chapter 47

1.8K 36 0
                                    


Napapailing na lang ako habang naririnig ko dito ang ingay na galing sa living room. Sabado ngayon at siyempre wala akong pasok kasi si Thomas hindi na nakatiis sinundan na si Charlotte sa Hongkong. May pasabi-sabi pa siyang may business deal daw siya doon eh ako kaya ang secretary niya at wala naman yun sa schedule niya. Mangangatwiran pa sa akin na bagong investor daw yun. Tatawa-tawa nga ang Daddy niya nung sinasabi niya yun at panay lang ang kontra ko sa kanya.

Pero kahit Sabado ngayon maaga akong nagising,kami pala ni Aidan kasi sinugod kami ng mga pinsan niya. At kung nung nakaraan yung magkapatid lang ngayon kumpleto na sila. Kaya ayun,ang sungit na naman ni Aidan.

Napalingon ako ng makarinig ako ng yabag na papalapit dito sa kusina. Sumungaw ang ulo ni Arnold na kakamot-kamot sa kanyang kilay.

"Bakit?"

Dahan-dahan siyang naglakad ng palapit sa akin.

"May maitutulong ba ako sa iyo? Nakakahiya naman kasi....."nahihiya niyang sabi.

Natatawa akong umiling.

"Okay lang naman kung gusto mong tumulong. Tutal eh mga pinsan mo yun,ikaw na ang maghanda ng kape nila."itinuro ko ang lalagyan ng tasa at ang coffee maker.

"Okay!"lumapit siya doon at nagsimulang magsalin ng kape.

Ipinagpatuloy ko naman ang paghahalo ng sinangag. Tiningnan ko din ang isinalang kong pancake kung luto na.

"Ang swerte talaga ng pinsan ko sa iyo,Claudia."

Nilingon ko siya.

"Bakit naman?"tanong ko.

"Eh kasi tanggap mo siya kahit na ang dami niyang issues sa nakaraan niya. At saka kitang-kita naman na mahal na mahal mo siya."nakahalukipkip siyang nakasandal sa counter habang sinisimsim ang kanyang kape.

"Ganun ba? Salamat kung ganyan ang nakikita mo sa akin. Pero gusto kong malaman mo na swerte din kaya ako sa pinsan mo."

Arnold chuckled.

"At bakit naman?"

"Simple lang,dahil mahal na mahal niya ako. Ang laking swerte nun di ba? Ang mahalin ka ng isang Aidan Bretner....hay!"I looked dreamily at him." Nakakaganda....nakakakilig at saka swerte sa feeling."

CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon