chapter 46

2.1K 37 4
                                    

Nakapangalumbaba si Thomas habang nakatingin sa pader ng kanyang opisina. Mag-i-isang linggo na rin mula ng bumalik ako sa trabaho bilang sekretarya ni Thomas. Grabeng pangungumbinsi ang ginawa ko payagan lang ako ni Aidan. Inalok pa nga niya ako ng trabaho bilang sekretarya niya pero tinanggihan ko. Hindi ko pwedeng iwanan si Thomas sabi ko sa kanya. Tinukso ko pa nga siyang nagseselos lang siya,na hindi naman niya itinanggi. Paulit-ulit ko na lang sinabi sa kanya na kaibigan ko lang si Thomas at siya ang mahal ko. After so many words of pangungumbinsi salamat sa Diyos at pumayag din siya. Pumayag siyang kay  Thomas ako magtrabaho.

And speaking of Thomas,ilang araw ko ng napapansin na palagi siyang tulala. Kasi ilang araw na rin mula ng umalis si Charlotte. Pumunta kasi ang babaing yun sa Hongkong dahil sa isang business deal na kailangan niyang makuha.

Tumikhim ako. Matamlay na tumingin sa akin si Thomas.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

Umiling siya at muling tumitig sa pader.

"Hay naku,Thomas! Tawagan mo na kasi."

Kung kahapon ng sabihin ko yan sa kanya nakaangil kaagad siya sa akin,ngayon naman pagod siyang humugot ng malalim na hininga.

"Thomas ha,malapit na akong magtampo. Ang unfair mo sa akin!"nilangkapan ko talaga ng over na lungkot ang aking tinig.

Kunot noo naman siyang tumingin sa akin.

"At bakit naman?"masungit niyang tanong.

Lumapit ako at umupo sa kanyang couch.

"Nung binasted kita ni hindi kita nakitang ganyan kalungkot. Nagkagusto ka ba talaga sa akin o pinaglaruan mo lang ako?"humawak pa ako sa tapat ng aking dibdib. I made a sad face.

"Para kang baliw! Akala mo naman sobra mong ganda para damdamin ko ng bongga ang pangbabasted mo sa akin."

Napangiti ako ng marinig ko ang salitang bongga sa kanya. Isa yan sa mga impluwensiya sa kanya ni Charlotte.

Kumunot lalo ang noo niya ng mapansin siguro ang pagngiti ko. Pumormal naman ako.

"Iiih! Bakit kasi ang sad ng face mo?"

Siya naman ngayon ang napangiti.

"Miss mo na siya ng bongga no? Naku! Sinasabi ko na talaga,tama yung instinct ko."

"Anong instinct ang pinagsasasabi mo diyan?"kunot pa rin ang kanyang noo.

"Na si Charlotte ang destiny mo! May forever ka na,beshie!!"tumayo ako at tumili.

CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon