chapter 25

1.9K 43 0
                                    

"Are you okay?"napapitlag ako ng hawakan ni Thomas ang aking kamay.

Tipid akong ngumiti bago tumango.

"Sure? Kanina ka pa kasi nakatitig lang diyan sa pagkain mo."

I just sigh. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Thomas ang lahat. Pag ganito kasing alam niya ang problema ko masyado itong over protective sa akin. Isa pa masyado ding pakialamero.

"Oy,ano na?!"

Oh di ba ang kulit!

"Wala nga! Huwag mo na lang akong intindihin. I am fine,don't worry."

"Hirap talagang maka-move on noh? Huwag mo na kasing isipin yun,hindi ka na mahal nun."walang preno niyang sinabi.

Sinamaan ko siya ng tingin sabay binato ko sa kanya yung tinidor na hawak ko.

Tatawa tawa siyang umilag.

"Ang gago mo talaga! Salamat sa pagdamay mo ha! Ibang klase!"singhal ko sa kanya.

"Walang anuman! Basta ikaw,alam mo namang andito ako palagi."

"Hay naku! Kung ganyan lang naman ang pagdamay na ibibigay mo sa akin,bumalik ka na lang sa Manila nang mapakinabangan ka naman ng ama mo. Ang sadista mo dumamay."reklamo ko.

Totoo naman kasi. Sa halip na gumawa siya ng paraan para makalimutan ko ang pinagdadaanan ko,kung anu-ano pa ang pinagsasasabi niya. Simula pa yan kanina mula ng sunduin niya ako sa trabaho para kumain ng lunch. Ang dami-daming sinasabi na kung anu-anong kabulastugan.

"Ganun talaga! Alam mo kasi may nabasa ako na dapat kayong mga brokenhearted you have to embrace the pain para maisaksak niyo diyan sa puso niyo na wala na talaga. Na niloko lang kayo."

See! Napaka-sadista. Sinimangutan ko lang siya. At ang gago kong kaibigan ang sarap ng ngiti. Ngiti talaga ng kalaban ng anghel.

"Ewan ko sa iyo. Ano ba yung sasabihin mo sa akin?"tanong ko. Bigla bigla na lang kasi lilitaw sa trabaho ko. May sasabihin daw siya sa akin.

CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon