Gustung-gusto ko ng batukan si Aidan sa ginagawa niya. Ako kasi ang nahihiya sa inaasal niya. Kanina pa kasi siya nakikipagsagutan sa kanyang Mommy. Tiningnan ko si Daddy Will,kinindatan lang niya ako then he mouthed hayaan mo sila.
Pagkagaling namin sa ospital kanina dito na kami tumuloy sa condo niya. Hindi pa nga kami nakakapag-ayos ng mga gamit niya galing sa ospital dumating ang kanyang mga magulang. Halos gusto ko ngang magtago ng makita kong sila yung dumating kasi dahil sa pagiging MIA ko sa buhay ni Aidan nitong mga nakaraang linggo. Iniisip ko pa rin kasing baka nga galit sila sa akin. Kaya talagang gulat na gulat ako nung sa halip na si Aidan ang kumustahin ni Mommy Avery ako ang kinumusta niya. Sabi pa nga niya sa akin bakit naman daw bumalik na ako kaagad dapat daw tinagalan ko pa yung tipong halos baliw na si Aidan sa kakahabol sa akin. Napakababaero daw kasi. Badtrip tuloy si Aidan.
Hanggang ngayon badtrip kaya ayan kanina pa nakikipagtalo kay Mommy Avery. At ang pinagtatalunan nila eh ang pagpapauwi kay Aidan sa bahay nila. Habang pinipilit kasi siya ng Mommy niya parang mas lalong ang hirap kumbinsihin ni Aidan.
"Dito na nga lang kami,My. Andito naman si Claudia kaya okay na ako.......sobra pa sa okay! Di ba,mahal?"kinindatan pa niya ako.
Napangiwi naman ako sa sobrang kabulgaran ng bibig ni Aidan. Nagulat ako ng hampasin ni Mommy Avery si Aidan ng tinidor. Napatayo pa siya kasi magkatapat sila ng upuan.
"Tapos ano? Baka naman mamaya niyan magugulat na lang si Claudia na merong babaing bubulaga sa kanya dito? Naku,yan na nga ang sinasabi ko sa iyo noon di ba? Huwag kang maging mapaglaro sa babae kasi darating ang araw na pagsisisihan mo yan."
Napatayo ako at hinaplos ang likod ni Mommy Avery.
"Tama na po,Mommy!"
Tiningnan ko si Aidan. Nakasimangot na siya. Kuyom na kuyom ang kanyang mga kamay.
"Kung yun lang po ang inaalala niyo huwag kang mag-alala,Mommy kasi wala po akong ibang dinalang babae dito kundi si Claudia lang po."nakayuko niyang sagot.
"Kahit na! Paano kung yung mga naging babae mo may stalker tendency? Paano na? Naku,eh yun ngang harap-harapang hinalikan ka nung babae hindi ka man lang tumanggi. Ewan ko sa iyo,Aidan."napaupo na si Mommy. Sinalinan ko ng tubig ang kanyang baso at inabot sa kanya. Hinagod-hagod ni Daddy Will ang likod ni Mommy.
BINABASA MO ANG
CLOSER(COMPLETED)
General FictionSo baby pull me closer in the backseat of your rover That I know you can't afford Bite that tattoo on your shoulder Pull the sheets right off the corner of the mattress that you stole From your roommate back in boulder We ain't ever getting older...