamumuhian ko siya Ali. Kung noon sinabi ko sa sarili ko na hindi ko siya dapat kamuhian kasi ginusto ko din ang pagpasok niya sa buhay ko ngayon kinamumuhian ko siya,Ali. Kinamumuhian ko siya. Sana huwag ng magtagpo ang landas naming dalawa kasi hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya kung magkaganon."




Hindi nagsalita si Ali. Patuloy lang ang paghagod niya sa aking likod.



"Sshhh! Tahan na!Kaya mo yan,Claudia."



I know kaya ko ito. Ngayong gabi ipinapangako ko na ito na ang huling beses na iiyak ako na ang dahilan ay siya. Iiiyak ko ang lahat ngayong gabi dahil pagkatapos nito hindi na ako iiyak muli.




Hindi na!

CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon