chapter 17

1.7K 31 0
                                    

"Hoy!" Napahagikhik ako ng tila natatarantang tumayo si Ali mula sa sofa.

"Ano bang nangyayari sa iyo? Pansin ko lang parang palagi kang wala sa sarili mo nitong mga nakaraang araw. Parati ka na lang parang tulala at saka ang bilis mong magulat ha?! Okay ka lang ba?"tanong ko.


Umiwas naman siya ng tingin. Bahaw siyang tumawa.



"O-oo naman! Okay lang ako,ano ka ba! Huwag mo na lang akong pansinin,medyo marami lang akong iniisip sa trabaho."sabi niya.


I eyed her intently.

"Sure ka?"paninigurado ko. I treated Ali like my own sister kaya ganito na lang ang pag-aalala ko sa kanya. She's like the sister that I never had.


Tumango siya.


"Oo naman. Huwag mo akong alalahanin. Sa trabaho lang ito. Kayang kaya ko ito."malamlam ang kanyang tingin sa akin.


Ngumiti ako bilang pagtanggap sa sinabi niya.


"Okay! Basta if ever na may problema ka tell me okay?"


Tumango siyang muli.


"Sige papasok na ako ha?paalam ko.

"Okay,ingat ka!"


Dahan dahan kong isinasara ang gate ng makita ko isang babaing papalapit sa akin. Napasimangot ako sa aking isip. Hindi pa man siya nakakalapit nahulaaan ko na kung sino siya base sa kanyang pananamit. Hapit na hapit ang kanyang paldang suot na gaya ng dati konting tuwad niya lang kita na ang kanyang kaluluwa.


Kita kong sa akin talaga ang punta niya. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa akin?


Nang ganap siyang makalapit sa akin nakahalukipkip siyang tumayo sa harap ko habang nakangisi.

Tinaasan ko siya ng kilay. Aba! Huwag niya akong hamunin ngayon papatulan ko na naman ito.


"Kumusta na! Ambisyosang kabit?"tila nakakaloko niyang tanong sa akin.



Kumunot ang aking noo. Ano bang mangyayari kung papatulan ko itong babaing ito? Gusto ko mang alamin kung anong ibig sabihin niya pero mas pinili kong wag na lang siyang patulan.



Tumalikod ako at naglakad palayo sa kanya.




"Ang yabang yabang mo! Akala mo naman kung sino ka yun naman pala isa ka lang dakilang kabit?"sigaw niya.



CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon